My 5 months of staying in this small apartment is nothing but good. Nahanap ko ang kapayapaan ko rito. Mga iilang taong nakasalamuha ko rito ay mabubuti rin. Everything is perfect for the few months I lived here.
It was a lazy morning. I'm in the kitchen, eating my dry breakfast. Tumigil ako sa pagkain nang makarinig ako ng sunod-sunod na pagkatok sa pintuan ng apartment ko. Tumayo agad ako at lumakad palapit roon.
"Yas! may bisita ka!" boses ng landlady iyon at ang malalakas niyang mga katok. Ngumiwi muna ako bago buksan ang pintuan. Natigilan agad ako nang makita ko kung sino ang kasama ng landlady.
"Tey?" umiiyak siya at mabilis na tumakbo patungo sa akin at sinalubong ako nang mahigpit na yakap. Naiyak na rin ako at niyakap siya pabalik. Damn! I miss her!
"Ay, girlfriend mo?" ngumiwi ako at natawa sa tanong ng landlady.
"Pinsan ko po." Tumango siya at nagpaalam na umalis na. Napailing ako.
"Miss na miss na miss na kita, bwisit ka!" pabiro niya akong hinampas sa balikat ko habang umiiyak pa rin. Tumawa lang ako at kinalas ang pagkakayakap sa kan'ya.
"Paano mo ako nahanap?"
"We- I mean, I.. trace your location thru your phone.. ah basta! it's not important. Basta nagkita na ulit tayo at.. maayos ba ang paninirahan mo rito?" ngumiti ako at tumango. She seems so unconscious. Pagod siguro sa byahe.
"5 months na ako rito, Tey. So far, okay naman at payapa."
Nagkatinginan kami ng ilang segundo bago siya bumuntong hininga at yumuko.
"Yaci, i'm so sorry." Ngumiti ako ng mapait at tumango nang ilang beses.
"Kahit kailan hindi ako nagtanim ng sama ng loob sa 'yo, Tey." Nag-angat siya ng tingin sa 'kin, pulang pula ang ilong niya. Lumapit ako sa kaniya at nanggigigil na pinisil iyon. Tumawa ako nang hindi siya nainis o ano. She hates being pinch, buti hindi siya nag-react ngayon.
"Nakakainis ka! bakit ang bait mo?! maiintindihan ko naman kung magagalit ka sa akin eh!" umiling ako. Aaminin ko, nagtampo ako sa kan'ya dahil sa ginawa niya. Pero sa ilang buwan na lumipas, naisip ko na she did that because she cares about me. I know i'm being selfish from that thought pero.. wala akong ibang inisip kung hindi ang patawarin siya. Ayokong masira ang relasyon naming magpinsan dahil lang do'n.
Pero iisang tao lang ang gusto kong ipaintindi saakin ang buong pangyayari. I want her explanation. Pero sa kahit anong sitwasyon, lagi tayong pinapangunahan ng emosyon natin kaya nawawalan tayo ng pag-asang malaman ang dahilan kung bakit at paano nangyari iyon.
YOU ARE READING
The Love We Always Deny - Lover City Series #1 (On-Going)
RomanceHyacinth Andromeda just wants a closure and a forgiveness from her ex boyfriend kaya siya bumalik sa lugar na minsan nang dumurog sa buong pagkatao niya. Pero.. may mali. There's a girl who always ruin her plans! Susundin ba niya ang gusto ng kan'ya...