"Kay miss pogi ulit oh."
Nilapag ko sa table niya ang ka'nyang order. A small cup of coffee and a piece of cake. She thanked me and as usual, I bow a little before leaving.
Tatlong araw na siyang pumupunta rito. Tatlong araw na rin akong naiilang at tatlong araw na ring absent si Rico! napano na kaya siya? gusto ko man siyang dalawin kaso hindi ko alam ang bahay niya.
I can feel Iris' gaze on me. Muntikan ko pang matumba ang nilalapag kong tasa sa table. Damn! bakit ba siya tingin nang tingin?!
"Mukhang gusto kang orderin ni miss pogi, Yas-"
"Shh! Frinces!" tinikom agad ni Frinces ang bibig niya nang suwayin siya ni Rian.
Namula ako nang kaunti sa sinabi niya. Ang babaeng 'to talaga!
"Do you know her?" nag-angat ako ng tingin kay Rian na magkasalubong ang kilay habang palipat-lipat ang tingin niya kay Iris at sa'kin.
Umiling ako at natawa. "Hindi."
"Good." Tanging sabi ni Rian at nag-serve uli ng costumers. Napakunot noo ako ro'n. Anong 'good'?
"Thanks." I put her orders on her table. A small cup of coffee and a piece of cake, hindi ba siya nagsasawa rito? Nag-bow ako ng kaunti bago umalis.
Isa't kalahating oras na ang lumipas pero nandito pa rin si Iris, hindi pa umaalis. She's working on something in her laptop. Probably, work. Nag-order ulit siya at ako na naman ang nag-serve no'n.
Nag-angat siya ng tingin sa'kin habang nilalapag ko sa table ang bago niyang order.
"Anong oras matatapos ang shift mo?" napakunot noo ako sa tanong niya pero pinalitan ko agad iyon ng pagtaas ng isang kilay ko.
"Why'd you ask?" niyakap ko ang hawak kong tray at taas kilay ko siyang tinignan.
Kinagat niya ang ka'nyang labi at bahagyang nagisip. Dumikit ang mata ko sa nakakagat niyang labi.
"I..hahatid kita.. sana."
"Bakit- Rico!" sinalubong ko agad ng yakap si Rico na biglang umakbay sa'kin. Tumawa siya at niyakap ako pabalik.
"Wow! parang ofw na biglang umuwi sa bansa, ah?" kinalas ko agad ang yakap ko kay Rico nang lumapit sa'min si Rian.
"Kamusta ka na?"
"Magaling na." Nag-thumbs up pa siya at ngumiti. Humalakhak ako at tumango.
"Buti naman dahil kawawa si Yaci dito dadalawa ang trabaho niya-" napalingon kaming tatlo nang biglang tumikhim si Iris na nasa likod namin.
"Hala! pasensya na po." Hinila kami ni Rian palayo sa table ni Iris.
"Jusko! nakakahiya! baka mawalan tayo ng regular customer!"
Regular customer??? right! 1 week straight na siyang pumupunta rito.
"Sino yun?" tanong ni Rico. Nagkibit balikat lang ako at iniwan sila sa counter. Pumasok na ako sa kusina dahil tutal ay nand'yan na si Rico, balik na ako sa original work ko dito sa cafe.
7:30 AM ang simula ng shift ko at natatapos naman ako ng 5:30 PM. Pagkalabas ko sa kitchen ay natanaw ko pa si Iris sa table na madalas niyang inuupuan. She's still here. Dumating siya kaninang 1 PM. She really spend the 5 hours of her day in this cafe.
Tumayo siya nang makita niya akong handa nang umalis. Umakto akong hindi siya nakikita at tuloy-tuloy ang lakad ko palabas ng cafe pero nang makalabas na ako ay naramdaman ko agad ang kamay niya sa braso ko.
"Putragis!" Sabay kaming nagulat. Siya, totoong nagulat. Ako naman ay kunwari lang. My gosh! bakit ba niya ako ginugulo ulit?!
"Sorry. Uhm, pauwi ka na?" tumango lang ako at hinawi ang kamay niya sa braso ko.
"Hatid na kita-"
"Bakit ginugulo mo na naman ako?! binabayaran ka ba ulit ni Raize? magkano naman ngayon?!" kita ko ang gulat at konting pait sa kan'yang mukhang. Tumikhim siya at nag-iwas ng tingin bago tumingin ulit sa'kin.
"Miss Yaci-"
"Stop calling me that! at 'wag na 'wag ka na rin pupunta sa café na 'to-"
"Nag-iisang coffee shop lang 'to-"
Umalis agad ako sa harapan niya at naglakad nang mabilis. Damn! bakit siya gan'yan!
YOU ARE READING
The Love We Always Deny - Lover City Series #1 (On-Going)
RomanceHyacinth Andromeda just wants a closure and a forgiveness from her ex boyfriend kaya siya bumalik sa lugar na minsan nang dumurog sa buong pagkatao niya. Pero.. may mali. There's a girl who always ruin her plans! Susundin ba niya ang gusto ng kan'ya...