S1: 18

57 4 0
                                    

YUMI

Palakad-lakad ako sa harap ng tatlong lalaking nakatingin sa akin. Sina Ice, Elliot, at Trace. Walang malay pa rin si Izzy at mas okay na iyon. Ang tatlo namang mga Bible Girls ko ay magkakatabi sa isang couch. 

"I will claim them back," tukoy ko sa triplets. 

"No." Trace stood up and walked to get near me. "They chose me as their new master. Better accept it."  

"They are not pets that need a master!" asar kong tugon sa pinsan ni Ice, na ang guwapo pala talaga at mukhang sayang dahil nagkagusto lang sa gaya ni Madam Julianna.

"We will stay with Master Trace, Dominus...." Genesis said those words softly.  

"What?!" gulat kong tanong. Nilingon ko sila. Alam kong matagal kaming hindi nagkita-kita pero harap-harapan nila akong ipagpalit sa lalaking ito? Na saksakan man ng guwapo pero hindi yata nagsusuklay. Unfair naman... 

"Incognito is targeting us, they sent their sicarius to kill us," Exodus explained. "At kanina, hindi lang kami ang natunton ng mga sicarius ni Helio, pati na ikaw." 

"Kaya nga mabuti pa na magsama-sama tayong apat," kausap ko sa kanila. Nilapitan ko sila at hinawakan ang kamay ni Leviticus, ito ang pinakabata sa tatlo at ang pinakamalambing sa akin kahit noon pa. "Levi?" 

Sinulyapan ni Levi ang dalawa muna. "Sorry, Dominus. Tama sila. Kay Master Trace kami dahil mas sigurado kami sa kaniya." 

Hay naku naman talaga... gusto ko na yata mainis. Mas delikado sila sumama sa grupo nitong si Trace at galit si Sir Rex dito. Ayoko silang madamay. 

"Why Rex tracking me?" tanong ni Elliot na ikinalingon ko. 

Ayaw kong magsalita dahil tapat ako kay Sir Rex. Hindi ko malilimutan na siya ang tumulong sa akin noong wala akong maalala kaya naligtas ako sa Incognito. Hindi ang mga taong ito ang dapat kong intindihin. At kahit tinulungan pa nila kami ni Izzy kanina ay hindi ibig sabihin tatalikuran ko na ang usapan namin ni Sir Rex.

"Tell us, Mayumi. Ano ang dahilan at tina-track si Elliot? Ako ba ang kailangan ni Pellegrini?" Trace asked then sighed. "Hindi kami kalaban ng boss mo." 

At hindi ako naniniwala. Kumampi siya kay Madam J. Ang lahat ng kumampi sa ex ni Sir Rex ay kasama na ng kalaban ng ESR, ang organisasyon ni Sir Rex.

"I was compromised kaya kailangan ko pumayag na kumampi kunwari kay Julianna," Trace stated na nakatitig sa akin.

Napakunot-noo ko at napatingin ako kay Ice. Maniniwala ba ako? Pero... 

"Can we talk?" tanong ko kay Ice na lang. Sa kanilang tatlo ay sa kaniya lang ako makikipag-usap muna. Sa kaniya lang ako pwedeng magtiwala. 

Napatingin si Ice kay Trace, na tinanguan lang ng isa. 

"Follow me, Mayumi," Ice said at nauna na lumakad papunta sa kuwarto. 

Nasa presidential suite kami ng isang hote, na ngayon ko lang din napasok. Nandito pala tumutuloy ang pinsan ni Ice, na totoong nakaraan pa target ng boss ko. Pumasok kami sa kuwarto at hinila na ako ni Ice agad para halikan. 

ICE FERREIRA (Wild Men Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon