S1: 11

177 15 0
                                    

YUMI

I was playing with Reign nang sunod-sunod ang sasakyan na dumating. Gulat akong natulala na nakatingin sa labas. Si Sir Rex! Salamat naman.

Mabilis akong tumayo at buhat si Reign na palabas sana para makita ko ang boss ko na kung maka-feeling excited naman ako ay parang asawa ko ang dumating. Lalapit na sana ako nang manlaki ang mga mata ko sa babaeng nasa likod ni Sir Rex, na hawak-hawak ng boss ko ang kamay, at sumusunod sa kaniya.

May... may diyosa!!! Ang ganda niya! Nakanganga akong nakatingin sa kaniya. Her soft white skin, her chestnut brown hair. And her eyes... her eyes na parang nangungusap.

Ay hindi, mukha pala siyang anghel...

Pero teka... ang sabi ay lalaki lang ang mga anghel kaya hindi pala siya anghel, diwata! Ay parang diyosa naman din ang mga diwata pala! Ah basta maganda siya. Sobrang ganda! Kaya naman pala... kaya naman pala hindi maka-move on si boss.

I looked at my boss and smile. Halatang masaya na siya at iba ang aurahan niya ngayon. At sino nga naman ang hindi magiging masaya na ang akala mong matagal nang patay ay buhay pala? I kept on thinking. Si Ice... Hindi naman yata siya masaya nang makita niya ako ulit sa park. Akala niya patay na rin ako pero bakit parang galit pa siya nang makita ako? Bakit hindi man lang siya nasorpresa at nang-aakusa pa ang mga tingin niya habang pinapaamin ako na si Hope? Bakit— 

Bakit may malikot akong karga?  Then I blinked as my eyes set on Reign.

"Daddy..." sabi ni Reign sabay turo sa ama. "I want to hug daddy, nana." Dahil sa dami kong iniisip na kung ano-ano ay nawala na sa isip ko si Reign.

"Yes, we'll go there when they were done talking..." sabi ko sa bata na biglang sinumpong na naman ng kamalditahan at umiyak na lang bigla at tinawag na ang daddy niya. "Okay, okay, okay... lalapit na tayo," pag-aalo ko rito.

Kakasabi ko lang na lalapit kami nang si Sir Rex na ang lumapit sa amin. He took Reign from me. Wala na akong nasabi at nakatingin na lang sa boss ko na nilapitan si Mira. Ngumiti naman si Mira kay Reign. Ngiting totoo. Masaya siyang makita si Reign. Totoo nga, maganda si Mira at mukhang napakabait pa.

Tumalikod na ako nang tingin ko ay hindi na ako kailangan. Malungkot akong ngumiti habang lumalakad papunta sa kusina at doon na muna ako. Malungkot dahil kahit natutuwa man ako para kay Sir Rex ay hindi ko maiwasan na... I sighed. Hindi ko maiwasan na hindi makaramdam ng kakatwang inggit na nagbibigay sa akin ng lungkot. Ayaw kong mainggit at masama iyon pero basta makakita ako ng pamilya na masaya ay naiisip ko ang buhay ko mula pa noong araw. Buhay ko na nagiging buhay na rin ng mga anak ko ngayon dahil sa gawa ni Helio.

Magkasama kaya silang magkapatid? O baka naman pinaghiwalay sila ni Helio at baka balang araw ay plano niya gawing magkalaban para magpatayan? 

Si Ice. Kakausapin ko na siya basta magbigay ng go signal sa akin si Sir Rex. Ipapaalam ko sa kaniya ang tungkol sa mga anak namin. Magagalit siya alam ko pero importante ay malaki ang maitutulong niya.

Nilapitan ko ang mga kusinero nang nasa kusina na ako. Tumulong ako sa paghahanda ng mga ingredients ng iluluto nila para mamaya sa marangyang hapunan para sa pagbabalik ng tunay na minamahal ni Sir Rex. Naisip ko na naman si Ice. Nasaan kaya 'yon at kanina ko pa hindi nakikita? Thinking of Ice again made my forehead frown. Saan kaya pumupunta iyon lagi? Napapansin ko kasi na umaalis lagi ang lalaking iyon. 

'Baka may babaeng pinupuntahan. Huwag kang ano!' Kontra ko sa kung anong pagdududa ko at saway na rin sa sarili dahil bigla akong nakaramdam ng lungkot. Madali talaga kay Ice ang maghanap ng kapalit kaya nga nalimutan din ako agad noon. 

ICE FERREIRA (Wild Men Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon