Tahimik akong nakahiga sa kama, nagpapahinga. Tulala akong nakatitig sa kisame. Hindi mawala sa isip ko ang nangyari kanina. Dagdag pa na bigla na lang akong umalis. Pumikit ako nang mariin nang maalala ko na naman ulit iyon.
Bumukas ang pintuan at pumasok ang pinsan ko na may malaking ngiti sa labi. Kumunot ang noo ko. Bakit sobrang saya ata ng pinsan ko?
"Ano'ng meron, Tey?" tumingin lang siya sa'kin at ngumiti. Ano ba'ng nginingiti nito?
Nasagot ang tanong ko nang sunod na pumasok sa kwarto namin ang bwiset na babae sa buhay ko. Mabilis akong bumangon at inayos ang sarili.
Damn! bakit siya nandito?! at naabutan niya pa talaga ako sa gano'ng posisyon! nakabukaka ang dalawang paa habang nakahiga!
"Hi!" kumaway siya saakin at kumindat.
Pinanlakihan ko ng mata ang pinsan kong umirap lang sa'kin.
"She will be cleaning the tubo in our banyo. Nasira kasi." nasira o sinira mo? ang ayos pa nun kaninang naligo ako, ah?
"Nasira? maayos naman yun kanina ah? 'tsaka bakit 'yan ang tinawag mo? may tubero naman dito sa hotel. I will call Raize-"
"No need, miss Yaci. Marunong naman po akong mag-ayos ng tubo." Aniya habang nakangiti at kumindat na naman ulit sa'kin. Bwiset talaga! hindi kaya nagkakagustuhan na sila ng pinsan ko?
wait... WHAT? NO!
"Don't tell me nag-graduate ka sa tubero's university?!"
Tumawa siya at umiling.
"Ikaw, nag-graduate ka ba sa high blood's university?" sabay silang tumawa ng pinsan ko at nagtanguan pa. What the hell?!
"Argh!" padabog akong naglakad patungong kusina. Lalo naman silang nagtawanan. Inis na inis ako, naiiyak na ata ako! Bwiset!
Few minutes later.. i was enjoying my breakfast when Iris enter the kitchen. She's smiling widely. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa pagkain.
Umupo siya sa tabi ko at pinanood niya akong kumain. Bumuntong hininga ako at 'di nagpaapekto.
She's in game again. I knew it nakikipaglaro lang siya. Trip niya lang akong inisin. No meaning.
"Can you please stop-"
"Annoying you?" kinagat ko ang kinakain kong lettuce at nakangiting tumango sa kan'ya.
Ngumiti rin siya pabalik at umiling. Napawi ang ngiti sa labi ko. Kinurot ko ang collarbone niya dahil sa inis. Baliw ang babaeng 'to! bakit gan'yan siya? hindi ko maintindihan kung ano ang pakay niya sa'kin.
She's giving me the mixed signals. Damn it!
Ako ba ang mali o siya? hindi ba't pakikipagkaibigan lang naman ang pakay niya sa'kin? 'di ba? am i assuming too much?
There! sa kakaisip ko ay hindi ako nakatulog kinagabihan. It's almost 12 AM pero mulat na mulat pa rin ang mga mata ko.
YOU ARE READING
The Love We Always Deny - Lover City Series #1 (On-Going)
Storie d'amoreHyacinth Andromeda just wants a closure and a forgiveness from her ex boyfriend kaya siya bumalik sa lugar na minsan nang dumurog sa buong pagkatao niya. Pero.. may mali. There's a girl who always ruin her plans! Susundin ba niya ang gusto ng kan'ya...