Nathalie
Wala kaming usapan ni Aklan kung anong isusuot namin. Akala mo a-attend kami ng kasal sa munisipyo dahil pareho kaming nakaputi ang suot. Hindi nakatakas sa akin ang pagdaan ng mata niya sa katawan ko.
Napansin ko na madalas na ganoon ang reaction niya na parang hindi siya makapaniwala sa nakikita niya. I saw the appreciation in his eyes. Dahilan kung bakit nag-iinit ang pisngi ko.
Nang mahuli niya ang mata ko ay mabilis akong umiwas ng tingin.
"Kulang nalang singsing," biro niya, habang may ngiti sa labi.
Palabas na kami ng Crestwood nang makasalubong namin si Magda at Alice. Parehong naka-bikini ang dalawa at may hawak na cocktail drink sa kamay.
"You're going on a date, right?" nagtatakang tanong ni Alice.
"Oo," tugon ko.
"Bakit parang ikakasal kayo," Magda teased. "Wait!" sabi niya at bigla-bigla nalang pumitas ng bulaklak sa malaking base sa gilid ng reception counter. Bago binigay sa akin nang may ngiti sa labi.
"Mga sira," naiiling na sabi ni Aklan bago ako hinila palayo doon sa dalawa. "Puntahan ni'yo si Lexa, baka tulog pa 'yon," bilin niya.
Sumakay kami sa sasakyan ni Aklan. Pagkatapos ng 40 minutes ay nakarating na kami sa pupuntahan namin.
"Bukas pa ba?" I asked, as I stared at the entrance of the place. May matayog na gate, at guard na nagbabantay. Sabi ni Aklan ay madami daw pumupunta dito ah, pero bakit walang tao.
"Hanggang alas sais lang 'to," Aklan said.
"What? Bakit di mo sinabi kanina?"
I felt guilty for not waking up sooner. However, in my defense, I really enjoyed sleeping beside him. The warmth of his body against mine. The cozy arms wrapped around me like a blanket. Wala na talaga akong planong bumangon kanina at manatili nalang kaming nakahiga sa kama kung hindi niya lang ako kiniliti.
Maya-maya ay tumawa siya. "Ako bahala. May source ako." Tumapat kami sa station nung guard. Binuksan ni Aklan ang bintana ng kotse niya at nang makita siya nung guard ay binati niya kami. Bumukas ang gate kaya pinasok ni Aklan ang kotse niya. Kilala siya? Gano'n lang kadali?
"Who is your source?" tanong ko.
"Iyong may-ari."
Nagulat ako. "You knew the owner?"
"Parang gano'n na nga."
I looked at him with suspicion, but he just winked at me. We got out of the car after he parked. We hold hands as we enter the massive hall. There are still employees here to greet us.
Hindi na kami nagpasama sa isa sa kanila dahil alam na daw ni Aklan kung saan.
Maliwanag ang hallway na nilalakaran namin. May mga litrato sa pader, at nakalagay din roon ang captions ng bawat litrato. Minsan ay napapahinto ako kapag nagandahan ako sa nakikita ko.
Lahat naman maganda pero minsan may isa pa ring aagaw ng atensyon mo. And mine was a photo of a firefly flying up through the dark sky.
"Gusto mo?"
I was pulled out of my thoughts. I didn't notice I stared at the photo too long.
May pag-aalala sa mata niya habang nakatitig sa akin.
"Maganda," I told him. "It reminds me of Lulliane. How fireflies gave her hope that night."
There's a moment of surprise on his face. Kahit ako hindi inaasahan ang lumabas sa bibig ko. Lately, I've been bringing up Lulliane and what happened to us that night into our conversation without realizing it. Before I think about what I'm saying, it's too late to take it back. But I didn't regret it. I trust him fully.
BINABASA MO ANG
OFFLINE (Suspire Series #4)
RomanceEven after a year has passed, Nathalie is still haunted by the memories of the night her best friend died. Consumed by grief and guilt, she tries to continue her life as usual. One night, after her 12-hour shift as a nurse, she goes to a club and me...