Chapter 17

5 0 0
                                    

Seventeen,

"Pupunta sila?" tinanguan ko itong kasama ko. Nakasuot siya nang dilaw na bestida na may bulaklak sa magkabilang braso. Tinernuhan niya iyon ng isang mataas at kulay kapeng sandals. Nakalugay ang mahaba niyang kulot na buhok. May suot din siyang headband na kulay puti. Ang ganda niya. Sobrang ganda ni Brigette.

Napatingin ako sa sarili ko. Simpleng white blouse lamang ang isinuot ko. Tinernuhan ko iyon ng maong na shorts. Mahaba iyon, hanggang ibabaw ng tuhod. Kung si Brigette nakasandals, ako naman naka-white shoes. Sobrang simple lamang ng suot ko.

"Ayun na sila!" tuwang-tuwa siya habang itinuturo ang dalawang lalaki na naglalakad palapit sa kinatatayuan namin. Nakasuot nang asul na polo si Ysaac. Nakatuck-in ang kaniyang pantalon. Naka-white rubber shoes din siya. Gwapo pa rin siya. Mukhang naglagay din siya ng gel sa ulo. Medyo mabasa kasi iyon.

"Ang pogi ni Inogen," napalingon ako sa lalaking nakasuot nang puting polo at maong na shorts. Tapos white shoes din. Nagpapalit-palit ang tingin ko sa suot naming dalawa. Para kaming couple.

"Saan tayo?" nagtinginan muna kami ni Brigette bago nag-apir.

"Park!!" sabay naming sigaw. Magkatabi kami sa paglalakad. Nakahawak din siya sa kamay ko. Patalon-talon pa kami habang paahon sa daan. Ramdam ko ang saya sa mukha ni Brigette.

"Milan, picturan mo kami. Kunwari, sinabi mo" narinig kong bumulong si Brigette sa akin. Tinanguan ko na lamang siya bago kinuha ang DSLR na camera sa kamay niya.

"Inogen," tinawag ko siya palapit. "Pipicturan ko kayo ni Brigette!" sigaw ko. Nagsalubong ang kilay niya. Pinandilatan ko naman siya. Napailing na lamang siya habang naglalakad papalapit kay Brigette.

"A-h, dumais kapa ng kaunti..." ramdam ko ang pangangatal nang kamay ko habang nakatingin sa camera. Bagay sila. Nang mag-click ang camera, saka lamang ako nakahinga.

"Kayo naman ni Ysaac!" kinuha ni Brigette ang camera sa kamay ko bago itinulak ako palapit kay Ysaac. "Sige na! 1, 2, 3 smile!" naramdaman kong may umakbay sa braso ko. Paglingon ko. Si Inogen. Tiningnan ko si Brigette.

"Mukha kayong magkapatid ni Inogen!" natatawa ito habang nakatingin sa camera. Nakahinga ako nang maluwag. Akala ko magseselos siya.

"Saan tayo kakain?" tinuro ko ang malapit na karinderya. Kanina ko pa iyon natatanaw.

"Anong sayo Inogen?" tiningnan ko si Brigette. Nakatabi siya ngayon kay Inogen.

"Ampalaya sa'kin Brigette ha?" tinanguan ako nito bago nag-thumbs up.

"Adobo sa'kin," si Ysaac iyon.

"Ampalaya rin akin," sagot ni Inogen. Tumayo naman si Brigette at nag-order.

"Nakain ka nang ampalaya Ino?" nagkatinginan kami ni Inogen nang magtanong si Ysaac. Hindi ba siya kumakain?

Pero bakit siya nag-order?

                            ***

Pagkatapos kumain. Nagbalik kami sa park. Naglaro kami sa palaruan na naroroon. Tawang-tawa si Brigette nang mahulog ako sa duyan. Nilakasan kasi ni Ysaac ang pagtulak. Ayun, tumama ako sa batuhan. Buti hindi ako balat sibuyas. Kung hindi. Siguradong, puno na nang dugo ang binti ko.

Si Inogen naman. Nakatayo lamang habang nanonood sa amin. Mukhang matured na siya. Ayaw niya kasi makipaglaro. Inasar tuloy namin siyang "lolo" umiirap lamang siya dahilan para magtawanan kami lalo.

"Picturan niyo kami ni Milan!" hinatak ako ni Brigette sa may tabi nang poste. Nagpose kami doon nang kung ano-ano. Siguradong mukha akong nanay doon.

"Ipapadevelop ko to' sa isang araw," tinitiningnan ni Brigette ang mga picture namin doon sa camera nang Lolo niya.

"Baka mukhang Lola ako diyan ha,"

Sobrang saya nang maghapon kasama silang tatlo. Ramdam ko ang pagiging bata kapag nagtatakbuhan kami ni Brigette sa may parke. Kung maaga kaming nagkakilalang apat. Siguradong magkakaibigan kami simula elementary. Siguradong...

"Milan dito!" napatakbo ako palapit kay Brigette. Nagtatagu-taguan naman kami ngayon. Si Inogen ang taya. Mabuti nga at napilit namin siyang sumali.

"Milan.." narinig kong bulong niya. "Sa tingin mo may pag-asa ako sa kaniya?" napatingin ako sa kaniya. Meron. Malaki ang tyansa. Maganda siya eh.

Tinanguan ko ito.

Hapon. Magkakasaby kaming umuwi. Nauunang maglakad si Brigette at Inogen. Mukhang nagkukuwentuhan din sila. Ramdam ko ang saya sa bawat pagtawa ni Brigette habang kausap niya si Inogen. Parang may kung anong tumutusok sa dibdib ko. Hindi. Hindi ka masasaktan Milan. Nang makatapat sa gate ay pinauna na namin iyong dalawa. Nagpaiwan si Brigette. May sasabihin daw kasi siya sa'kin.

"Milan?" napatigil ako sa pagtingin sa likod nang dalawa na ngayon ay lumalayo na. "Huwag mo siyang pupuntahan bukas," tumango ako. Gusto kong puntahan si Inogen. Pero hindi pwede. Masasaktan ka, Brigette.

"Magpramis ka sa'kin Milan, promise?" itinaas nito ang kamay niya.

"Pinky promise"

"Milan, hindi mo naman siya gusto diba?" hindi agad ako nakasagot. "Milan?"

Tinanggal ko iyong kamay niya. "Hindi no! Alam mo namang si Ysaac ang gusto ko diba? Ano kaba!" magkunwari kapa Milan.

"Tama yan," ngumiti ito. "Nabanggit din sa'kin ni Ysaac, gusto ka niya. Milan gusto ko siya para sayo. Sagutin mo siya"

——————————————————

Dear Mr. Cassette tape,

Ngayong araw. Sobrang saya nang puso ko. Magkakasama tayong apat. Siguro kung maaga niyo kaming nakilala. Magkakaibigan na tayo matagal. Masaya ako na makitang masaya ang kaibigan ko. Inogen, gusto ka niya. Ipapaubaya na kita sa kaniya. Sana hindi mo siya paiyakin ha?

Mahalin mo siya. Ayos lang ako wag mo akong alalahanin. Masaya na ako kapag masaya ang kaibigan ko.

Bumibitaw,
—Milan

@Azara6

Record of Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon