Illinois, USA
AGENT H
Madaling mamatay pero mahirap mabuhay.
My life is such a jumbled mess!
There is nothing special about the life I need to work for; I have no one. No family. No friends. No beliefs... siguro kung mamamatay ako kahit anong oras ay balewala. Walang makakaalala, walang makakapuna.
Oo, walang makakaalala dahil kahit ang grupo na nagpalaki sa akin at pinagtatrabahuan ay babalewalain lang sigurado ang pagkawala ko. I'm nothing but a tool for them. They don't even treat me like a person with my own life.
Magulo na ang buhay ko pagkapanganak ko pa lang. Hindi ko nga kung alam sino ang mga magulang ko. Isa lang ang totoo sa akin sa ngayon, ang pangalan ko na ibinigay na lang ng organisasyon na nagpalaki sa akin.
Hugo.
Just Hugo. Wala akong apelyido, lahat kami na nasa grupo ay walang apelyido.
Babae ako. Babae kaming lahat na nasa Incognito pero walang nakakakilala sa totoong kami. Pangalan lang namin na alam sa underground society. Sinadya ang pangalan namin na panlalaki para walang makaalam ng totoong kasarian namin.
Minsan gusto kong gumamit ng ibang pangalan. Mas gusto kong gamitin ang pangalan na nalaman ko sa ampunan noong nag-imbestiga ako sa pinagmulan ko. Imbestigasyon na nang malaman ng Incognito ay pinarusahan ako.
Latigo.
Hindi ko nabilang kung ilan pero ang alam ko ay isinusumpa ko ang grupo dahil doon. Tandang-tanda ko ang galit ko sa mga Princeps, lalong-lalo na kay Helio.
I inhaled and exhaled several deep breaths. I shouldn't think about what happened in the past; I should focus on what will happen in the future.
Langyang buhay naman kasi! Pero dahil sa nangyari ay may na-realize ako...
Hindi ko nga alam kung kaninong bayag ako nagmula kaya ano pa ba ang importansya ng totoong pangalan ko? Bakit kasi pinagkaabalahan ko pang alamin kung sino talaga ako? Magulang ko nga ay walang pakialam sa akin kaya ako napunta sa ampunan. Bakit ko pa sila iintindihin hanapin? Hindi na! Walang silbi lahat. Lahat.
Then I grinned when I remembered some thoughts...
Noong bata pa kasi ako ay naniwala ako na isa akong himala kagaya ni Hesus. Na anak ako ng Diyos kaya ama ko rin ang Maykapal. I used to be optimistic about that thought, but...
Pucha! Kapal ng mukha ko kung iisipin ko pa na anak ako ng Diyos hanggang ngayon. Anak ni Satanas siguro pwede. Doon lang ako kay Satanas qualified maging anak sa dami kong ginawang kabutihan dito sa mundo. Napangiti na lang ako sa naisip na alaala... Langya...
Teka! Balik nga ako sa unang sinabi ko... madaling mamatay pero mahirap mabuhay. Totoo ito. Kung gugustuhin kong mamatay ay agad-agad pwede na pero dahil gusto ko pang mabuhay ay kailangan ko paghirapan ang bawat araw na binibilang ko sa mundong ito.
Kung tatanungin ako kung bakit gusto ko pang mabuhay ay dahil ayoko lang mamatay nang walang dahilan. Magulo ba? Magulo talaga. Sadyang magulo na ang buhay ko kaya ano pa ba ang pag-iisip ko?
Hindi. Ganito lang kasi 'yan. Simplehan natin.
Ang dahilan kung bakit mas gusto ko pang huminga ay dahil sa mundong ito ay mas may pag-asa akong nakikita. Ang kamatayan ay saglit lang pero hindi ako sigurado kung totoong may langit at impyerno na mapupuntahan. At kung totoo man ay paano kung sa parehong lugar na pwedeng patunguhan ng mga kaluluwa ay wala pa rin akong mahanap na tahanan?
BINABASA MO ANG
ICE FERREIRA (Wild Men Series)
Romance-ONGOING- SPG | R18 | Matured Content Read at your own risk! "Kung gagawa ako ng anak na bago ay sisiguraduhin kong sisimulan ko ngayong gabi," I cut her words and stated. Natigilan siya roon. Nakikita ko ang pagkalito sa mga mata niya habang naka...