S1: 12

144 6 0
                                    

YUMI

Kanina pa ako napipikon sa pinagsasabi ng lalaking ito. Ang akala ko pa naman ay ang tungkol sa amin ang sinasabi niya pero tungkol pala sa pamimintang niya sa akin sa pagkamatay ng pamilya niya. At ang galing na ibintang pa sa akin ang pakikipagsabwatan sa mga Italiano na iyon. Siraulo! 

I sighed. Ayoko man magpaliwanag ay mukhang kailangan ko nang gawin. And then I explained... pero nakakainis na sa haba ng sinabi ko ay biglang—

"Inaamin mo na ngayon na ikaw ang bumaril sa akin."

Damn... That's not a question. He said that with certainty. Parang siguradong-sigurado na ako nga ang gumawa ng pamamaril sa kaniya.

"Kung ako 'yon ay patay ka na!" galit kong sabi. Totoo naman. Kung ako iyon ay siguradong nauna pa siya sa pagsabog ng pamilya niya.

Masamang tingin ang ibinigay niya sa akin pero ano rin. Ginantihan ko lang din ng masamang tingin ang ibinibigay niya. Ano 'yon?! Siya lang pwede magbigay ng masamang tingin? Kagago! At nagpapaliwanag na nga ako tapos ayaw pa rin alisin ang duda niya sa akin. And what is his problem?! Sarili lang ang naiisip?!

I pursed my lips while staring at him. Kagaling naman talaga... Napailing na lang ako sa asar.

Naisip niya ba kung paano ko siya nadala sa Wisconsin mula Illinois? Alam niya ba kung anong mga hirap ang pinagdaanan ko para iligtas siya? Alam niya ba ang pag-aalalang inabot ko na baka mamatay ako noong gabing iyon na hindi pa siya nadadala sa ospital? May mga tama na ako noong gabi na 'yon, at hindi ko alam if may mga panibago pang grupo na ipinadala para sumunod sa amin pero inuna ko siya.

"I was late pulling the trigger," sabi ko na lang habang wala pa siyang masabi na naman na ikaiinis ko. "May bumaril na sa 'yo! And that made me know I am double-crossed. Hindi ko gusto ang utos na patayin ang mag-ina mo! I can't kill a pregnant woman..." I stopped speaking for I can't continue being emotional. "I can't kill a woman who has an unborn child dahil... dahil naiisip ko ang anak ko na pinagbuntis ko."

He was gaping at me. And now I realized I am starting to have no control over myself from being emotional. Sabi ko na nga at ang pagtira ko ng dalawang taon dito sa poder ni Sir Rex ay magiging dahilan para maging iyakin ako. At pucha naman... humihina ako.

Ayoko ng ganito. Mas gusto ko pang bumalik sa pagpatay ng target para mabuhay. Mas gusto ko na lang yata ang walang kasiguruhang buhay sa Incognito kaysa malaya nga ako pero nagiging ganito naman ako kahina lalo na... lalo na at bumalik pa ang Isidro na ito magpapansin sa buhay ko. He is making me weak and vulnerable again.

"Pinagbuntis mo?" tanong niya na parang lalong nagalit. Gago! Kung may dapat na magalit ay ako muna.

"Oo." Iyon at inamin ko na. Para tapos na. Ayoko na makipagkulitan.

I was expecting him to be surprised but it seems he is angrier knowing about me being pregnant then. "Nasaan sila?" he asked me and I was the one surprised by that.

Sila? It means he knows we have twins. The fuck! Does Sir Rex told him everything? Kaya ba nanggaling siya sa opisina ni Sir Rex kanina ay dahil... dahil sinabi sa kaniya ng boss ko ang tungkol sa mga anak namin. What is this? Pati ba si Sir Rex ay hindi ko na mapagkakatiwalaan? He should informed me first at hindi ang sabihin agad kay Ice ang tungkol sa mga anak ko. Akala ko ba ay nangako siyang kakampihan niya ako?

"How do you know na sila ang tamang pronoun?" tanong ko na lang. I hope hindi si Sir Rex ang nagsabi sa kaniya. I hope...

"We have twins, right?" paniguradong tanong niya pero wala siyang sinabi kung paano niyang nalaman. "Now where are they?" 

ICE FERREIRA (Wild Men Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon