Chapter 4 - Juice

5 2 0
                                    

It's already friday. At sa sunday na ang birthday ng lola namin. My relatives arrived here yesterday pero hindi sila nag-stay rito. Kumuha lang sila ng mga room para may mapaglagyan ng mga gamit nila. None of them left here, talagang kaming dalawa ng pinsan ko ang inatasan nila para mag-decorate. Puro mga bata pa kasi ang iba naming mga pinsan at matatanda na rin ang mga tito at tita namin.

Tinanggap ko na kanina na talagang makakasama namin ang mukhang kuto.. si Iris, na magdisenyo sa garden.

Kakasimula pa lang namin ay magkasalubong na agad ang dalawang kilay ko. Sa bawat segundo na napapatingin ako sa kan'ya ay nakatingin na agad siya saakin habang nakangisi. Wala talaga siyang pinipiling lugar para asarin ako.

Binubutasan ko ang mga pictures ng lola ko para lagyan ng tali at isasabit namin ito bilang parte ng dekorasyon. I'm sweating so bad dahil kakatapos lang namin sa pagdudukot ng mga konting dahon na tingin namin ay makakasagabal. Pinunasan ko ang pawis sa noo ko gamit ang likod ng kamay ko.

"Juice, miss." Nilahad niya ang baso ng juice sa harapan ko pero inirapan ko lang ito at iginilid ang katawan ko para iiwas sa kan'ya.

"Bahala ka. Baka mahimatay ka sa uhaw niyan." I only raised my eyebrows and didn't look at her. Bahala nang mauhaw, 'wag ko lang tanggapin ang alok niyang juice.

"Sungit." Umalis siya sa harapan ko at doon lang ako nakahinga nang maluwag.

Salamat naman-

Kunot-noo ko siyang pinagmasdan nang makitang naglalakad siya pabalik sa'kin na may dala na
ngayong malit na upuan. Talagang uupo pa siya rito sa tabi ko para lang mangasar pa lalo?!

I was about to stand up and leave nang bigla niyang nilapag ang maliit na upuan sa harapan ko at nilagay niya roon ang dala niyang isang baso ng juice.

Napanganga ako sa gulat at pinagmasdan na lang ang juice na nilapag niya sa maliit na upuan. Hindi ako nag-angat ng tingin sa kan'ya nang umalis siya sa harapan ko at bumalik sa ginagawa niya kanina.

Nilunok ko ang laway ko at pairap na ininom ang juice. Habang umiinom ay lumipat ang tingin ko sa kan'ya na nakataas na ngayon ang kilay habang nakangiting ginugupitan ang mga papel na gagawing confetti.

Umirap ako at nag-iwas ng tingin. Palihim akong ngumiti at nagpatuloy sa ginagawa.

The Love We Always Deny - Lover City Series #1 (On-Going)Where stories live. Discover now