S1: 19

89 13 0
                                    

YUMI

The wedding day. 

Ang araw na pinakahihintay nina Sir Rex at Miss Mira. Inalis ko ang kung anong panggulo na nasa isip ko. Ang kailangang gawin ko ay ang nasa plano. 

Lumabas ako sa kuwarto na nakalaan sa amin ni Reign dito sa mansion ni Don Gabriel Pellegrini. Ang sabi ay parating ang pamilya na umampon sa anak nina Sir Rex at Miss Mira na si Art. Noong inakalang patay na si Miss Mira at Art ay nagkahiwalay lamang ang mga ito at si Art ay napunta sa pamilya ng pinsan ni Ice Ferreira. Akalain nga naman maglaro ang tadhana.

"Yumi..." Ice started talking to me. I am connected to him with the airpods. Thanks to technology. But technology could be the thing to doom us in return once we were discovered, like how Madam J was monitoring Trace. 

"I'm ready," I informed Ice. "Saan kayo ngayon ni... Elliot?" pabulong na lang ang pagsabi ko sa pangalan ni Elliot Hart. 

"Sa usapan pero may problema," sabi nito sa akin na ikinasalubong ng kilay ko. 

"Problema?" kunot-noo kong tanong. "Wala pa tayo sa exciting part, problema na?"

"Not that big, Yumi. Naisip ko lang... na hindi pala naisip ni Trace, na hindi basta makukuha ni Elliot si Art."

"Akala ko ba kaya na?" 

"Kaya pero magkakagulo..." Ice breathed out heavily. "Madadali ako sa FSO kapag nagkataon na mabulilyaso tayo. Baka kailangan patayin pa ang yaya ni Art para makuha ni Elliot ang bata, at hindi ko gustong may mamatay sa mga tao nina Brix at Hail. Mga gago ang mga iyon, mukha lang matino." 

"Change of plan ba?" I need to know para maayos agad. Any moment ay magaganap na ang ambush. 

"Hindi naman masyadong apektado ang plano ni Trace. Naisip ko lang na sa akin sasama ang bata dahil malapit sa akin iyon."

"So ako na ang bahala kay Reign... Is that what you wanna say?"  

"Yes. Magkita na lang tayo mamaya kapag nabigay ko na si Art kay Elliot." 

"Copy. And by the—" I stopped talking as I saw Alessandro looking at me. Kanina pa ba siya nakatingin? I smiled at him. Hindi siya pwedeng maghinala na may kausap ako. "Si, Alessandro?" nakangiting tanong ko sa kaniya. 

Umiling lang si Alessandro at umalis na rin agad. Hindi naman nagsalita pa si Ice sa kabilang linya. Pagkatapos kong ayusan si Reign ay bumaba na kami ng alaga ko. I kissed Reign's forehead. 

How I feel sorry for what I will do to Baby Reign. I sighed. Magiging maayos ang lahat. Ice is right, and this is the best for the lives of the children and Miss Mira. 

"Yumi!" nakangiting lapit sa akin ni Izzy. I smiled back, kahit hindi ko gusto na nakikita si Giovanni sa likod ni Izzy.  

After that night ay maayos kaming nakauwi ni Izzy. Nang tanungin ako kung sino ang tumulong sa amin ni Izzy ay sinabi ko na lang na hindi ko kilala. Wala na ring tanong pa mula kay Sir Rex, siguro kasi may tiwala siya sa akin. 

"Darating ba si Isidro mo?" pabirong tanong ni Izzy sa akin. 

I gave Izzy a side glance. "Crush mo na yata si Isidro, eh," pang-asar ko na lang. "Lagi mo hinahanap." Inoobserbahan ko ang reaksyon ni Giovanni at hindi ako nagkamali, apektado nga siya na magkagusto sa iba si Izzy. I saw how he looked alarmed. 

ICE FERREIRA (Wild Men Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon