The next day, sobrang aga ni Iris sa room namin. She's well dressed at para bang lagi siyang sasabak sa gyera sa ayos niya.
Wearing a baggy army green cargo pants and a black tank top. She's freaking hot! idagdag pa ang buhok niyang mullet cut. Damn! mamatay na ata ako.
"Good morning, miss Yaci!" ganadong ganado ang boses niya habang hinahapag niya sa lamesa ang mga niluto niyang almusal.
Posibleng tulog pa ang pinsan ko. Wait.. e paano nakapasok ang babaeng 'to?!
"May access ka ba sa room namin?" umupo muna siya at nilagyan ng kanin ang plato ko bago sumagot.
"Pinapasok ako ng pinsan mo. Lumabas siya, nag-almusal sila ng kaibigan ko."
"At hinayaan mo siyang sumama sa kaibigan mo?!" itinaas niya sa ere ang kanyang mga kamay at ngumisi.
"What? bakit ko naman pagbabawalan ang pinsan mo? mabuti ang intensyon sa kan'ya ng kaibigan ko, miss Yaci." I glared at her. Malamang kaibigan niya kaya kakampihan niya, 'di ba?
"Stop glaring. Lalo kang gumaganda-"
"Shut up."
Humalakhak siya at nanahimik. She's being bold now, huh? ang lakas din ng loob ng isang 'to. My pride is too precious para patulan ang mga banat niya.
We spent the whole morning in the center island. Ubos na ang niluto niyang almusal but we stayed there, she keeps talking about anything while i'm listening, don't know how to respond.
Nag-stay pa siya hanggang tanghali at nagluto ng pananghalian. Oh gosh! bakit hindi man lang sumagi sa isipan ko ang pinsan ko? hindi pa siya umuuwi!
"Bakit wala pa ang pinsan ko?" kakatapos ko lang maghugas ng pinagkainan namin. Lumapit ako sa kaniya na walang hiyang nakasalampak sa sofa at nanonood ng tv pero naka-mute naman. Umupo ako sa tabi niya.
"They probably get their own hotel-"
"What the hell?!!" mabilis kong naihampas sa kan'ya ang unan ngunit parang alerto siya roon at nasalo niya agad. Matalim ang tingin ko sa kan'ya na tumatawa lang.
"You know.. they want some privacy." Aniya nang nakangisi. Kinagat niya ang kan'yang labi habang lumalapit saakin. Our thighs are touching. I'm not sensitive or anything kaya binalewala ko 'yon.
She leaned towards me. We stared at each other, not saying anything or what. Namumungay ang mga mata niya at ang bibig niya ay nakabukas ng kaunti. What happen to her?
"Hoy!" pinitik ko ang noo niya pero wala siyang reaksyon. She keeps staring at me, with her eyes drowning and her mouth half-opened.
"Ang ganda-ganda mo, Hyacinth." She say my whole name, again. Iba talaga ang pakiramdam kapag naririnig ko ang buong pangalan ko sa boses niya. Para bang.. may kumukulo sa tiyan ko.
"I know." I try to keep my voice steady, don't want to let her know na sobra ang epekto ng mga salita niya saakin.
It's already pasts midnight and my cousin's not home yet. I'm freaking worried habang ang kasama ko naman ay parang ewan na pinapanood ako imbes na ang tv!
"Stop looking! mukha ba akong tv?!" she chuckled and cleared her throat. Nakatingin na siya sa tv ngayon kaya naman medyo nainis ako. Mas okay pa palang nakatingin siya sa akin!
What the hell?? nababaliw na ata ako!
YOU ARE READING
The Love We Always Deny - Lover City Series #1 (On-Going)
RomanceHyacinth Andromeda just wants a closure and a forgiveness from her ex boyfriend kaya siya bumalik sa lugar na minsan nang dumurog sa buong pagkatao niya. Pero.. may mali. There's a girl who always ruin her plans! Susundin ba niya ang gusto ng kan'ya...