EPILOGUE

9 0 0
                                    


Aklan


From: Bebe Nat

I'm done with my shift. I'm going home now.


"Pauwi na siya. Pakibilis!" anunsyo ko. Tinawanan ko ang kaniya-kaniyang reklamo ng mga kaibigan ko.

Ako at si Alice ang nagluto ng kakainin namin ni Nat habang si Magda at Lexa ang nag-aayos ng mga kandila at disenyo ng condo. Si Tank ang inutusan kong bumili ng bulaklak pero hanggang ngayon wala pa rin. Nasaan na 'yon?

Pagbukas ng pinto ay akala namin si Tank, ngunit nagulat kami nang makitang si Claude pala 'to.

"I saw Tank at the flower shop, and he told me to give this to you."

"Salamat bro," saad ko. "Bakit hindi si Tank ang nagdala? Pinagkakaguluhan ba siya doon?" hula ko. 

Natatawang tumango si Claude. "I was wearing disguises, and he wasn't." Sabi na eh.

"Claude! Kung di ka busy patulong kami," biglang aya ni Magda. Akala mo tropa niya kausap niya ah. Sabagay, nasa iisang banda si Tank at Claude, madalas niyang makita 'to.

"Sure," masayang pagpayag ni Claude.

Nilabas ko ang phone ko nang mag-message ulit si Nat.


From: Bebe Nat

Elevator


"Nandiyan na siya, magsilayas na kayo!" pagtataboy ko sa kanila. "Thank you! Babawi ako kapag may mga jowa na kayo!" sigaw ko nang makalabas na sila. Syempre, hindi magpapahuli ang middle finger ni Lexa bago tuluyang masarado ang pinto.

Hawak ko ang bulaklak nang pumasok si Nat. Hindi ko siya gaano nakikita dahil dim light para magbigay ng romantikong atmospera pero kahit na gano'n ay alam ko nang may kunot sa noo niya.

"Surprise!" bati ko. Natawa ako dahil sa gulat na ekspresyon sa mukha niya. Inabot ko sa kaniya 'yong paborito niyang bulaklak bago siya binigyan ng halik sa noo.

"Did you prepare this? Wait? I thought I saw Magda and Alice. Galing ba sila dito?"

"Oo. Tinulungan nila akong isetup lahat ng 'to."

May tuwa at pagkamangha sa mukha niya. Nang tingnan niya ang buong condo ay puno ng rose petals sa sahig dahil nag-away pa si Magda at Lexa kung gaano kadami ang dapat na gagamitin. Sa paligid ay may mga kandila at heart shaped balloons.

Malawak ang sala kaya hindi na kailangang i-adjust 'yong mga gamit. May pabilog na table sa gitna kung saan may dalawang upuan.

"Pamilyar to ah," saad ni Nat. Tiningnan niya ako nang may pagtataka. Nakita ko ang pagkinang sa mata niya dahil sa realisasyon. "You recreate the date I did before you broke up with me."

Tumango ako. "Nasaktan kita noon at naisip ko na hindi pa pala ako nakakapag-sorry ng maayos."

"You want to replace that bad memory with good ones," saad niya. Niyakap niya ako bago kami umupo sa magkabilang upuan. "Even the food is the same."

"Inubos ko lahat 'yong niluto mo noon," saad ko kaya napatitig siya sa akin. "Bakit?"

Puno ng emosyon ang paraan ng pagtingin ni Nat sa akin. At sana ay gano'n din ang nakikita niya sa mga mata ko. Araw-araw ay pinapanalangin ko na sana ganito pa rin niya ako tingnan hanggang sa tumanda kami.

"I love you so much," sambit ni Nat.

Tumayo ako at mabilis siyang siniil sa labi. Tinitigan ko siya sa mga mata. "Mahal na mahal kita."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 11 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

OFFLINE (Suspire Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon