Kabanata 19

7 0 0
                                    


Aklan

Gumaan ang loob ko simula nang bumalik si Nat sa akin. Nung sinabing niyang naalala na niya lahat, gusto ko siyang halikan sa sobrang tuwa pero pinigilan ko ang sarili ko. Sa oras na ginawa ko 'yon may paraan na malaman ni Francine. At sigurado akong hindi na niya papalampasin ang pagkakataon na saktan ulit si Nat, o mas lala pa doon.

Ngunit noong tinanong niya ako kung mahal ko siya, hindi ko na kayang magsinungaling.

Umusbong ang pagiging makasarili ko at hindi ko rin napigilan na aminin sa kaniya ang totoo. Na kaya ko ginawa 'yon kasi mahal ko siya, kasi ayaw kong mapahamak siya ulit.

Sa huli ay sumuko din ako at hindi mapigilan ang nararamdaman ko. Naglaho lahat ng bigat at kalungkutan sa dibdib ko nang paggising ko kaninang umaga at naabutan siyang nagluluto sa kusina ng apartment.

"Babalik kana sa trabaho?" tanong ko dahil pansin ko ang scrub na suot niya. Tinugunan niya ako ng tango at ngiti.

Inabutan niya ako ng kape at pinaupo sa harap ng lamesa bago nilapag ang kakainin namin. Alam kong hindi matagal ang halos isang Linggo na hindi kami nagkasama sa iisang bubong pero tangina na-miss ko 'to. 'Yong ngiti niya, kung paano niya ako pagsilbihan, 'yong presensya niya, at ideyang kami na ulit.

"What? Bakit ganiyan ka makatingin?" nagtatakang tanong niya nang makaupo siya sa tabi ko.

"Thank you kasi hindi ka sumuko para sa ating dalawa," saad ko. May pagkakataon na siyang layasan ako noong gabing 'yon. Pero hindi niya ginawa. Bagkus, pinamukha niya sa akin na kahit anong gawin kong pag-iwas sa kaniya ay mananaig pa rin ang kagustuhan kong bumalik siya sa mga bisig ko dahil ganoon ko siya kamahal.

Umaga daw ang shift niya kaya makakauwi siya ng gabi. Nakasunod pa rin ang guard niya sa kaniya dahil hindi pa rin ako kampante na ligtas siya hangga't di pa nahahanap si Francine. Sa nagdaang araw ay tahimik naman ang buhay namin ni Nat. Walang Francine na nagbabanta. Pero kailangan pa rin naming mag-ingat.

Habang nasa trabaho si Nat ay pumunta ako sa CFU dahil may orientation kaming mga professor bago magsimula ang pasukan. Dalawang oras ang naubos bago matapos kaya umalis na ako agad para pumunta sa condo ko.

Dahil sa apartment muna kami ni Nathalie nakatira kukuha ako ng ibang gamit na kailangan ko sa condo. Nakasalubong ko pa si Alice sa elevator. Hindi na ito ang unang beses. 

"Where are you going?" tanong ni Alice.

"Kukuha ng gamit," simpleng tugon ko.

Base sa magulo niyang buhok at pagod na istura, mukhang kagagaling lang niya sa trabaho. 

"Can you pick, Magda?"

"Sige. Text mo nalang address," sambit ko bago lumabas sa elevator. 

Kinuha ko ang mga kailangan ko sa condo bago bumalik sa kotse para sunduin si Magda sa location na sinend ni Alice. Magtatanghalian na nang mahatid ko si Magda sa condo niya.

Pauwi na ako ng bigla akong nakatanggap ng tawag. Bumilis ang tibok ng puso ko nang hindi registered ang number ng caller. Pinatay ko ang tawag ngunit matigas pa rin ang ulo niya kaya sinagot ko na.

"Hello? Aklan, Aklan is me. Help me. Help me. Someone's hunting me. I can't use my phone. He can track me. Meet me tomorrow at 2 p.m. at Harbor.  I'll be waiting at the back. Please, don't tell the police. I love you."

Pinatay niya agad ang tawag.

Inaasahan ko na babantaan na naman niya ang buhay ni Nathalie. Hindi ko lubos inisip na hihingi siya ng tulong sa akin. Imbes na umuwi ay dumiretso ako sa firm ni Levi para sabihin ang nangyari.

OFFLINE (Suspire Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon