Kabanata 7

6 0 0
                                    


Nathalie

Kakarating ko lang at hindi pa nagsisimula ang shift ko nang may tinakbo na agad sa ER na lalaking puno ng pasa at sugat sa mukha. Umalingasaw din ang amoy alak na nanggagaling sa kaniya.

"Anong nangyari?" tanong ko doon sa babaeng kasama nito.

She looks worried and nervous. "Nakita ko na lang siya sa gilid ng kalsada," sabi nung babae.

"Sir, naririnig ni'yo ba ako?" I said, but the guy just grunted in pain. "Ano pong pangalan ni'yo sir?" I checked his pants and was glad to see a wallet there.

He's Dalbreck Costa. Also known as Dale. The only son and heir of the Costa Empire! At boyfriend ni Lulliane.

Dahil sa dugong nagmumula sa ulo ni Dale at namamaga rin ang mukha niya, ay halos hindi ko na siya makilala.

"What do we have here?" tanong ni Doc. Noah na mukhang kakarating lang din.

"Dalbreck Costa, Doc." Pagkabanggit ko ng pangalan ay agad na kumunot ang noo niya at mabilis na in-examine ang natamong sugat nito.

Inutusan niya akong kunin ang mga kakailanganin namin for suturing; wound sanitation, anesthesia, at bandages. Nagdala rin ako ng towel para punasan ang dugo sa mukha ni Dale.

Hindi ako makapaniwalang nandito ssiya. Anong nangyari sa kaniya? Paggising ko noon galing sa surgery ay nabanggit ni Solana na wala daw si Dale. She said that when he found out that Lulliane didn't make it, he just vanished.

As much as I wanted to ask what happened to him, I have other things to do. I let Doc. Noah does the sutures while I help other ER patients. Muntik pang may mag-code buti nalang mabilis naming naagapan.

It was another hectic day.

Nang mag-out ako ay nalipat na si Dale sa VIP ward. Iyong babaeng nagdala sa kaniya dito sa ospital ay umalis na.

Dale was asleep. The blood on his face was gone, but the bruises and swelling were still there. Wala akong kilala na kamag-anak niya. He has no phone and only has his wallet.

I texted Solana earlier, but it looks like she was still asleep.

"I called his parents," sambit ni Doc. Noah sa tabi ko. Hindi ko namalayan na nandito pala siya. Hindi na ako nagulat na may kakilala siya sa mga Costa. "Also, about your report, Russell will be transferring to a morning shift from now on."

"Thank you, Doc," pasalamat ko.

Kinausap ko si Doc. Noah tungkol kay Russel. Mabuti at maagang naresolba. Sa wakas mananahimik na ang buhay ko sa ward. Wala nang gugulo sa akin.

»»»

I went for a quick jog around the neighborhood. I made sure that I brought my phones and wallets. Kahit na naayos na 'yong streetlights sa kanto ay gusto ko pa ring makasigurado para hindi na ulit maulit ang nangyari sa akin noon.

Hindi gano'n kalayo ang tinakbo ko kaya mabilis din akong nakabalik sa apartment. I was getting ready for my shift when my phone suddenly vibrated.

Solana's calling.

"Bakit?" bungad ko bago masagot ang tawag.

"I just saw your text. How's Dale?"

"Pagkauwi ko kanina natutulog siya. His parents might be with him right now. Doc. Noah called them."

"Okay. I'll go check on him later. Nasa parking na ako ng FH. Your shift will start soon, bilisan mo rin d'yan," bilin niya bago pinatay ang tawag.

Pagdating ko ng ospital ay ER ulit ako. So far hindi gano'n kadami ang pasyente kaya nakapag-break pa kami.

OFFLINE (Suspire Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon