Aklan
Nandito ako sa sementeryo para sunduin si Nat. Kasama niya si Sol para bisitahin si Lulliane. Paglabas ko ng kotse ay nakatanggap ako ng DM galing kay Magda.
Magda_Cillio: Can I crush at your place just for the Christmas?
@Aklan: Sige. May problema ba?
Magda_Cillio: Don't worry, I can take care of it. Enjoy your Christmas with Nat.
Magda_Cillio: I will just get the keys from Lexa.
Hindi ko mapigilang hindi mag-alala kay Magda kaya sinabihan ko si Alice na tingnan ang kalagayan nito dahil minsan ay kapag may problema siya ay hindi siya nagsasabi at sinasarili lang ang lahat.
Kinawayan ako ni Sol nang makita niya akong papalapit sa direksyon nila.
"Lulliane, si Aklan oh, jowa ni Nat," pakilala ni Sol.
"Hi, Lulliane," bati ko habang nakatingin sa puntod. Hinawakan ko sa baywang si Nat bago hinalikan sa noo. "Wag kang mag-alala. Mamahalin at aalagaan ko si Nathalie," pangako ko.
Pagbalik namin sa mga sasakyan ay nagpaalam na kami kay Sol.
"Merry Christmas!" bati ni Sol sa akin habang nakangiti at kumakaway.
"Merry Christmas!" bati ko pabalik.
Hinintay namin siyang makasakay sa kotse niya at makaalis.
Ito ang unang beses na dadalhin ko si Nathalie sa bahay kung saan ako lumaki. Kahit hindi ako sinabihan ng pamilya ko ay plano ko na talagang dalhin siya dito.
Tulog siya buong byahe kaya hindi ko na siya ginulo. Kagagaling lang niya kanina sa trabaho. Tapos rest day na niya mamaya. Buti nga at sumakto sa pasko para magkasama kami.
Binati ako nung guard pagbukas ng gate. Nang ma-park ko sa garahe 'yong sasakyan ay ginising ko na si Nat.
Tumingin siya sa paligid bago tinanggal ang seatbelt niya. Bitbit ko ang duffle bag na dala niya at imbes na sa likod ng bahay kami pumasok ay sa harap mismo.
Tahimik si Nat habang nakatingin sa front yard ng bahay namin. Gusto kong malaman kung anong iniisip niya habang tinitigan ang kabuuan ng bahay.
"Dito ka lumaki?" tanong niya. "Ang ganda," saad niya.
Hinawakan ko ang kamay niya papasok sa loob ng bahay. Sinalubong kami ni Mama at ate Xandra. Iyong dalawang kapatid ko at si Papa ay nasa trabaho pa.
"Kumain na kayo?" tanong ni Mama.
"Opo," tugon ni Nat.
"Papahinga na muna si Nat, Ma," paalam ko.
"Doon sa taas. Nakaayos na 'yong kwarto niya," saad ni Ate Xandra.
Kumunot ang noo ko. "Sa kwarto ko siya matutulog," punto ko. Ang sinabi kong linisin ay 'yong kwarto ko ah.
Nagkatinginan si Mama at Ate, tapos sabay na ngumisi. Doon ko lang napagtantung sinasadya nila iyon para marinig ang pagaangkin sa boses ko.
"Okay lang, Aklan," bulong ni Nat.
"Biro lang 'yon!" bawi ni Ate Xandra na may mapang-asar na ngiti sa labi. "Sige na. Akyat na kayo sa taas. Sa kwarto ka ni Aklan matutulog."
Hinila ko si Nathalie dahil baka kung ano pang sabihin ni Ate. Hilig talaga nila akong asarin. Parang mga bata.
"Hindi ba sila magagalit?" tanong ni Nat. "Baka old school pala kayo. Bawal matulog sa parehong kama pag hindi kasal."
BINABASA MO ANG
OFFLINE (Suspire Series #4)
RomanceEven after a year has passed, Nathalie is still haunted by the memories of the night her best friend died. Consumed by grief and guilt, she tries to continue her life as usual. One night, after her 12-hour shift as a nurse, she goes to a club and me...