Nathalie
Pagdating namin sa Crestwood resort ay may sumalubong agad sa amin na mga staff para bitbitin ang mga gamit namin para dalhin sa cottage kung saan kami matutulog ng dalawang araw.
Nang matanaw ko ang malawak na karagatan ay na-realized ko na nakaka-miss sa probinsya. Madalas kami maligo sa mga public resort doon, bukod sa malapit ay dahil libre lang. Nakaka-miss na rin sina Tito at Tita, at 'yong mga pamangkin ko.
Hawak-kamay kami ni Aklan patungo sa isang malaking bahay na gawa sa kahoy. Malayo palang ay tanaw ko na ang mga tao sa loob na nag-aayos ng mga pagkain sa isang mahabang lamesa.
"He's here!"
Hindi ko kilala kung sino 'yong sumigaw pero dahil sa lakas nito ay sabay-sabay na napalingon sa direksyon namin ang mga tao sa loob. Malaki kasi ang bintana kaya kitang-kita kami at ang kulay asul na dagat sa likod ko.
Mabuti nalang ay mabilis kong hinugot ang kamay ko kay Aklan at lumayo ng kaunti dahil bigla-biglang tumakbo ang dalawang babae patungo sa pwesto namin para bigyan si Aklan ng yakap na halos matumba na sila sa higpit at galak.
"I miss you, baby bro!"
"Laki mo na!"
Natutuwang sambit ng dalawa. Ito siguro ang mga kapatid niya. The taller, more mature-looking, and most beautiful one must be Xandra, the eldest. The other beautiful girl with a less mature but more of a baby face is Kit, the second child.
Nasaan 'yong pangatlo?
"Kakaina na. Mamaya na 'yan," says a girl, almost taller than me, with an angelic face but a bit of seriousness.
Lumayo 'yong dalawa kay Aklan para ito naman ang yumakap sa kaniya. This time mas kalmado.
"Congratulations on your Hooding Ceremony again bro," bulong niya. She's Lany, the 3rd child.
Lahat ng kapatid niya ay ang gaganda. Base sa mga height nila ay mukhang lahi talaga nila ang matatangkad. Though Aklan was still the tallest, I'm suddenly glad I'm above average height, so I don't feel so small around them.
Alam kong hindi na rin maiiwasan nang mapansin ako ni Xandra. Binigyan niya ako ng malaking ngiti.
"Hi! Ikaw si Nathalie? Girlfriend ni Aklan?"
Kumurap ako at napalingon kay Aklan. Binigyan ko siya ng tingin. Ngunit mukhang pati siya ay nagulat.
"Hindi pa." Aklan tried to correct her sister.
"Come on," Kit teases. "Lexa told us everything! She's basically your girlfriend! Right, Nat?"
"Uhm..."
"Stop it you two. You're making Nat uncomfortable," saway ni Lany. Parang mas matanda siya kung makautos sa mga ate niya. "Let's go eat. Everyone's waiting."
Hindi nakatakas ang mapang-asar na ngiti ni Xandra at Kit, habang napapailing nalang si Lany sa dalawa. Si Aklan ay biglang kabado sa tabi ko.
"I'm sorry sa sinabi nila. Ang kukulit," hingi niya ng paumanhin kaya natawa ako. He already warned me how crazy his family is, but I think that's normal. It's their way of showing how much they love and care for each other.
Tinapik ko siya sa balikat. "It's fine. Doon din naman tayo tutungo," saad ko. "Basta ayusin mo," biro ko.
He gave me a grin before he grasped my hand again and kissed the back of my palm. We hold hands as we enter the big house.
Naghihintay ang parents ni Aklan sa entrance ng bahay. Niyakap niya ang magulang niya na hindi mo aakalain na may apat silang anak dahil ang bata nila tingnan. He introduced me to them, and surprisingly, we got along well.
BINABASA MO ANG
OFFLINE (Suspire Series #4)
Roman d'amourEven after a year has passed, Nathalie is still haunted by the memories of the night her best friend died. Consumed by grief and guilt, she tries to continue her life as usual. One night, after her 12-hour shift as a nurse, she goes to a club and me...