S1: 15

122 13 0
                                    

YUMI

Isang linggong mahigit na mula nang iwan ako ni Isidro nang walang paalam. Ang walanghiya at hindi na talaga nagparamdam. Huwag lang talaga ako matamaan na naman ng kamandag ng lalaki na 'yon at baka nakabuo na naman kami ng bata.

Ayoko! Huwag naman! Hindi ko pa nga nahahanap ang kambal namin kaya ayokong magkaroon na naman ng panibagong alalahanin.

'O, Diyos kong mahabagin. Patawarin mo ako sa aking kapusukan. Hindi ko na talaga uulitin ang bumukaka para sa lalaking 'yon. Promise! Walanghiya po si Isidro! Guwapo siya, masarap at matigas pero... pero walanghiya talaga siya! Gano'n na lang ba 'yon. Pagkatapos niya magpasarap ay iiwan na lang niya ako ng walang paalam?!'

Itinigil ko ang kalokohang panalangin ko. Huminga na lang ako ng malalim para mawala ang inis ko kay Ice. May kailangan akong gawin na trabaho ngayong gabi at kailangan kalmado ako. Muli kong tiningnan ang ayos ko sa salamin. 

Langya! Ang seksi ko naman masyado! 

Tingnan ko lang kung hindi ko maakit ang abogadong iyon. Sa suot kong gown na ang disenyo ay may pa-see through ang ibang parte ng tela ay ewan na lang kung hindi lumuwa ang mata ni Isidro kapag nakita a—Teka! Bakit ba si Isidro ang nasa isip ko? Si Elliot Hart ang target ko at hindi si Isidro!

Hayup ka, Isidro! Panggulo ka sa utak ko! Huwag na huwag ka talagang magpapakita pa sa aking demonyo ka! Pagkatapos mo akong—Ayoko na nga! Tama na at baka kung saan naman mapunta ang utak ko.

Ilang minuto pa akong nakipagtalo sa sarili bago ako lumabas ng kuwarto kagaya ng usapan namin ni Sir Rex. Alam kong nag-umpisa na ang engagement party nina Sir Rex at Miss Mira. Sarado alas-otso na at kailangan ko nang bumaba.

Kaninang umaga ay kinausap pa ako ni Sir Rex at ipinaalala ang dapat kong gawin kapag nasa party na si Elliot Hart. Balewala naman ang pinapagawa niya. Napakadali ng bagay na iyon. Napakadali lang naman pero habang bumababa ako sa hagdan ay... bakit bigla akong kinakabahan? Anong dahilan? Mukhang kinakalawang na yata ako.

Ito na ang nagawa sa akin ng pagiging yaya ng dalawang taon... simula nang tumira kasi ako rito sa mansion ni Sir Rex ay unti-unti naging tao ako dahil kina Izzy at Miss Greta. Naging tao ako na nakakaramdam ng takot. Dati kasi sugod lang ako ng sugod. Kalkulado ko pa ang bawat galaw ko. Sigurado sa bawat kilos.

Ang sabi ni Sir Rex ay hindi pwedeng malaman ni Hart na nakatira ako rito sa mansion. Iyon ay para may paraan akong makalapit kay Hart na hindi iyon magdududa. Maayos ang bilin at kahit ang mga henchman niya ay nasabihan na magkunwaring hindi ako kilala. Na kunwari ay naimbitahan lang ako sa party na nagaganap bilang kaibigan ni Izzy.

Pasimple na akong pumunta sa may garden. Sa part na may labyrinth design ay doon ako nagpasimpleng tumambay para makapagtago na hindi nahahalata.

"Are you there, Yumi?"

"Yes," I answered Sir Rex using the air pods. I am connected to him mula pa kaninang lumabas ako ng kuwarto ko.

"Elliot Hart messaged me, parating na siya."

"That's good to know," sabi ko na lang sabay tingin na naman sa mukha ni Elliot Hart na nasa phone ko.

Ilang sandali pa nga at dumating na ang hinihintay na bisita. May isang kotse pang sumusunod sa kaniya. 

Another Mafia boss. Indeed.

Pasimple ko siyang sinundan, hindi ako pwedeng mahalata na siya ang pakay ko. I saw him talking to Rex at sa ilang minuto kong pagsunod-sunod ay wala naman akong nakikitang kakaiba sa mga kinikilos niya. Ni hindi siya umaalis sa isang area, si Rex lang talaga ang pakay niya.

ICE FERREIRA (Wild Men Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon