Chapter 22 - Sundo

4 1 0
                                    

"This is all your fault! kung hindi ka sumakay do'n, edi sana kanina pa ako nakauwi!" pareho kaming basang-basa na. Nakasilong kami ngayon sa waiting shed at ang pedicab na sinasakyan namin kanina ay nagsakay na ng ibang pasahero. Wala na ring ibang pedicab sa daan.

Hindi siya nagsalita. She's so silent all the time habang ako naman ay putak nang putak.

"Paano ako makakauwi nito?!" reklamo ko ulit. Hindi na naman siya sumagot.

May humintong sasakyan sa harap namin at kaagad na tumayo si Iris at nagtungo sa sasakyan na 'yon. Wait.. may sundo siya?

Halos mangiyak ako nang pumasok na siya sa sasakyan at umandar na ito paalis. Ngumuso ako at yumuko. Bakit ba sobrang daldal ko kanina?

hindi na nga pala kami close..

"Ginawa niya 'yon sa 'yo?!" ang OA kong pinsan ay hindi na matigil ang bunganga.

Muntikan na akong maglakad sa ilalim ng napakalakas na ulan, buti na lang at ang mabait kong pinsan ay dumating. Naramdaman ko agad ang yakap ng pinsan ko saakin mula sa gilid.

"Wala naman masama do'n, Tey. At isa pa,  hindi niya rin ako responsibilidad." Wala naman talagang masama sa ginawang pag-iwan saakin ni Iris sa waiting shed kanina. Ang tanging pinagtataka ko lang..

sino yung sumundo sa kan'ya?

Hindi 'yon maalis sa isipan ko kinabukasan. Muntikan na nga akong makabasag ng baso habang naghuhugas ako dahil sa lumilipad ang isip ko ro'n.

"Yas, ayos ka lang?" nagaalalang tanong ni Rian. Tumango ako at nahiya.

"Oo, Rian. Pasensya na." Tumango siya at ngumiti.

"Gusto mo ako na d'yan, Yas? mukhang pagod ka na oh-" Ang makulit na si Rico ay bigla na naman sumulpot sa tabi ko. Sinubukan niyang punasan ang pawis sa noo ko pero agad na hinawi ni Rian ang kamay nito. Tumawa na lang ako at umiling. Ang kulit talaga nilang dalawa.

"Boss naman! worry lang ako oh." Piningot siya ni Rian at hinila palabas ng kusina. Tumawa ako habang pinupunasan ang hinugasan kong mga plato at baso.

"Worried 'yon! ang kapal ng mukha mong pumorma eh hindi ka naman marunong gumamit ng past tense!"

"Ikaw na lang pormahan ko boss?"

Umiling ako at tumawa. Napapansin kong may chemistry silang dalawa.

Bumuntong hininga ako at sumandal sa lababo nang lumipad na naman ang isip ko kay Iris. Sino nga ba kasi yung sumundo sa kan'ya? at bakit.. bigla siyang nandito sa lugar kung saan ako nananatili? may connection pa ba sila ng pinsan ko?

Posible.. pero, wala naman idea ang pinsan ko at nagulat pa nga siya kahapon nang ikwento ko ang muling pagkikita namin ni Iris.

The Love We Always Deny - Lover City Series #1 (On-Going)Where stories live. Discover now