"I think stalker mo siya." Nahinto ako sa pag-aayos sa mga gamit ko dahil sa
sinabi ng pinsan ko.Nasa loob na kami ng hotel room namin ngayon at inaayos na lang namin ang dala naming mga gamit.
"How?" hinarap ko ang katawan ko sa kan'ya at hinintay ang sasabihin niya.
"Kasi look, kanina it's so obvious na hinabol niya tayo sa elevator. Tapos ngayon katabi lang pala natin siya ng room!" pumikit ako at umiling. It's probably coincidence. That girl is a stranger at hindi bagay sa kan'ya ang maging stalker.
"She's not a stalker or whatever, Tey. Stop being paranoid. Baka nakakalimutan mong nage-exist ang salitang 'coincidence'." Umiling-iling siya at napairap na lang ako dahil alam kong hindi siya magpapatalo.
"Coincidence or what, ang theory ko ang paniniwalaan ko!" ngumuso ako at nagpigil ng tawa. Sana makatagpo itong pinsan ko ng taong makakapigil sa pagiging bossy niya. Someone who will make her realize that she can't rule everything in this world.
Nagpalit ako ng white spaghetti top at black wide leg pants.
Mas komportable ako sa ganito at hindi naman ako lalabas ng room. Sa nangyari kanina sa elevator, mukhang kailangan ko pang humugot ng marami pang lakas ng loob para kausapin uli siya. He looks so mad at me. I'm fully confident na hindi niya rin ako matitis. He always melt when it comes to me.
Pagkalabas ko sa banyo ay naabutan kong walang tao ang kwarto. Nasaan na ang pinsan ko? She probably go out, laging gutom yun e. Bumuntong hininga ako nang matantong mukhang kailangan kong lumabas ngayon.
Nagsuklay ako saglit at naglagay ng kaunting lipstick bago lumabas ng kwarto. Saktong paglabas ko ay siya ring pagbukas ng pintuan ng katabi naming room. Lumabas rito ang babaeng.. hmm? si mukhang kuto. She's wearing a white sando and a black cargo pants.
Nagkatitigan kami. Umirap ako sa kan'ya bago humakbang patungong elevator. Dinig ko ang mahihinang sipol niya mula sa likuran ko. Hindi na matigil sa pag-irap ang mga mata ko. I really hate her presence.
Pagpasok ko sa elevator ay pinindot ko agad ang unang palapag. Sumandal ako malapit sa pintuan. Lumapit siya papunta sa'kin at yumuko. Her face was so close to mine and I can smell her breathe. Amoy toothpaste. Ngumiwi ako at tinignan siya gamit ang mapanghusgang tingin.
"Patabi po, miss. " Aniya nang nakangiti. Inirapan ko siya bago umatras. Pinindot niya ang unang palapag.
"What?!"
"Ano?" tanong niya pabalik.
"First floor din ang pinindot ko kanina, bakit mo pa pinindot e pareho lang naman tayo nang pupuntahan?!"
Nangaasar talaga ang isang 'to!
Lalong lumaki ang ngisi niya at sumandal sa elevator. Her hands is on her pocket.
"Bakit ang init lagi ng ulo mo, miss?" inirapan ko lang siya at hindi sinagot. Kita ko sa gilid ng mga mata ko ang pagkagat niya sa labi niyang laging nakangiti. Hindi pa rin niya inaalis ang tingin niya sa'kin kaya naman nailang ako.
"Can you please stop looking?!" mabilis niyang tinikom ang kan'yang bibig at nagpigil ng tawa.
Nag-iwas siya ng tingin bago tumango. "Okay, po."
Bumukas ang elevator at nauna akong lumabas. Mabilis ang lakad ko para sana hindi niya ako maabutan pero halos mapatalon ako sa gulat nang mapansing kasabay ko lang pala siyang naglalakad! What the hell?!!
"Are you new here?" hindi agad ako nakasagot sa tanong niya dahil biglang dumaan ang napakaraming memories sa utak ko.
"No." Tumigil ako sa paglalakad at gano'n rin siya.
"Oh? talaga? where's the restaurant, then?" I look at her with a full confidence sabay turo sa kaliwa namin.
"There." I said, smiling.
"Papuntang banyo 'yan, miss. I think doon." Tinuro niya ang gawing kanan at nakitang doon nga dahil may natanaw akong mga taong nakaupo at kumakain. Lumunok ako at nilagpasan siya. It's really been a years, bakit ba hindi ko pa matanggap 'yon? sa loob ng mga taon na wala ako ay malamang marami nang nagbago sa hotel na minsan ko ng naging tahanan.
"Hey, wait!" hindi ko siya pinansin at tuluyan siyang iniwan nang matanaw ko na ang pinsan kong mag-isang lumalantak ng mga pagkain. Nilingon ko ang kabuuan ng hotel at bumagal agad ang lakad ko nang matanaw si Raize na mag-isa ring kumakain.
Walang pagdadalawang isip ay agad akong naglakad patungo sa lamesa niya. Nag-angat agad siya ng tingin sa'kin at ang akala ko ay tatayo siya at aalis pero hindi. Pinanood niya lamang akong maglakad patungo sa kan'ya.
This is it. My chance. Don't lose it, Hyacinth. I smiled at him. Ngunit napawi agad ang ngiti ko nang hindi pa man ako tuluyang nakakalapit sa kan'ya ay agad na siyang tumayo at nag-iwan ng pera sa lamesa 'tsaka umalis nang hindi man lang ako tinatapunan ng tingin.
Naramdam ko agad ang kamay na humawak sa kaliwang braso ko. Ngumiti ako nang mapait habang tinititigan ang daang dinaanan ni Raize.
"Ang hirap niyang lapitan, Tey-" nahinto ako sa pagda-drama nang
makitang hindi ang pinsan ko ang nakahawak sa braso ko kundi si.. ano ba'ng pangalan ng mukhang kuto na
'to?!"Bakit ka nandito?" hinawi ko ang kamay niyang nakahawak sa'kin.
"Kasi nasa iisang lugar lang tayo, miss." Ngumiti siya ng nakakaloko kaya naman matalim ko siyang tinitigan.
"Stop talking to me, p'wede? I don't
even know you." Umirap ako at
nilagpasan siya."Wait!" hinawakan niya ang braso ko para pigilan ako sa paglalakad.
"Ano na naman ba?!" inis akong tumingin sa kan'ya. Bakit ba ako kinukulit nito? sino ba 'to?
"Are you okay?" kumunot ang noo ko at bahagyang napawi ang inis sa mukha ko. Tinignan ko lamang siya
bago umalis sa harapan niya.I'm not okay. At sa t'wing hindi ako okay ay sobrang babaw ko. Tanungin lang ako ng kung okay lang ba ako ay agad akong matutunaw at iiyak.

YOU ARE READING
The Love We Always Deny - Lover City Series #1 (On-Going)
RomanceHyacinth Andromeda just wants a closure and a forgiveness from her ex boyfriend kaya siya bumalik sa lugar na minsan nang dumurog sa buong pagkatao niya. Pero.. may mali. There's a girl who always ruin her plans! Susundin ba niya ang gusto ng kan'ya...