S1: 14

75 2 0
                                    

YUMI

I woke up na nasa tabi ko pa rin si Ice. I kissed his forehead at masayang isiniksik ang ulo ko sa leeg niya. Nakangiti ako nang biglang maisip ko ang email na nabasa ko nakaraan.

Nga pala... Napatuwid ako ng higa at napabuga ng hangin. Ano na bang nangyayari sa akin at hirap ako magkontrol ng nararamdaman ko? Sa ilang taon na tinikis ko ang sarili na magpakita sa kaniya na nagawa ko naman ay... bakit nabalewala ang lahat ng 'yon? Bakit ang bilis kong nahulog?

Tumaas-baba ang dibdib ko as I heavily sighed. Working to Incognito before made me busy, kaya nagawa kong ma-divert ang utak ko sa mga trabaho, at hindi isipin si Ice. But now... Questions are thrown at me by my guardian devil. Mga tanong na kagaya ng... Kung handa na nga ba ako talagang makipagbalikan kay Ice? O mas may dapat pa akong unahin kagaya ang tungkol sa email na nakita ko lang nakaraan? 

Muli akong tumagilid at tiningnan ang tulog na tulog na si Ice. Napangiti ako. I pecked at the tip of his perfectly straight nose. So handsome. He is so beautiful, and he loves me.

Nang akyatin niya ako rito kanina ay galit pa siya sa binibintang niya na kasabwat ako ng mga Italian na nagbomba kina Libby. At galit din siya kasi akala niya tinatago ko ang mga anak namin.

Galit siya pero nabalewala lahat iyon at ngayon kami na ulit. Napabangon ako dahil sa naisip ko. No... what if...

Damn...

We made love—fucked hard literally. Kaso... kaso ay... What if sinadya niya lang akong akitin para mauto ako na bumalik sa kaniya? What if gusto niya akong bumalik sa kaniya dahil galit nga siya sa akin? What if kasama ito sa plano niyang pagganti kasi... kasi kumbinsido nga siya na... na kasama ako ng mga Italyanong iyon?

Nagdududang napatitig ako kay Ice. No... I know him way back, hindi niya ugali ang magpanggap. Ako lang ang magaling sa pagpapanggap. Ice is a cold one but... he cannot act like he cares and loves someone if he doesn't feel that way.

Gusto kong maging masaya na mahal na mahal niya pa rin talaga ako. Pero alam ko naman na hindi lang sa pagmamahal kami pwedeng maging okay. Hanggang hindi nasasagot ang mga tanong sa utak ko ay hindi ako titigil. At ngayon na dumagdag ang hinala ko na baka gusto niya lang akong mapasunod para mapaamin ay... ay ayoko na lang isipin.

Pasalamat lang ang lalaking ito at siya lang talaga ang lalaking nakapasok sa puso ko kaya hindi ko siya mabalewala. Nakapasok sa puso ko at sa ano—

I stopped sa kung ano na naman na naisip kong kalokohan. Seryoso ako pero baka mapunta na naman sa sex ang utak ko. Kinapa ko ang pagkababae ko, napangiwi ako nang maramdaman na parang namamaga na 'yon sa rough sex na ginawa namin kanina nang ilang ulit.

No! I can't have another one. Hindi na kaya.

Nahiga na ako sa tabi niya. Muli ko siyang niyakap at humalik sa ilalim ng baba niya.

"I love you, pogi."

Isiniksik ko pa ang sarili muli sa kaniya at iniyakap ang braso sa katawan niya hanggang sa nakatulog na ako. At sa sobrang pagod ko sa mga ginawa namin ay maliwanag na nang magising ako. Napadilat ako dahil wala na si Ice sa tabi ko. Nagtaka pa ako na hindi ko na siya mayakap.

Inilibot ko ang tingin sa loob ng kuwarto ko at pinakiramdaman ang banyo. Baka nando'n si Ice. Baka...

Tumayo ako at pumunta ng banyo. Wala siya. Baka naman bumalik na sa kuwarto niya nang magliliwanag na. I smiled. Tama. Nasa kuwarto na niya iyon. Baka hindi na ako ginising kasi nakita niyang tulog na tulog ako.

Mabilis akong naligo at nagbihis bago ako pumunta sa kuwarto ni Reign para kunin ang alaga ko. Maya ko na pupuntahan si Ice para makausap sa sitwasyon namin dito sa mga Pellegrini. Malapit na ako sa kuwarto ni Reign nang nasalubong ko si Miss Greta. She told me that Reign is with Miss Mira. Hayaan ko na lang daw muna kaya tumango na lang ako saka bumaba.

ICE FERREIRA (Wild Men Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon