Chapter 20 - Work

6 1 0
                                    

Does everyone deserves a second chance? siguro hindi lahat. Naka
depende pa rin sa sitwasyon at dahilan. Sino man ang nagkasala ay siguradong patatawarin ng Panginoon pero hindi ng taong nasaktan nila.

My cousin slept here last night at umalis din kinaumagahan. Nangako rin siyang bibisitahin ako kapag kaya ng free time niya. She's dating that woman bestfriend now, huh? buti naman nagkatuluyan sila.

I felt alone again. I admit that I enjoy being alone pero hindi rin nawawala yung feeling na naghahanap ako ng kausap. Sinanay ko ang sarili ko na manirahan mag-isa dito, kasama na rin ang h'wag lagi siyang isipin. She often visit my mind and I hate that. Sa tuwing pinipikit ko ang mga mata ko, ang mapaglarong ngisi sa labi niya ang nakikita ko. Lagi kong naiisip ang pagkagat niya sa nakangiti niyang labi. Her mullet cut. Her cargo pants and tank top. The moment noong t'wing gigising ako sa umaga ay nasa kusina na namin siya, nagluluto. Yung asaran naming dalawa, damn.. it'll forever etched in my mind and.. heart.

May isang gabi rin, nakatulala lang ako sa kisame. Ngumiti ako sa sarili ko at pinasalamatan si Raize sa isip ko. Salamat pa rin sa kan'ya dahil nakilala ko si Iris. At maiiyak na lang ako kapag naiisip kong ako lang ang natutuwa roon. Iris' words and actions is scripted. Bawat salitang binibitawan niya ay binabayaran ni Raize. Minsan rin naisip ko kung may kahit isang salita ba na lumabas sa bibig niya ang totoo? yung galing sa.. puso niya at hindi bayad ni Raize.

"How's your work here?" tanong sa akin ng manager ng coffee shop na pinagtatrabuhan ko. I started working here 2 weeks ago. Naisip ko rin kasi na kailangan ko rin ng source of income at hindi lang ako puro asa sa padala ni Papa ko o ng pinsan ko.

Yes, my father knew that i'm here. Pero hindi niya yun pinaalam sa mama ko dahil alam naming dalawa na OA si mama at siguradong kung hindi man ako sasama sa kanila pabalik sa bahay namin ay sasamahan niya ako sa pagtira sa apartment ko.

"All goods, Rian. Nalilibang ako." Tiga-hugas ako ng plato at mga baso rito. Okay na rin 'to sa akin para hindi lang ako nakahilata sa apartment ko buong araw.

"Hi, Yas! ako na r'yan-" si Rico na lagi akong kinukulit ay bigla na naman sumulpot sa kusina ng coffee shop. Pinutol agad siya ni Rian at sinuway.

"Hoy! maraming customers, tumulong ka roon!" tumawa ako nang ngumuso si Rico at sumunod sa sinabi ni Rian. He's a waiter here. Mabait at naging komportable na rin ako sa kaniya kahit na sobrang kulit minsan.

"Kahit anong mangyari, h'wag na h'wag kang magpapabola roon." Umiling lang ako at tumawa. As if naman gusto ko ng boyfriend.

Tumikhim ako sa sariling naisip. Damn it.

The Love We Always Deny - Lover City Series #1 (On-Going)Where stories live. Discover now