Days had passed simula nang magkita ulit kami ni Iris. Simula no'n ay wala nang paramdam mula sa kan'ya. Minsan ay dumadalaw pa rin sa isipan ko ang interaksyon naming iyon sa tuwing nasa trabaho ako at madalas naman kapag nasa apartment na ako.
"Yas?" tumigil ako sa paghuhugas nang pumasok si Rian sa kusina, mukhang stress na at hindi alam ang gagawin.
"Bakit, Rian? may nangyari ba?"
"P'wede favor? patulong naman sa pagaasikaso sa mga customers, oh? wala kasi si Rico ngayon, may sakit siya kaya absent." Bumuntong hininga siya at nagkamot ng ulo. Ngumiti lang ako at tumango. Bahagya rin akong na-excite dahil gusto ko rin ma-experience na mag-serve ng mga customers.
I'm smiling all day serving the customers in the coffee shop. Katulong ko si Rian sa pag-serve at ang nag-iisang barista din niya ay nahahawa sa ngiti ko. Nakakaexcite pala talaga maging waitress. Nakakapagod man pero ang satisfying kapag binibigay ko na sa mga customers ang order nila.
Rian's coffee shop is not that big. Kakasimula pa lang niya 3 months ago kaya konti lang ang staff niya. May isang barista, tiga-hugas ng plato, at nagtutulungan naman sila ni Rico sa pag-serve ng mga order ng mga customers.
"Yas, eto pa oh." Tumango ako at nagtungo sa counter. Inayos ko sa tray ang limang tasa ng kape at limang platito na may lamang cupcake. Kinakabahan ako dahil ito ang pinakamaraming order na ise-serve ko, baka makabasag pa ako!
I heard the bell rang, sign na may pumasok na bagong customer. I held the tray at maingat na naglakad patungo sa mga customers na nag-order sa mga dala ko. Nag-angat ako ng tingin sa bagong dating na customer. Natigilan agad ako. Para bang biglang nag-slow motion ang buong paligid ko.
It's Iris! Si Iris! Nandito si Iris!
Kumakalabog ang puso ko habang pinapanood siyang naglalakad patungo sa counter.
"Hoy!? yung order namin! gutom na gutom na ako, tangina naman!" napatalon ako at tinakbo ang table ng mga customer na sumigaw.
"So-Sorry po!" maingat kong nilapag sa lamesa nila ang mga order nila. Nag-bow ako nang kaunti bago umalis sa harap nila.
Wala na si Iris sa counter, nakaupo na siya ngayon, naghihintay sa order niya. Nakatalikod siya kaya hindi niya ako kita. Kinakabahan ako at naglakad nang mabilis nang makita kong palapit na rin si Rian sa counter. Gusto kong ako ang mag-serve sa order niya.
"Oh, kay miss pogi." Gusto kong sabunutan si Frinces, ang barista, dahil sa sinabi niya. Ngumiti ako sa kaniya at kinuha na ang order ni Iris. A small cup of coffee and a piece of cake.
Mabagal ang lakad ko patungo sa table niya. I'm shaking so bad pero pinapanatili kong maayos ang pagkakahawak ko sa tray. Bumuntong hininga ako nang huminto ako sa table niya.
Nag-angat siya ng tingin sa akin ngunit agad rin niyang iniwas at tumikhim. Maingat at tahimik kong nilapag ang order niya sa lamesa.
"You work here?" nangungulila ako sa presensya niya pero nang madinig ko ulit ang boses niya ay bumalik lahat ng ala-ala na puro akto at bayad lamang ang lahat ng pinakita at sinabi niya sa akin noon.
"Obvious ba?!" umalis agad ako sa table niya at inis na inilapag sa counter ang tray.
"Oh, Yas? bakit?" alalang tanong ni Rian. Ngumiti ako ng bitin at tinanggal ang apron na suot ko.
"Tapos na ang shift ko." Tumango siya at tinapik ang balikat ko.
"Salamat ulit, Yas." Ngumiti ako at tumango bago nagmadaling lumabas ng coffee shop.
Iris is still there, ramdam kong pinapanood niya ako habang palabas ako. Damn! bakit? bakit bumalik na naman lahat ng sakit? akala ko ba okay na ako?!
YOU ARE READING
The Love We Always Deny - Lover City Series #1 (On-Going)
RomanceHyacinth Andromeda just wants a closure and a forgiveness from her ex boyfriend kaya siya bumalik sa lugar na minsan nang dumurog sa buong pagkatao niya. Pero.. may mali. There's a girl who always ruin her plans! Susundin ba niya ang gusto ng kan'ya...