YUMI
Nakasimangot akong umiinom mag-isa sa isang gilid habang tinitingnan ang mga tao sa paligid. Akala ko pa naman effective ang pagmamaldita ko kanina pero hindi man lang ako sinundan ng walanghiyang Isidro na 'yon.
Oo, nangako na ako na hindi na basta bubukaka sa kaniya... pero tama ba 'yon? Gano'n ba ang taong nagpapakita na gustong makipagbalikan? Dinadaan lang ako sa landi at halik! Buwisit siya!
May pa-walkout pa akong nalalaman pero paglingon ko ay nawala na rin pala ang walanghiya. Tinitigasan na iyon kanina at hinalikan pa nga ako. Akala ko talaga ay susundan ako pero akala ko lang pala... ako na ang mukhang assuming tuloy.
Grrr... Kainis ka talagang Isidro ka!!!
"Yumi, baka masobrahan ka na diyan ng tequila." Si Izzy iyon, na hinila pa ang shot glass na hawak ko. Kinuha ko lang kasi ang bote ng tequila kay Lorraine kanina nang nakita kong bitbit nito. Mukhang may plano rin maglasing pero naunahan ko na. Saktong tinawag din ni Sir Rex si Lorraine kaya hindi na inintindi ang tequila na inagaw ko.
"Balewala sa akin ang tequila," sabi ko na lang kay Izzy.
Totoo rin naman iyon. Kasama ang pagiging matibay sa alak sa training ko sa Incognito. Hindi ko alam bakit ako yata ang napag-eksperimentuhan masyado nina Helio noon pero salamat na rin. Dahil sa kakasabi nila na masyado akong mahina ay binugbog ako sa training hanggang sa ako na ang nag-excel sa lahat.
At oo, ako nga ang top agent nila, at isa ako sa apat na kasama sa Class Zero na tinatawag. Ang tatlong kasama ko na top agent ay hindi ko alam kung saan na sila. Dati ay inisip ko na baka nga wala na sila, pero ngayon ay... I sighed. Hindi na ako naniniwala pa sa sinabi ni Helio tungkol sa nangyari sa kanila noon. Sinungaling si Helio!
Ang huling kita ko sa kanila ay noong nasa Iran ako pinadala. Wala akong kaalam-alam na silang tatlo ang ipinadala para maging back up ko. Tapos na ang trabaho at nakabalik na ako sa head office nang malaman kong sila pala ang kasama ko roon. Sila pala ang mga kasama ko na muntik na mamatay sa pagsabog.
Mas bata sila sa akin ng limang taon at kung tutuusin ay ako ang isa sa nag-train na sa kanila bago sila nakonsidera na kagaya ko. The Triplets. The Bible Girls. Iyan ang mga bansag sa kanila. Sina Genesis, Exodus, at Leviticus.
Wala na akong balita pa sa kanila bago pa ang misyon ko na iligtas si Liza Pratts. Misyon na nabulilyaso dahil sa gawa ni Helio. Basta hindi ko na lang sila nakita pang muli. At nang sabihin ni Helio na napasama ang tatlo sa pagsabog ng eroplano dahil sa gawa ng isang suicide bomber, iniyakan ko sila. Matagal ko silang pinagluksa sa puso at isipan ko. Iniyakan ko nang palihim ang pagkamatay nila. Pakiramdam ko noon, lahat ay nawala na sa akin.
Una si Ice, sumunod ang anak ko na hindi ko pa alam na kambal, pagkatapos ay nawala pa silang tatlo. Na kahit hindi ko naiparamdam na mahal ko sila dahil ayaw ni Helio na maging close kami sa bawat isa ay palihim ko pa rin silang kinukumutan kapag nakita ko silang walang kumot. Patago kong ginagamot ang mga sugat na nagawa ko sa pagti-training sa kanila. At noong nilatigo ako dahil sa paghahanap ko sa mga magulang ko ay silang tatlo, kahit mga bata pa sila noon, ang tumutulong maglagay ng ointment sa mga sugat ko sa likod.
They were only eighteen when they marked as dead. Mga bata pa pero nasayang ang mga buhay. At silang tatlo rin ang dahilan kaya lalo akong nag-aalala sa mga kambal. Siguradong gagawin nina Helio sa mga anak ko ang ginawa nila sa triplets. Papalakihin nila na sa edad na walong taon ay kailangan marunong na gumawa ng improvised na bomba. Sa edad na sampo ay kailangan nakapatay na.
Hindi ko napigilan ang pagtulo ng luha ko sa sama ng loob ko kay Helio at sa Incognito. Nawalan ako ng kabataan kagaya ng iba na pinalaki nila. Ang laro namin ay puro sakitan ng katawan lang ang inaabot. Arnis. Judo. Taekwondo. Muay Thai. Karate. At iba pa. Lahat ng klase ng martial arts ay iyon ang pinagawa sa amin. Lahat ng klase ng sandata ay kailangan maging eksperto kami sa paggamit.
![](https://img.wattpad.com/cover/327225834-288-k579065.jpg)
BINABASA MO ANG
ICE FERREIRA (Wild Men Series)
Romance-ONGOING- SPG | R18 | Matured Content Read at your own risk! "Kung gagawa ako ng anak na bago ay sisiguraduhin kong sisimulan ko ngayong gabi," I cut her words and stated. Natigilan siya roon. Nakikita ko ang pagkalito sa mga mata niya habang naka...