Colet

581 58 9
                                    

Y/N's POV

"Colet, naabot mo na yung pangarap mo! I'm so proud of you." Bati ko kay Colet.

It's been six years na rin pala.

Pero yung sakit nandito pa rin.

"Kumusta?" Tanong n'ya.

"Okay lang, ikaw?" Sabi ko.

"Okay lang din, sobrang busy lang." Sabi n'ya.

"Worth it naman pala lahat, no?" Sabi ko.

"Yung mga sakripisyo mo, lahat 'yon worth it." Sabi ko.

"Parang hindi rin." Sabi n'ya.

"Bakit?" Tanong ko pero nag-shrug lang s'ya ng shoulders.

"Hindi naman lahat makukuha ko dahil lang sikat na kami ngayon." Sabi n'ya.

"But at least, naabot mo yung pangarap mo, 'di ba?" Sabi ko.

"Oo?" Hindi n'ya siguradong sagot

Dumating na rin yung iba naming mga kaibigan.

TIME SKIP

Inaya ako ni Colet lumabas para lang mag-catch up sa buhay ng isa't-isa.

Ang dami rin naming na-miss out sa buhay namin.

"Hindi ka ba galit sa'kin?" Tanong n'ya.

"Bakit naman?" Tanong ko.

"Iniwan kita, iniwan ko yung tayo." Sabi n'ya.

"Hindi ako nagalit sa'yo dahil iniwan mo 'ko. Nasaktan lang siguro ako." Sabi ko.

"Pero alam ko sa sarili ko na gusto ko rin na maabot mo yung pangarap mo, even if it means na iiwanan mo 'ko." Sabi ko.

"Kasi ayokong maging dahilan kung bakit hindi mo aabutin yung pangarap mo." Sabi ko.

"Ayokong pigilan ka kasi naniwala ako sa noon at naniniwala pa rin ako sa'yo hanggang ngayon." Sabi ko.

"Worth it yung sakit ng pag-alis mo pati yung mga gabing umiiyak ako." Sabi ko.

"Hindi lang dahil sikat ka na pero dahil masaya ka. Hindi lang isang pangarap yung natupad mo, pati yung mga pangarap mo sa pamilya mo, unti-unti mo na ring natutupad." Sabi ko.

"Kung tatanungin kita ngayon, p'wede pa ba?" Tanong n'ya.

"Tayo?" Tanong ko tapos tumango s'ya.

"Siguro pero sana isipin mo muna kung ito talaga uung gusto mo or it's just the guilt dahil iniwan mo 'ko noon." Sabi ko.

"Ikaw pa rin." Sabi n'ya.

"Hindi naman nawala 'yon, umalis lang ako pero ikaw pa rin yung mahal ko." Sabi n'ya.

"Bakit ngayon lang?" Tanong ko.

"Kasi noon, wala pa 'kong napapatunayan. Ayokong ikahiya mo 'ko kasi walang nangyari sa pag-alis ko." Sabi n'ya.

"I'd be proud nonetheless." Sabi ko.

"Alam ko pero gusto ko lang din i-prove sa sarili ko na may maabot ako sa buhay." Sabi n'ya.

"Oh my gosh— may jowa ka na ba? I'm sorry hindi ko muna tinanong." Sabi n'ya.

"Wala" Sabi ko.

"Bakit?" Tanong n'ya.

Hinihintay kita, e.

"Secret!" Sabi ko.

"Sabi nila marami daw nanliligaw sa'yo." Sabi n'ya.

"Eme lang nila 'yon." Sabi ko.

BINI ImaginesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon