S1: 21

21 1 0
                                    

YUMI

Days have passed na halos hindi kami nag-uusap gaya ng dati ni Ice. Hindi ko alam kung ano ang nangyari pero parang nagkalamigan kami. Hindi ko alam ang ganitong lagay namin, for we never had a chance to falling out of love before. Hindi namin naranasan mag-break noon o mag-cool off man lang. Walang humingi ng space. Walang nagtampuhan.

Basta mahal namin ang isa't isa, na kahit alam kong marami ang nagkakagusto sa kaniya noon, ay balewala lang. Walang pwedeng issue na makagulo sa amin noon dahil siguro ayokong magkaroon. Ako mismo ay ayaw kong magpaapekto sa kung ano-ano.

Ayoko, dahil wala akong mahabang panahon na makasama siya, at dahil alam kong hiram lang ang kasiyahan na naramdaman ko noon kaya... kaya sinulit ko na.

Ang hindi ko lang maintindihan ngayon, ay bakit parang pakiramdam ko ako ang may kasalanan kaya nagkakalamigan kami? Bakit parang pagkatapos kong kausapin si Sir Rex... ay may mali akong nagawa?

Yes, after I talked to Sir Rex that afternoon, a cold treatment from Ice followed. I know Ice ang pangalan niya pero hindi naman yata tama na maging ice na talaga siya nang tuluyan.

I sighed thinking of Ice. I sighed and then I smiled. Napangiti ako kasi okay na sina Sir Rex at Trace. Okay na ang dalawa at nagkasundo na. Bumalik na rin si Elliot sa Italy para makipagtulungan sa dalawa. Nakakatuwang malaman na ang mga Mafia boss na hindi magkasundo dati sa gawa ni Madam J, ay nagtutulungan ngayon para matapos ang kalokohan nito.

And their unity means a good thing for me, too. Dahil gusto ko na rin biglang harapin ang Incognito at mabawi ang mga anak ko ay isa lang ang ibig sabihin ng pagkakasundo nila. Matatapos na ang gulo at may pagkakataon na ako mahanap ang mga anak ko.

I wanna see my children. I wanna do what I need to do. I wanna make them live a peaceful life. I smiled again as hope entered my heart. Yes, I know... I know na maaayos ko rin ang lagay nila kagaya ng plano ko noon pa. Matatapos din ang problema na nakasunod sa akin at—

Natigil ako sa kakaisip ng kung ano-ano nang pumasok si Ice sa kuwarto. I looked at him. Ang sabi niya sa akin kanina ay mamaya ang alis namin pa-Manila. Doon na raw muna kami at maiwan na lang ang mga bata rito sa isla. Ayoko na sanang sumama pa sa Manila lalo na at hindi ako natutuwa sa relasyon namin ngayon. Kaso... kaso mas malaki naman ang chance na maisagawa ko ang plano kapag nasa Manila na rin ako.

"Parating na this week sina Trace at Elliot. Kasama nila ang triplets," imporma ni Isidro sa akin paglapit niya at naupo sa upuan sa harap ko.

"Anong oras ang punta natin sa Manila?"

"Mamayang mga alas-singko ng hapon. Bago dumilim."

I just nodded at Ice. "Okay." Iyon lang at ibinalik ko sa labas ang paningin ko.

"May... problema ba tayo, Mayumi?"

Napatingin ako kay Ice. Problema? Anong kaartehan ng lalaking ito? Hindi ko na nga iniisip ang asar ko sa panlalamig niya tapos tatanungin niya ako ng problema... Napailing na lang ako. Ayos din talaga... Parang ako pa pala ang may issues sa katawan.

"Marami tayong problema, Ice. Why? May Alzheimer's ka na?" tanong ko na lang para malaman kung ano ba ang dina-drama niya. May ideya na ako eh. May ideya na ako pero ayokong palakihin kasi kahit nga naiinis ako sa kaniya sa nakita ko nakaraan ay hinayaan ko na lang.

"Yes, we have a lot of problems we need to face, but that is not what I am saying. There's something on you that I can't explain."

"And what was that you observed? What something? Huh? What is it exactly, Isidro?"

"Ilang araw na kasi kitang napapansin na umiiwas sa akin makipag-usap. Bakit? Anong problema natin?"

"Wala akong problema pero baka ikaw ang may problema sa akin."

ICE FERREIRA (Wild Men Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon