YUMI
Nagising ako sa pangangalay ng hita mula sa pagdadantay ni Ice sa akin. Narito kami sa Quezon City, sa mansion ni Trace. Ice pulled me closer to him nang kumilos ako para tumayo sana kaya napasiksik lang ako sa kaniya ulit.
"Bangon na ako."
"Later..." Ice sniffed my nape.
"Naiihi na ako."
Hindi na siya nangulit at hinayaan na akong bumangon. Pumunta ako direkta sa banyo at kinukusot ang mga mata ko na humarap sa salamin pagkatapos kong umihi.
"Maganda ka pa rin..." kausap ko sa repleksyon ko nang mapabalik ako para titigan ang sarili sa salamin. Napakurap-kurap ako. Bakit ngayon ko lang napansin? Kahawig ko pala si...
No! Nataon lang siguro kasi na kalat ang eyeliner sa paligid ng mga mata ko at kalat din ang lipstick ko kaya naisip kong kahawig ko si Madam J. Ang labo naman. Imposible. Diyosa kasi iyon... diyosa ng mga demonyo nga lang.
Nangiti na lang akong titigan ang sariling repleksyon. Hindi na ako nakaayos ng sarili kagabi bago natulog kaya kahit makeup ay naiwan na sa mukha ko. Heavy makeup ako kagabi para sure na walang makakakilala agad sa akin. Effective naman at mukhang ang ganda ko masyado kaya nagawa kong umagaw ng atensyon. Si Alguien nga lang ang nag-iisang lalaki na tamang sinulyapan lang ako kagabi. Parang Elliot din na immune sa ganda ko.
Well, I heard about him being married to a princess, a real princess... A royal one. And I saw a photo of that princess. Napakaganda. And I like her green eyes. Maganda at mabait. Iyon ang description sa prinsesa, na siyang susunod na tagapagmana ng monarkiya ng Fielvia. Crowned Princess Faith of Fielvia, her title. A beautiful soul with a serene smile. Prinsesa na kagabi ko lang nalaman na kapatid ni Ice.
Yeah... so after we went out last night, stalking Alguien Esposito, ay hindi ko nga maunawaan si Ice bakit parang inis na inis siya sa bayaw ni Trace at hindi na tumigil sa kakainom hanggang malasing.
Ang utos ni Trace ay sundan namin si Alguien. May hinala kasi si Trace kay Alguien, na baka alam ng huli ang plano ni Don Raymundo na masama sa pinagbubuntis ni Chloe. Ayos naman sana lahat ang plano, but Ice turned out to be not in a good mood after seeing Alguien.
Galit ang nakikita ko sa mga mata niya habang nakatingin kay Alguien and became nosy when he got drunk. And stupid he was dahil akala yata magaan siya para alalayan kapag nalasing, hirap na hirap tuloy ako lalo na at ang sexy pa ng outfit ko. Hindi nag-isip o baka naman gusto akong pahirapan kaya walang awat sa pag-inom habang ako na lang ang pasimpleng nakinig sa pakikipag-usap ni Alguien sa mga Swedish speaking people na obvious naman na ka-transact nito as I heard they are talking about rubies and pearls.
S'yempre ay pinauna kong makaalis si Alguien at ang mga kausap nito bago ako umalis sa puwesto ko. Wala akong napala sa pakay namin dahil iba naman ang kailangan namin kay Alguien, tungkol kay Chloe at sa baby nito sana. Pakialam namin sa rubies and pearls.
Binalikan ko si Ice sa bar counter na umiinom at kinakausap ng dalawang babae. Habang may ginagawa akong pagmamatyag ay minamatyagan na rin ng mga babaeng harot si Isidro. Umalis lang ang dalawang babae nang lumapit ako at taasan ko sila ng kaliwang kilay ko.
"What are you doing?" tanong ko kay Ice. "This is not time to be wasted, Isidro!" inis kong dagdag.
"I hate that guy..." mahina ang boses na sabi ni Ice na nilingon pa si Alguien, na nasa labas pa at nasa likod ang dalawang tauhan na sigeng kindat sa akin kanina. Pasalamat sila at wala akong planong mapagulo kung hindi ay pinalagan ko talaga sila.
"Does Trace know you hate his brother-in-law?"
"No," umiling ito at namumula na. Marami na talagang nainom. Mestizo si Ice. Mestizo at sobrang guwapo kaya nilalandi kanina ng mga haliparot. With his six-foot-five, he really took every woman's attention in this pub.
BINABASA MO ANG
ICE FERREIRA (Wild Men Series)
Romansa-ONGOING- SPG | R18 | Matured Content Read at your own risk! "Kung gagawa ako ng anak na bago ay sisiguraduhin kong sisimulan ko ngayong gabi," I cut her words and stated. Natigilan siya roon. Nakikita ko ang pagkalito sa mga mata niya habang naka...