Chapter 11 - Inlove

4 2 0
                                    

Nung una pa lang sinabi ko na sa sarili ko na si Raize lang ang pakay ko rito. Closure lang namin ni Raize ang dahilan kung bakit bumalik ako sa lugar na minsan nang wumasak sa puso ko. But these past few days, my mind is always blank. Ewan ko. Wala akong ibang iniisip kung hindi ang  kung ano ba talaga ang papel ni Iris sa buhay ko. Bakit niya ba ako inaasar at bakit siya biglang sumulpot sa buhay ko.

I checked my phone and saw her new message.

Iris:

Sorry for wasting your time kanina. Talaga kasing nando'n si Raize bago ka pa dumating.

Hyacinth:

You always waste my time.

Iris:

Atleast sa 'kin mo sinasayang oras mo.

Napapikit ako nang mariin dahil sa reply niya. Damn her!

It's Saturday in the afternoon. I was sitting on the bermuda grass under the mango tree when Iris popped up out of nowhere. What?!?! bakit bigla siyang nandito?!

She's bringing a guitar. Haharanahin niya ba ang mga mangga? may sira talaga ang babaeng 'to.

Umupo siya sa gilid ko at kinandong niya ang dala
niyang gitara.

"Ano'ng gagawin mo?" taas kilay kong tanong. Kahit na alam ko naman na ang kanyang gagawin ay tinanong ko pa rin para ipakitang inis talaga ako sa kan'ya.

"I'm gonna sing a song." Her voice shook a bit. Nagulat ako pero 'di ko pinahalata.

"Bahala ka." Umirap ako at pinakitang hindi ako interesado sa presensya niya.

She will sing, huh? I wonder if how good her voice is.

Kinunot ko ang noo ko dahil sa sariling naisip. Ano ngayon? maganda rin naman ang boses ko ah?!

I put my headphones on my both ears but I didn't play any song. I kinda want to hear her sing. Sinayaw ko ang ulo ko na para bang ine-enjoy ang music na wala naman talaga.

I secretly look at her using my pheripharel vision and I caught her looking at me while strumming the guitar.

Then... she started to sing.

"You're just too good to be true,

Can't take my eyes off of you,

You'd be like heaven to touch,

I wanna hold you so much.."

She sang so damn good.

Her voice is like a wind's whispers. Nakakapanghina. Nagpatuloy siya sa pagkanta habang ako ay tuluyan na atang nahulog sa lamig ng kan'yang boses.

Ilang beses kong kinalaban ang sarili ko na hindi dapat, pero ang hirap magsinungaling at magpanggap na wala lang. Gusto ko siya. No.. I'm in love.. with the same gender as me. Kung paano nangyari ay hindi ko alam.

The Love We Always Deny - Lover City Series #1 (On-Going)Where stories live. Discover now