Simula

24 2 0
                                    

Simula,

Hulyo, 21, 1995 Batangas City

Malalakas na hiyawan. Kaniya-kaniyang sigawan ang mga estudyante nang magsimulang tumugtog ang banda. Ang unang banda sa aming school. Nandito kami sa loob ng covered court kung saan nag-uumpukan ang mga estudyanteng inuna pa ang panonood sa pagtatanghalian.

"Go! Villanueva!" Nangingibaw ang apelyido ni Ysaac. Ang may hawak ng microphone, main vocalist ng banda. Matangkad ang pangangatawan niya. Moreno ang kulay. Matangos ang ilong. At talagang artistahin ang dating.

"Go! Babes!" napapairap ako sa tuwing maririnig ang nakakarinding tili ng mga taga-kabilang section. Masyado silang papansin sa aking crush. Tumayo ako. Hindi ako papayag na sila lamang.

"Go my Ysaac! Go My love!" sigaw ko habang nakataas ang kamay. Napatili ako nang tumingin siya sa pwesto ko. Ako ang tiningnan niya. Ako yon! Ako!

Nahampas ko ang katabi ko sa sobrang kilig. "Kita mo yon? Brigette! Tiningnan niya ako! Tiningnan niya ako!" hindi ako magkamayaw habang sinasabi iyon. Umirap itong katabi ko.

"Ang dami natin sa court, wag kang assuming!" inismiran ko nalang siya. Kahit kailan napaka-supportive niya talagang best friend.

Halos mayanig ang buong covered court ng matapos ang pagtugtog ng banda nina Ysaac. Kaniya-kaniyang suguran naman ang mga fangirl nito. May nag-aabot ng tubig, panyo at pagkain. Naunahan na naman nila ako. Napairap nalang ako. Kung makadais kay Ysaac akala mo mga linta eh. Parang kakainin nila nang buhay eh.

"Tara nalang sa canteen" hinatak ko itong kasama ko. Nakakabadtrip. Palagi nalang nauunahan sa my jolly ko.

"Hindi mo ba ibibigay yan?" tiningnan niya iyong hawak kong bottled water. Marami nang nainom si Ysaac, ano pang gagawin niya sa tubig ko?

"Nakailang tubig na siya, sa tingin mo drum ang tiyan niya?" napairap ito.

"Oo at hindi lang Milan. Ang oa ha?" inirapan ko siya. Napatingin ulit ako sa pwesto nila Ysaac. Nandoon pa rin ang mga fangirl niya. Todo punas sa pawis niya, kahit sinipsip na iyon ng ilang face towel na lumapat sa balat niya. Nakakagigil.Ano wala na kayong balak umalis ha? Sinolo niyo na masyado. Kaasar.

"Ano't hindi pa rin kayo nabalik sa room ha! Tapos na ang lunchtime niyo ah!" napatalon kami ni Brigette ng marinig ang sigaw ng matandang hukluban ng lupa. Este, si Sir. Sir Romano. Ang pinaka-strikto at matapang na guro namin sa Mapeh. PE at Health.

"Ang titigas talaga ng ulo niyo!" nilabas nito ang mahaba niyang meter stick. Iyon ang panukat namin sa height iyon din ang paborito niyang pamalo sa mga estudyanteng matitigas ang ulo. Nagsitakbuhan kaagad ang mga estudyante pabalik sa kani-kanilang room. Tatakbo na rin sana kami nang kasama ko. Ang kaso natamaan ako ng meter stick sa binti ko. Dahilan para mapahinto kami ng sabay.

"Ikaw! Ms. Samora, tatakbo kapa talaga ha?" nakalapit na ito sa amin. Kahit kailan ang malas talaga namin. Napapikit kami ng ihampas nito ang meter stick sa lupa. Kung sa katawan namin iyon tumama, siguradong magkakapasa kami.

Ginalaw nito ang kaniyang salamin.
"Alam niyo naman siguro ang patakaran, kapag lumabag kayo?"

                              ***

"Sino ba kasing nagboto sa'kin para maging member ng SSG?" inis kong ibinato ang basahan. Kanina pa kami nagpupunas ng mga libro. Sobrang nakakaasar. Magalbok na nga. May tae pa ng daga.

"Kung kailan tapos na tayo saka mo pa talaga naisipang magreklamo ano?" nang-aasar itong si Brigette. Tinali niya ang buhok pataas.

"Ang lapad ng noo mo" sinamaan niya ako ng tingin. Pero ang totoo. Maganda naman siya kahit nakalugay pa o nakatali ang buhok. Maputi siya, parang naligo sa gatas. Iyong mukha niya naman parang sa anghel. Tapos kulot ang mahaba niyang buhok. Natural na siguro iyon sa mga Verdera.

Record of Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon