Nathalie
Today is Lulliane's third anniversary. She died last year, and if it wasn't for her, I would not be here.
Buong pamilya niya ay nandito ngayon sa harap ng puntod niya. Sina Tito at Tita, dalawang nakababatang kapatid, mga kamag-anak. Tapos kami ni Solana.
Dale wasn't here. Iyong boyfriend niya. The only guy she falls in love with. Bigla nalang itong hindi nagpakita pagkatapos malaman ng lahat na ako lang ang naka-survive sa operasyon.
Nakahawak kami lahat ng bulaklak para isa-isang ipatong sa mismong lapida ni Lulliane.
I was there when they took one of my best friend.
Nang malagay namin ang bulaklak ay may kainan pang magaganap sa bahay ng mga Calvache pero hindi ako pupunta katulad ng dati.
"They don't blame you, Nat," muling sambit ni Sol.
Hindi ko mabilang kung ilang beses na niyang sinasabi 'yan sa akin. I must have heard it a hundred times, but the more she told me it wasn't my fault, the more I thought it was.
It might not have been entirely my fault because I wasn't the one who pulled the gun, but I sure blame myself for doing nothing to prevent her from dying. I'm a nurse, for fuck sake. I just watched there as her soul flew out of her body.
"Are you not joining us again, hija?"
Lumapit si Tita Marianne sa pwesto namin. She's known as Prosecutor Calvache. She is the best prosecutor in the Philippines and, honestly, the best mother in the world. She always made time for her family, despite her busy job.
Simula noong maging kaibigan namin si Lulliane noong first year college, inasikaso niya kami na parang anak na niya.
And now she has lost her daughter forever.
"Opo, Tita. Kailangan ko pang mag-prepare para sa orientation ko bukas," dahilan ko.
Ayaw kong magsinungaling pero hindi ko talaga kayang humarap sa pamilya ni Lulliane hanggang't hindi ko naayos ang sarili ko. Iyong dapat na siya ang kasalo nilang kumain, pero ako.
"I'll go ahead," paalam ko sa kanila bago naglakad paalis.
I bit my lip to hold the tears clawing out of my eyes. Ramdam ko ang mabibigat na paghinga ko.
I need to fucking breath.
Pumara ako ng taxi para umuwi sa apartment ko. Pagdating ko sa kwarto ay nagbihis ako agad at natulog. Paggising ko ay gabi na pala.
I check my phone to see if anyone texted or called me about work, pero mukhang wala naman. Usually kasi short staff kami at minsan kahit off ko ay tinatawagan pa rin nila ako.
Nagsuot ako ng leggings at t-shirt. I will go for a run.
Takbo lang ako ng takbo at hindi ko namamalayan na ang layo ko na pala. Kapag madaming ilaw sa paligid at naglalakihang building ay alam ko nang nasa gitna ako ng syudad.
Hindi ko pa naman dala 'yong wallet or phone ko para mag-taxi pauwi. It's too dark and far if I walk. But I guess I have no choice. Or...I can just go to the Field Hospital to borrow some money. Malapit lang 'yon dito.
Kilala ako ng guard kaya pinapasok niya agad ako. Dumiretso ako sa Medical Ward at naghanap ng kakilala kong pwedeng utangan.
"Uy, Nat! Bakit ka nandito, diba off mo?" gulat na tanong ni Russel. Siya pala ang may duty ngayon. Pamangkin siya ng director ng hospital. "Naks nag-jogging," dugtong pa niya dahil sa suot ko.
BINABASA MO ANG
OFFLINE (Suspire Series #4)
RomanceEven after a year has passed, Nathalie is still haunted by the memories of the night her best friend died. Consumed by grief and guilt, she tries to continue her life as usual. One night, after her 12-hour shift as a nurse, she goes to a club and me...