YUMI
Six months na mula nang araw na iyon... Mula nang bumalik sa alaala ko ang lahat dahil kay Sir Rex nang tawagin niya akong Hugo.
I crossed my brows as I frowned.
Ako si Hugo... Ang tinatawag ding Agent H sa grupo ng mga Sicarius ng Incognito. Since I went missing, ano ang dahilan at hindi nila ako hinanap? Imposibleng hindi nila alam na buhay ako.
That night...
Nasa alaala ko na ang lahat...
Of that tragic night!
Si Liza Pratts... Ang anak niyang si Libby at apong si Millie. Pare-pareho silang hindi ko nailigtas at si... si Sid Andrade, ang asawa ni Libby, iyon ang pangalan niya na ayon lang sa impormasyon mula sa ipinadalang file sa akin ni Helio nang gabing iyon.
Sid Andrade. Isidro 'Ice' Andrade Ferreira
How fool I was...
I smirked sadly. Nagtago pa siya sa Andrade na apelyido. Hindi na lang pinalitan nang tuluyan ang buong pangalan, kung gustong mamuhay na malayo sa kinalakihan niya. He should not used Andrade at baka hindi pa na-trace kung sino siya, baka hindi pa nadamay ang mag-ina niya.
But...
How is he? Pagkatapos ko siyang dalhin sa Wisconsin, nakuha kaya siya ng FSO? Nailigtas siya sigurado dahil itinatanong nga siya ni Sir Rex sa akin. Inaalam kung nakikilala ko siya.
I sighed. Kinabukasan after bumalik ang alaala ko ay ipinasundo si Reign ni Madam Julianna kaya hindi na kami nakapag-usap pa ni Sir Rex. Nang nasa mansion na kami ng mga Agosti ay saka lang ako tinawagan ni Sir Rex, para bilinan na huwag akong magkukwento kahit kanino sa nangyaring pagbabalik ng alaala ko. That I should trust only him at wala ng iba pa.
Ang bilin ay sinunod ko naman. Hindi ko alam kung bakit pero may kung ano kay Sir Rex na kailangan kong sundin. Nararamdaman kong siya lang ang dapat kong pagtiwalaan sa ngayon.
At ngayon ay nasa mansion ni Sir Rex na kami ulit ni Baby Reign. Wala na naman kasi sa Italia si Madam Julianna. Bumyahe kagaya ng dati.
Inikot ko ang tingin sa loob ng study ni Sir Rex at huminto ang tingin ko sa painting ni Mirabella. Naisip ko si Sir Rex na hindi pa rin nawawala ang pag-ibig kay Mirabella. Naisip ko na somehow ay pareho lang kami ni Sir Rex... nagmamahal sa taong hindi pwedeng mahalin.
I pursed my lips and heaved another sigh. Inalis ko ang tingin sa painting ni Mirabella at tumingin sa garden sa labas na natatanaw mula sa bintana. Ang sabi ni Alessandro ay hintayin ko rito si Sir Rex at kakausapin ako. Again.
Habang nakatingin sa labas ay dumako sa kulay pulang kurtina ang mga mata ko. Dahil sa dark red na kulay ng kurtina ay muli kong naalala ang nangyari sa Illinois nang gabing 'yon. The last message... The order that I should eliminate Sid Andrade that night. Iyon ang utos at dapat kong ginawa.
But how could I? Even when I didn't realized who he was at first... when I pointed my gun at him... I can't do it properly. And then I learned it was him...
I tried my best to do my job. Akala ko wala na ang dapat kong maramdaman na pag-aalangan pero mas importante ang ipinangako ko sa sarili ko noon kaysa sa utos ng Incognito. Mas importante na protektahan ko pa rin siya kagaya noon.
Sa dami naman kasing lalaki kasi sa mundo na pwedeng maging asawa ni Libby Pratts ay bakit si Ice pa? Did Libby know about Ice? I mean ang pagiging mafioso ni Ice... alam kaya ni Libby 'yon?
![](https://img.wattpad.com/cover/327225834-288-k579065.jpg)
BINABASA MO ANG
ICE FERREIRA (Wild Men Series)
Romance-ONGOING- SPG | R18 | Matured Content Read at your own risk! "Kung gagawa ako ng anak na bago ay sisiguraduhin kong sisimulan ko ngayong gabi," I cut her words and stated. Natigilan siya roon. Nakikita ko ang pagkalito sa mga mata niya habang naka...