Mabilis akong bumangon sa kama nang makitang nag- iimpake ang pinsan ko. Pagkagising ko ay ganitong eksena ang bubungad sa'kin!
"Where are you going?" namamaos kong tanong. Tumikhim ako at kinusot ang mga mata.
"Get up!" marahas niyang hinila ang kamay ko upang itayo ako.
"Aray!" binawi ko ang kamay ko at nagpatumba sa kama. Kunot noo ko siyang tinitigan.
"We are leaving! tapos ka nang makipagusap sa walang kwentang lalaki na 'yon, right? uuwi na tayo!" mabilis akong bumangon upang takpan ang bibig ng pinsan kong walang preno ang bunganga.
"He has a name, Tey! stop calling him that!" hinawi niya ang kamay ko at umirap sa'kin.
"I don't care. Basta uuwi na tayo-"
"Hindi pa kami nakakapagusap nang maayos-"
"What?! anong klaseng usap ba ang gusto mo, Hyacinth?" Namilog ang mga mata ko sa sinabi ng pinsan ko. Hindi ko alam kung marumi lang ba talaga ang utak ko pero parang may malisya sa sinabi niya.
"M-Maayos.. maayos na paguusap. Hindi yung nagsisigawan kami't nagsusumbatan." Suminghal siya at umiling.
"Ewan ko sa'yo. Basta kapag nakita pa kitang umiiyak d'yan ipapasok talaga kita sa maleta na 'to." Aniya sabay sipa sa malaking maleta namin.
Ngumuso ako at nakapikit na humiga sa kama. Hindi pa ako nawawalan ng pag-asa. I will try to talk to him again today.
Naligo agad ako at nagbihis. I'm wearing a simple crop top paired with maong shorts. Naka-half ponytail ang buhok ko at naglagay ako ng kaunting lipstick sa labi ko.
Nagpunta ako sa ground floor at dumiretso restaurant, umaasang makikita ko siya roon. 'Nilibot ko ang mata ko sa mga kumakain at napako ang tingin ko sa labi ng isang tao na may naka-display na mapaglarong ngiti.
That fucking smile.
Matalim kong tinitigan ang nakangiting nakatingin sa akin na si Iris. Nakuha niya pang kumaway at kumindat. She's wearing a white sando and navy green cargo pants.
Lumingon ako sa paligid at binalik uli ang tingin ko sa ka'nya. I raised my middle finger at her and make a face. Tumawa siya at ginaya ang ginawa ko. She raised her middle finger and make a face too. Ngumuso ako para magpigil ng tawa.
Umiwas ako ng tingin para hindi matawa lalo. Pero nang umiwas ako nang tingin ay nakita agad ng mga mata ko ang mukha ni Raize na sobrang lapit sa'kin!
"Raize!" Gulat kong sabi sabay hawak sa dibdib ko. Tumibok nang napaka bilis ang puso ko dahil sa gulat.
"Pumili nga kayo ng lugar. Wag kayong maglandian rito. Not in my hotel." Mariin niyang sinabi. Namula ang pisngi ko at agad na umiling.
"H-Hindi kami naglalandian! Uh.. Raize, can we talk?" Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob para itanong sa ka'nya iyon.
"Wala na tayong paguusapan pa." Tumalikod agad siya sa'kin at nag lakad palayo. Bumuntong hininga
ako at kinagat ang labi."Oops, nagselos ata si mr. walk out." Nasa tabi ko na ngayon si Iris at naka
tingin rin siya sa daan na dinaanan ni Raize kanina."Anong mr. walk out?! " itinaas niya ang dalawang braso niya habang natatawa.
"Kasi lagi siyang nagwo- walk out kapag naguusap kayo." Umirap ako at iniwan siya roon. Baliw talaga.
Napapansin niya pala 'yon?
"Hep! sa'n ka pupunta? susundan mo?"
"Ano ba'ng pakealam mo?" Tumigil ako sa paglalakad at lumingon sa kan'ya. Para siyang ewan na nakataas sa ere ang dalawang braso.
Is she flexing her armpit? ano ba'ng pakealam ko sa kili-kili niya?!
"Buong taon ba ang regla mo, miss? wala atang araw na hindi ka masungit sa'kin." Natatawa niyang sabi habang tinataas pa lalo ang dalawa niyang kamay.
"It's because you're so annoying!" Umakto siyang nagulat at tinakpan niya pa talaga ang bibig niya.
"Do i annoy you?"
"Nagtanong ka pa talaga." Sarkastiko kong sagot.
Ngumisi siya at humakbang palapit sa'kin. Matalim ko lang siyang tinitigan, hindi nagpapaapekto sa paglapit niya.
"Ano'ng p'wede kong gawin para mawala ang inis mo sa'kin, miss?" Nakangisi niyang tanong habang nilalapit niya ang mukha niya sa 'kin. Hindi ako nagpatinag. Hindi ko ginalaw ang ulo ko at nanatili ang matalim kong tingin sa kan'ya. Our face was so close to the point na konting galaw na lang ay maghahalikan na kami.
"Lumayo ka at tigilan mo na ang pakikipagusap sa 'kin." Seryoso kong sabi habang matalim pa rin ang tingin ko sa kan'ya. Umangat ang gilid ng kan'yang labi at bumaba ang tingin niya sa labi ko.
"Oops, that's hard. Other option po, miss Yaci."
Bwiset talaga 'to! pinanganak ba siya ng nanay niya para lang asarin ako?!
"There's no other option, ma'am Iris. Tse!" ani ko sabay singhal habang magkalapit ang aming mukha. Sa hindi inaasahan ay nagkadikit ang ilong naming dalawa kaya napaatras agad ako. Medyo nagulat ako roon pero hindi ko pinahalata. Tinaasan ko siya ng kilay at umaktong wala lang sa'kin ang nangyari.
"I change my mind, aasarin na lang pala kita lalo." Humalakhak siya at kumindat sa'kin bago umalis sa harapan ko.
Bumuga agad ako ng hininga. Natigilan ata ako sa paghinga simula nang magdikit ang ilong namin.
Bwiset talaga ang mukhang kuto na 'yon! she's really getting into my nerves!
YOU ARE READING
The Love We Always Deny - Lover City Series #1 (On-Going)
RomanceHyacinth Andromeda just wants a closure and a forgiveness from her ex boyfriend kaya siya bumalik sa lugar na minsan nang dumurog sa buong pagkatao niya. Pero.. may mali. There's a girl who always ruin her plans! Susundin ba niya ang gusto ng kan'ya...