"Hanggang kailan ka maghihintay na makakapagusap kayo nang maayos nung walang kwenta na 'yon?" sinamaan ko ng tingin ang pinsan ko na umirap lang sa'kin at nagpatuloy sa paglantak ng chips.
We are currently watching a. action movie in our room. It's already midnight pero buhay na buhay
pa rin ang kaluluwa namin."Hangga't may chance, Tey." Kinagat ko ang labi ko at tinitigan ang mga kuko ko. Hindi ako susuko. Alam kong makakahanap pa rin ako ng pagkakataon na makapagusap kami nang mas maayos at mas malinaw kong maipaliwanag sa ka'nya ang side ko.
I'm not begging for him to come back to me. I just want to clear my side para kahit paano ay tatanda kaming walang sama ng loob sa isa't isa.
"Hinahanap mo ulit si mr. walk out, 'no?" umirap lang ako at hindi nilingon ang bigla na lang sumulpot sa tabi ko na si Iris. She's always popping wherever i am. Konti na lang maniniwala na ako sa suspensya sa kan'ya ng pinsan ko e.
Stalker ko ba siya?
Sa gitna ng paghahanap ko kay Raize ay natagpuan siya ng mga mata ko. Mag-isa siyang nakaupo sa may sofa at umiinom ng kape. He's having his breakfast.
Humakbang agad ako papunta sa kan'ya pero naudlot 'yon nang hilain ako ni Iris pabalik sa pwesto ko kanina.
"Ano ba?!" inis ko siyang nilingon.
"Tahimik na nagaalmusal yung tao tapos iistorbohin mo?" nilapit niya ang mukha niya sa'kin habang nakataas ang isa niyang kilay. Bahagya naman kumunot ang noo ko.
"Bawal ba?" inosente kong tanong. Humalakhak siya at tumango. Nilingon niya ang gawi ni Raize at muling binalik ang tingin sa'kin, mas lalo niyang nilalapit ang mukha niya sa mukha ko.
Nailang ako kaya nag-iwas ako ng tingin. Namilog ang mga mata ko nang makitang pinapanood pala kami ni Raize! Nang makita niya akong nakatingin ay umiling siya at agad na tumayo para... UMALIS. Tinulak ko agad si Iris at inayos ang sarili.
"Epal! sobrang epal!" dinuro ko siya gamit ang index finger ko. Pinagkrus niya agad ang dalawa niyang kamay at ginamit itong panangga sa kung ano man ang gagawin ko sa kan'ya.
"| just want to save you from mr. walk out!napanaginipan ko kasi kagabi na magwo-walk out ulit siya ngayon." Tumatawa siya habang sinasabi 'yon. Baliw talaga! hinampas ko siya sa dibdib pero imbes na mainis ay natatawa ako.
"Shut up!" nagpatuloy ako sa panghahampas sa kan'yang braso. Tumatawa siya na para bang laro lang ito sa kan'ya habang ako ay unti-unti nang tinutubuan ng sungay.
"Ang ganda mo." Nagsalita siya sa gitna ng pagtawa niya at pang
hahampas ko sa kan'ya. Hindi iyon klaro at hindi ko naintindihan pero sigurado akong pangaasar na naman 'yon kaya lalo ko lang siyang hinampas."Hey!" hinawakan niya ang dalawang kamay ko para itigil iyon sa pang
hahampas sa kan'ya. Natawa ako nang makitang seryoso ang mukha niya. Napikon na ba kita, ma'am Iris, huh? lalo akong natawa nang lumapit siya sa'kin habang hawak pa rin ang dalawang kamay ko na binababa na niya ngayon."Sabi ko, ang ganda mo." seryoso niyang saad habang magkadikit na ang katawan naming dalawa. Tumigil ako sa pagtawa at napawi ang ngiti sa labi ko. Nagulat ako sa sinabi niya pero hindi ko iyon pinahalata. Tumikhim ako at umatras.
"A-Alam ko." Tinalikuran ko siya at mabilis na naglakad paalis.
Damn! what was that? it's just a compliment! Bakit tumitibok nang ganito kabilis ang puso ko? at.. iba ito kumpara sa kung pa'no tumibok ang puso ko kapag nand'yan si Raize.
lba ito..
![](https://img.wattpad.com/cover/371094889-288-k714542.jpg)
YOU ARE READING
The Love We Always Deny - Lover City Series #1 (On-Going)
RomansaHyacinth Andromeda just wants a closure and a forgiveness from her ex boyfriend kaya siya bumalik sa lugar na minsan nang dumurog sa buong pagkatao niya. Pero.. may mali. There's a girl who always ruin her plans! Susundin ba niya ang gusto ng kan'ya...