S1: 02

297 13 0
                                    

Two years later...

Orvieto, Italy

YUMI

Ang bilin ni Sir Rex ay huwag na huwag kong iiwan ang anak niyang si Reign, na Reianna naman kapag sa mama niya. Kainis! Mabuti na lang at hindi nalilito ang bata sa magkaibang tawag ng mga magulang niya sa kaniya.

Tatlong taon pa lang si Reign at ang ganda-gandang bata. Kasingganda ng mama niya kasi sobrang ganda naman talaga ni Madam Julianna. Kagandahan na balewala kay Sir Rex kaya sorry na lang siya.

Pero naunawaan ko naman ang boss kong pogi, sadyang pangit kasi ang ugali ni Madam Julianna. Palasigaw iyon at nagiging malambing lang ang boses kapag nakikita si Sir Rex.

Kawawa rin, asawang naturingan pero kinukulang sa atensyon. Kadalasan papansin na lang.

Halatang-halata rin naman kasi na paimbabaw lang ang pagiging nanay niya kay Baby Reign, mabuti nga at hindi ko siya sinusumbong kay Sir Rex...

Paano naman kasi kapag nasa palasyo ng mga Agosti si Sir Rex ay kunwari hands-on mommy si madam, pero kapag wala na si Sir Rex ay puro utos lang din sa akin ang ginagawa at hindi na nga halos pansinin ang maganda kong alaga.

Pakiramdam ko nga rin ay si Sir Rex lang ang dahilan kaya kunwari mahal ni madam ang bata. Ewan ko lang kung totoo pero ang sabi noong kapapanganak ni Baby Reign ay inaalagaan naman ng maayos ni Madam Julianna pero nagbago at bigla na lang wala na itong panahon sa anak.

Siguro, kasi laging umaalis ng Italy si madam. Laging gumagala kung saan-saang bansa. Hindi siya modelo pero isa siyang fashion icon kaya kapag may mga fashion show ay naiimbitahan siya. Sikat si madam at maraming fans. Kahit mga sikat na fashion designers ay kaibigan niya.

Pero nakakatakot si madam kahit sobrang ganda. Nakakatakot ang mga tingin niya. At dahil ayaw kong mawalan ng trabaho kaya bahala na sila sa problema nila ni Sir Rex. Importante ay hindi ko mapabayaan ang alaga ko.

Ayoko lang magsalita ng kung ano-ano kaso... kaso pansin ko lang talaga na si Madam Julianna ay mukhang kulang sa aruga na ginagawa ang lahat para magpapansin kay Sir Rex. Sabagay... sa gwapo ba naman ni Sir Rex, tapos mukhang masarap pa, s'yempre naunawaan ko si madam.

Si Sir Rex naman kasi ay hindi ko rin maintindihan. Imbes na lambingin si madam ay mas gustong titigan lang ang babae sa painting na nasa office nito. Si Mirabella iyon, ex ni Sir Rex.

Maganda talaga si Madam Julianna pero si Mirabella... kahit hindi ko nakita 'yon ng personal ay grabe... Sobrang ganda rin.

Actually, walang laban si madam kung sa pagka-anghel na ganda ang labanan kay Mirabella. Sa pictures niya lang at painting ko siya nakita pero para siyang pinaghalong diwata at diyosa sa ganda.

Hindi ko man nakilala ng personal si Mirabella pero sabi ni Miss Izzy, na pinsan ni Sir Rex, ay sobrang bait daw no'n talaga. At kung gaano raw kaganda si Mira ay gano'n din ang ugali nito. And I defer conclude na sorry na lang talaga si Madam J... dahil sa pangit ng ugali niya ay talagang kahit maganda pa siya ay negative one hundred ang score niya kay Sir Rex.

"Yumi!"

Napalingon ako sa tumawag sa pangalan ko. Naputol tuloy ang pagmumuni-muni ko. Sino kayang istorbo ang...

Ay, ang crush ko pala! Si Alessandro!

"Sì? (Yes?)" kinikilig kong tanong nang palapit na siya. Ano kaya ang dahilan na tinatawag niya ako?

"Rex wants to talk to you," wika niya na parang robot. Sobrang gwapo nito eh pero mukhang ewan sa pagka-robot. Walang emosyon lagi makipag-usap.

"Dov'è il Signor Rex? (Where is Sir Rex?)" tanong ko. Sinadya kong mag-Italian kahit nag-i-English siya kasi gusto kong magpabida-bida. Baka naman mapansin niya na ako at matuto naman siyang ngumiti.

ICE FERREIRA (Wild Men Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon