Aklan
Paggising ko parang may nakadagan sa bungo ko sa sobrang sakit. Ginala ko ang tingin ko sa paligid para malaman kung nasaan ako. Pamilyar ang kulay ng pader at mga nakadikit na football posters. May malaking closet, at dresser. Sasabihin ko sana na nasa condo ako sa mismong kwarto ko pero hindi.
"Shit," bulong ko nang tumapat ang tingin ko sa gilid ko.
Bakit may babaeng nakahubad sa tabi ko? Natatakpan ng buhok ang mukha niya pero kitang-kita ko ang hinaharap niya dahil hindi 'yon sakop ng kumot. Ang laki. Kita ko rin ang mga mapupulang kagat doon. Meron din sa leeg niya. Anong nangyare kagabi? Tangina, wala akong maalala.
Hindi ko alam kung paano kami napunta sa ganito at alam kong hindi tama pero parang gusto kong hawakan ang dalawang bilog sa harapan ko.
Doon ko lang din napansin na pati ako ay hubo't hubad.
Dahan-dahan akong bumangon at umalis sa kama. Buti ay hindi nagising 'yong babae. Napangiwi ako dahil nakakalat sa sahig ang mga damit namin. Pusang-gala, pati pinagbalatan ng condoms.
Uminom ba ako kagabi? Bakit wala akong maalala? Hindi ako umiinom ah. Sumasakit tiyan ko kapag nakakainom. Depende nalang kung nasobrahan talaga at hindi ko na maramdaman kagabi.
Hinanap ko ang cellphone ko sa sahig habang isa-isang sinusuot 'yong mga damit ko.
"Nasa cr 'yong phone mo."
Humarap ako sa pinanggalingan ng boses na 'yon. Nahigit ko ang hininga ko nang makita ang mukha ng babaeng kanina lang ay tulog. Hawak niya ang dulo ng kumot para takpan ang dibdib niyang kanina ay nakabandera lang.
Tangina. Talo pa niya si Alice sa ganda. Bilog na mukha, hindi gano'n kakapal na kilay, maliit pero matangos na ilong, at kulay pink na labi. Mahaba at magulo ang kaniyang buhok na malalaman mo agad na galing lang namin sa mabangis na pagtatalik kagabi.
Seryoso ang paraan ng tingin niya sa akin habang ako ay parang tanga na nakatitig sa kaniya.
"Hi," bati ko at binigyan siya ng awkward na ngiti. Hindi ko alam ang gagawin ko. Wala pa akong saplot sa pantaas at hindi ko pa nasasarado 'yong zipper ng pantalon ko.
"Hi," tugon niya.
Gusto kong tanungin ang pangalan niya dahil hindi ako papayag na may nangyari sa amin kagabi tapos ganito kaganda ang kasama ko.
Bigla kaming napalingon sa pinto dahil may kumatok.
"Teka," saad ko at inayos ang zipper ko bago binuksan ang pinto. "Shit," bulong ko ulit nang bumungad ang naiinis na itsura ni Lexa.
"You were supposed to pick me up at the airport an hour ago," inis na sambit niya. Oo nga pala! Kasal ni Tita Aubry sa makalawa at uuwi si Lexa, ngayon ang balik niya.
Nang mapansin niya ang itsura ko ay mas lalong bumakas ang galit sa mukha niya at bigla-biglang pumasok. "What did you just —"
Hindi natuloy ang sasabihin niya dahil bumababa ang mata niya at nakita ang nagkalat na damit sa sahig, condoms, at idagdag mo pa ang magandang babae na nasa kalagitnaan sa pagsusuot ng bra.
"Nat?" saad ni Lexa. Nawala ang inis sa boses niya at agad na napalitan ng gulat.
Nat? Magkakilala sila?
"Oh, Lexa, nakabalik kana pala," sambit ni Nat. Akala mo tropa lang sila, at normal lang lahat nang nangyayari. Patuloy siya sa pagpulot ng damit niya at sinuot 'yon. "Paabot."
Hindi ko alam na ako pala ang kausap niya nang magkatinginan kami at tinuro niya gamit ang daliri niya 'yong thong na nasa gilid ng paa ko. Pinulot ko 'yon at inabot sa kaniya.
BINABASA MO ANG
OFFLINE (Suspire Series #4)
RomanceEven after a year has passed, Nathalie is still haunted by the memories of the night her best friend died. Consumed by grief and guilt, she tries to continue her life as usual. One night, after her 12-hour shift as a nurse, she goes to a club and me...