S1: 07

193 5 0
                                    

YUMI

Three months had passed nang sinabi ni Sir Rex ay kailangan niyang pumunta sa Austria. I heard them talking. May kausap siya. Mga tao niya.

Pasimple lang akong nakinig dahil tumutupad ako sa usapan namin na magpapanggap lang akong walang naaalala. Iyon ang usapan para masiguro na hindi ako pag-iinteresan muna ng Incognito.

Ang sabi ni Sir Rex ay kahit siya hindi maintindihan ang plano ng Incognito, kung bakit pinapatagal pa nila ang pagsugod sa akin. And then I said na baka dahil kay Ice... probably they want me to get back to Ice first.

So ganito na nga lang muna ako. Pretending just a stupid nanny of Baby Reign could make me less targeted. I will remain as Mayumi Lumacad and should forget my name Hugo in Incognito or even Hope.

Hindi ako ang mga iyon.

Anyway, Mayumi Lumacad is my real name. My true name. Ito ang pangalan na nakuha ko sa orphanage kung saan ako nagmula. Ang pangalan na dahilan para pahirapan ako ni Helio.

"Yumi!" tawag sa akin ni Miss Izzy.

I faced her. Kung may isa akong ikinakatuwa sa hindi pagkakasundo nina Sir Rex at Madam Julianna ay ang bagay na nandito kami ni Baby Reign sa mansion ng ama niya. Nasa Pilipinas si Madam Julianna ngayon at salamat na lang na hindi niya kami ipinilit isama ng alaga ko sa byahe niya kahit iyon ang plano niya noong una.

"Yes, Miss Izzy?" tanong kong nakangiti na lumapit dito.

Miss Izzy rolled her eyes beautifully. "Ilang beses ko bang sasabihin na Izzy na lang," sabi niya na natatawa.

I smiled awkwardly. Hindi ko kasi masabing naibahan akong tawagin siyang Izzy dahil maliban sa pinsan siya ni Sir Rex ay kasi... kasi parang si Ice ang naiisip ko. Alangan namang tawagin ko siyang Isabel eh mas parang bastos na ako kapag gano'n.

"Nakakahiya naman po, Miss Izzy."

"Magkasing-edad lang naman tayo eh. At gusto kong magkaroon ng kaibigan na kasa-kasama. Anna and Lorraine are nice but they are more of bodyguards than a friend. Actually,  si Mirabella naaalala ko sa 'yo kapag tinitingnan kita."

Nanlaki ang mga mata ko. Huwag naman gano'n. Dyosa 'yong si Mirabella at demonyo ako. I wanna said that jokingly, pero hindi na. Kailangan hindi ako madulas kung ano ang trabaho ko dati at baka mayari ako kay Sir Rex.

"Ang layo ko naman, Miss Izzy, kay Miss Mirabella. Ang ganda-ganda no'n eh. At saka kung kamukha ko iyon ay sana nagustuhan man lang ako ni Sir Rex," pabiro kong sabi.

Miss Izzy laughed at nakitawa na rin ako, then I stopped laughing. Naisip ko na simula pala nandito ako sa kampo ng mga Pellegrini ay bumabalik si Hope, ang pagkatao ko na masayahin at nagmahal kay Ice. Napakagat ako sa labi ko sabay pasimpleng hawak sa pwesto ng tattoo ko na letter I para kay Isidro.

"Kasing-edad ko rin lang kasi halos si Mirabella," Miss Izzy said at hinila ako para samahan siyang maupo. Nandoon si Reign kay Miss Greta kaya nagagawa kong makipag-kuwentuhan ngayon. "Parang kagaya mo, you are only twenty-five, right? Magkakasing-edad lang tayo halos."

Tumango lang ako. Miss Izzy is only twenty-four and studying medicine. Maganda siya at hindi iisipin na purong Pilipina pero ang sabi naman kasi ni Dona Miranda, ang mama ni Sir Rex, ay may lahi pala silang kastila at iyon ang makikita kay Miss Izzy.

"Wanna go out?" tanong niya sa akin.

Nanlaki ang mga mata ko. I am tempted. Pero... saan kami pupunta?

"Lalabas kami mamaya nina Greta at mga bata. Doon kami pupunta sa park kung saan ko huling nakasama si Mirabella bago siya tumakas. Doon kasi pakiramdam ko buhay pa siya at si Art."

ICE FERREIRA (Wild Men Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon