Chapter 3 - Event Planner

5 2 0
                                    

"We are assign to decorate the garden of this hotel kung saan gaganapin ang birthday ni lola. Do you think it's a good idea if maghahanap tayo ng tao sa hotel na 'to na expert sa pagpaplano ng events?"

Napaisip ako sa sinabi ng pinsan ko. Kakatapos lang namin kumain nang sabihin niya iyon. We are still at the restaurant kung sa'n napahiya ko ang sarili ko.

That kind of attitude is so new to him. Talagang ibang tao na siya. Pinunasan ko muna ang bibig ko bago sinagot ang pinsan ko.

"That's a good idea, but.. do you think it is possible to find an event planner here? in hotel... with random strangers?"

"Hundred percent possible." Para akong tinubuan ng sungay sa ulo nang madinig ko ang boses ng babaeng mukhang kuto sa likuran ko.

Nag-angat ako ng tingin sa kan'ya na nakangiting nakadungaw sa'kin. Dinuro ko siya gamit ang tinidor na hawak ko.

"Why are you always popping out of nowhere-hmm!" pinanlakihan ko ng mata ang bruha kong pinsan na tinakpan ang bibig ko. Hindi niya ako pinansin at nakangiting tinignan ang babaeng mahilig umepal.

"Are you an event planner?" tanong ng pinsan ko na kumikintab na ang mga mata at malaki ang ngiti sa labi. Umirap ako.

"Actually, not. But i'm an expert when it comes to event planning. My friends always call me for help when they are having a hard time in planning their
event-"

"We are not your friends so we won't be needing your help." Para akong hangin na nagsalita. Wala man lang pumansin sa sinabi ko.

"So you can help us on friday, then?" tumayo agad ako at pumagitna sa dalawa.

"What?! tayong dalawa lang ang inatasan, bakit ka magpapatulong sa iba?!" tumingkayad ang pinsan ko at dinungaw ang epal na nasa likuran ko. Para akong invisible sa dalawa, hindi man lang pinapansin.

Talaga lang, ah?

"Sure, i'm free anytime." Dinig na dinig ko ang nangaasar niyang ngiti.

Matalim kong tinititigan ang pinsan ko na parang isang alipin na sinasamba ang mukhang kuto.

"Tey." may halong pagbabanta sa boses ko pero hindi man lang natinag, pumalakpak pa talaga at nag-thumbs up!

"Thankyou so much! uh.. what's your name, by the way?" ngumiwi ako nang naglahad ng kamay ang pinsan ko at tinanggap naman agad nito ng babaeng mukhang kuto.

"Iris. Just knock on my room's door if you need me. Nice to meet you, Tey." Lumingon siya saakin na malawak ang ngisi at may nangaasar na tingin.

Binigyan ko siya ng matalim na tingin. Kinagat niya ang nakangiti niyang labi at kumindat sa'kin bago umalis sa harapan namin.

"Ang kapal!" sigaw ko, sapat lang para marinig niya. She only raised her right hand and wave it.

Damn it!

Iris, huh?

The Love We Always Deny - Lover City Series #1 (On-Going)Where stories live. Discover now