Kabanata 6

6 0 0
                                    


Nathalie

I decided to stay in Solana's condo until the rest of my rest day was over. I have clothes here, so I didn't get to my apartment for 2 days.

Sinamahan ko si Solana mag-shopping kanina dahil lalabas daw kami para mag-party. Nakakasawa na daw kasi sa unit niya.

"I invited Thana, if that's okay," she said, who is also a nurse working at FH.

"Sige lang," sambit ko.

Nag-aayos kami pareho. I wore a black long sleeve top that shows my cleavage and hugs my curves, black thin stockings, and black denim shorts. I also wore black ankle boots.

Humiram ako ng curler ni Sol nang matapos siya para kulutin ang dulo ng buhok ko bago niya itali sa ponytail. Exposed na exposed ang bandang leeg ko.

Naglagay rin ako ng makeup at makapal na red lipstick. Paglabas ko ng kwarto ay naabutan ko si Sol na hinihintay ako.

Ang sexy at hot niya sa suot niyang white cross neck halter top, and leather skirt. Making her long legs exposed for seduction. We both wear red lipstick and full makeup.

"Gorgeous!" puri niya nang makita ang itsura ko.

"Ikaw din," saad ko.

We stared at each other, and I knew what she suddenly thought.

"I wish she was here with us," Sol mumbled, her eyes turning glassy. "She would be hyping us now," sambit niya.

"Miss ko rin siya," bulong ko.

She shook her head. "I'm not going to cry," kumbinsi niya sa sarili. "I don't want to redo my makeup."

I chuckled. "Let's go," aya ko.

Pagkarating namin sa Equi club ay puno na ng tao. Mabuti nalang at nauna si Thana kaya maayos ang table namin. Pero ang hindi ko maintindihan ay bakit nandito si Russel?

"Oh, guys, I invited Russel pala. He was bored. I hope it's okay?"

Tumingin sa akin si Solana. Alam niya kung paano ako kulitin ni Russel simula nang magtrabaho siya sa FH. Kahit ilang beses ko na siyang barahin o minsan ay intensyonal na hindi pansinin ay walang tigil pa rin siya sa paglandi. I would gladly entertain the guy if he could just be a normal person to ask someone out, but the fucker had such a filthy mouth that it seems like the only goal he has is to fuck every woman he gets his eyes on. Pero ano pa ba magagawa ko, nandito na siya, alangan na paalisin namin.

"Okay lang," tugon ko kay Thana.

May mga iba't ibang alak na sa lamesa. We started drinking and laughing about Thana's hookups. We've only met a couple of times inside the hospital, but never outside. Pareho kasi sila ni Sol na laging sa DR. Si Russel ang madalas kasama ko sa ward. He always expresses how he likes me, but I know the truth. He just sees me as a challenge. Alam ko na ang ugali niya.

Minsan ay binabalewala ko nalang at sinusubukang itrato siya na katrabaho para maramdaman niya na hanggang doon lang talaga pero mukhang hindi niya pa nare-realize 'yon hanggang ngayon dahil nakatitig siya sa akin, kahit na halatang nagpapansin si Thana sa kaniya.

Nag-aya silang sumayaw sa dance floor at mabilis kong pinagsisihan nung tumanggi ako dahil pati si Russel ay tumanggi rin. Halata sa mukha ni Thana na ayaw na rin niyang sumama kay Sol pero mapilit ang kaibigan ko dahil siguro lasing na rin.

Tahimik akong uminom at pinanood ang mga taong nagsasasayaw sa gitna. Kitang-kita ko ang tuwa sa mukha ni Sol at tumatalon-talon pa para sabayan ang musika. I wondered if she noticed the eyes of almost all the men looking at her, like they wanted to devour her.

OFFLINE (Suspire Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon