Sabi nila kapag sobrang masaya ka, mabilis napapalitan nang lungkot. Bakit kaya?
"He's nice, Yaci!" patatanggol ng pinsan ko sa manliligaw niya. Kauuwi lang niya at 'yan na ang bukambibig niya.
I only shrugged and nods.
"Kung sa'n ka masaya."
"Didn't know that you have a possessive side, 'couz" aniya nang nakanguso at niyakap ako mula sa likod. Umirap ako at pabirong siniko siya.
"H'wag na h'wag mong hahayaang saktan ka niyan, Tey. Alam mo kung ano ang magagawa ko para sa 'yo." She chuckled.
"Sana sagutin mo na rin si Iris-"
"What?!" kinalas ko agad ang mga braso niyang nakapalupot saakin at hinarap siya.
"She's obviously like you! bagay na bagay kaya kayo-"
"Mangilabot ka nga!" tumawa siya at inasar pa ako lalo.
Gusto ako ni Iris? sumagi na 'yon minsan sa isipan ko pero pilit kong nililihis. Iris can be playful sometimes at hindi ko rin maseryoso ang mga salitang binibitawan niya dahil sa mapaglarong ngisi na laging nakaplaster sa labi niya.
I startled when my phone beeped. Nabubuhay lang itong cellphone ko kapag nagte-text si Iris.
Iris:
hi, miss Yaci! date tayo? :p
Seriously?! she asks me to go on a date tapos may gano'ng emoticon sa dulo??
Iris:
let's meet on the first floor.
Kanina pa ako hindi mapakali. Nagaaway ang utak ko kung sisipot ba ako sa kan'ya o hindi.
Bumuntong hininga ako habang pinagmamasdan ko ang sarili ko sa salamin. Inayos kong muli ang ilang hibla ng buhok ko bago lumabas ng hotel room. Wala sa sarili akong pumasok sa elevator at pumindot ng floor. Kabadong kabado ako at sobrang gulo ng utak ko.
Paano ako makikipagusap kay Iris? should I act formal? bakit? normal na date lang naman 'to ah?
Napatalon ako nang tumunog ang elevator at unti-unti itong bumubukas.
Para akong nakalutang habang palabas ng elevator. Napatigil ako sa paglalakad nang kumirot ang puson ko. Damn, naiihi ako!
Lumiko ako at naglakad patungong banyo. I can't take it anymore! pakiramdam ko ay maiihi na ako sa shorts ko.
"Hyacinth is responsible for this.."
Bago makapunta sa cr ng mga babae ay dadaanan mo muna ang cr ng mga lalake. The moment I heard my name on the man's comfort room, I stopped walking.
"Magagalit siya, Iris!" si Iris?! at.. boses ba ni Raize 'yon?!
Hindi ako nagkakamali, si Raize nga! nakatatak sa utak ko ang boses niya.
I remain silent, hinihintay pa silang magsalita. Mahigpit ang hawak ko sa shoulder bag ko, tumataas baba na rin ang dibdib ko. Why is it making me feel so nervous?! para bang may maririnig akong hindi dapat.
Iris and Raize in one room? what's their connection to each other? at... bakit nasa loob sila ng comfort room?!
YOU ARE READING
The Love We Always Deny - Lover City Series #1 (On-Going)
RomantizmHyacinth Andromeda just wants a closure and a forgiveness from her ex boyfriend kaya siya bumalik sa lugar na minsan nang dumurog sa buong pagkatao niya. Pero.. may mali. There's a girl who always ruin her plans! Susundin ba niya ang gusto ng kan'ya...