S1: 08

186 6 0
                                    

YUMI

"Baby Reign, do you miss your papa?" I asked Reign habang naglalakad kami palabas ng mansion. Dadalhin ko siya sa garden at habang naglalaro siya ay papasimple akong subukan makapasok sa system ng Incognito.

Stefano, one of the henchmen of Sir Rex, gave me some programs he is using to hack some firewalls kaya iyon ang aaralin ko muna.

"Where is Papa?" Reign asked me that made me smile at her softly. This pretty mafia princess knows two languages at her age. Italian and English.

"He went to another country."

"To Mama?"

I stared at her innocent pretty face. Hindi ko kasi masagot agad ang tanong niya. Kahit tatlong taon pa lang kasi itong si Reign ay ayaw ko naman magsinungaling sa kaniya. Pero alangan naman sabihin ko na pumunta ang tatay niya para hanapin ang babaeng sinasabi na kamukha ni Mirabella na natagpuan sa Austria.

"I don't know, Baby Reign." I smiled at her. "But your papa is out of the country now."

Inilipat ko ang atensyon sa baligtad na flip flops ni Reign, at para hindi na rin niya dagdagan ang tanong. Umupo ako pa-squat sa harap niya at inayos muna ang footwear niya.

"Yumi!" tawag sa akin ni Izzy. Napalingon ako sabay biglang tayo. Bakit kaya ako tinatawag?

Nginitian ko si Izzy at nilapitan habang hila-hila ko si Reign na naglambitin sa braso ko. Tumalon-talon pa ang alaga ko. At dahil may kabigatan pa naman kasi sagana sa pagkain ang malditang bata, ay halos hilahin ko na lang siya. Hindi pa rin siya bumibitaw sa paglalambitin sa braso ko at nakangiti pa nang tingnan ko para sana kargahin na lang.

I was still smiling at Izzy until it faded when I saw someone from behind her, following her...

Fuck shit! Nanlaki agad ang mga mata ko. Ice!

Pucha! Anong ginagawa ng lalaki na ito rito?! Naguluhan akong napayuko. I need to think. Nilunok ko ang kaba ko bago ako muling tumingin kay Izzy pero nagtama na ang mga tingin namin ni Ice.

"May bisita ka, Izzy?" tanong ko habang iniisip kung hindi ba nakilala ni Izzy si Ice noong hapon na iyon. That was almost a month ago...

At kung ano mang kalokohan kaya nandito si Ice ngayon sa mansion ng mga Pellegrini ang biglang ikinababahala ko. I know he was up to something. Imposibleng nagkataon lang ang lahat.

"Oh, yes!" Izzy smiled at me and then at Ice.

Bigla akong natulala... Ang ganda ni Izzy. At habang nakatingin ako sa kanila ni Ice ay parang... parang bagay sila. Tapos sounds like pa ang name nila. Baka naman nililigawan nitong si Ice si Izzy... Baka naman...

Ang walanghiya! Subukan niya lang!

"Yumi, this is Isidro Ferreira," pakilala ni Izzy sa akin sa lalaking kabisado ko na ang lahat kahit ugat pa ng ano niya. I squinted my eyes... wala akong tiwala sa plano nitong si Ice. "Isidro is Rex's friend and associate. He will stay here until Rex gets back from Austria. Nagkausap na kami ni Rex kanina and he confirmed nga na pinapunta niya si Isidro dito."

Natigilan ako. Ano raw? Ano na nga ang sabi? Dito muna si Ice habang hindi pa bumabalik si Sir Rex?

Hala ka... Ay, mali! Hala ako pala....

Napalunok na naman ako. If mag-i-stay si Ice sa mansion ay posibleng mabuking niya ako. Langya naman kasi itong si Sir Rex! Maraming bilin sa akin na hindi ako dapat mahalata na ako si Hugo pero pinayagan naman itong si Ice na tumira rito.

At saka... Bakit? Bakit parang okay lang kay Sir Rex? Alam naman niya ang kalagayan ko. Ay, teka... hindi ko nga pala nasabi kay Sir Rex na nagkita kami ni Ice at alam na Hugo ang isang pangalan ko. Baka akala niya ay wala pang alam si Ice tungkol sa pagkakonektado ko sa Incognito... baka gano'n nga.

Pero magrereklamo pa ba ako kay Sir Rex? Baka ako pa pala ang mapagalitan... Napakamot na lang ako sa ulo ko na para akong may kuto. Babalakubakin ako sa stress bigla sa nangyayari, eh.

"Okay ka lang, Mayumi?" pabulong na tanong ni Izzy sa akin.

I smiled awkwardly at itinigil ang pagkakamot. Nang tingnan ko si Ice ay nakatitig siya sa akin. Huminga ako nang malalim at napalunok. Na naman. Yes, napalunok na naman ako.

Ang lalaking dahilan kaya gusto akong ipapatay ng Incognito ay nasa harap ko. I need a place to hide kaya nandito pa ako kay Sir Rex. But this place is now being invaded by the man who fathered my twins. I need to act normal and not be affected by him while waiting for Sir Rex to talk to me.

ICE FERREIRA (Wild Men Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon