Aklan
From: Unknown
I miss you, babe. I'm sorry. Can we talk?
"Hey? What's the hold up?" tawag ni Lexa mula sa malayo.
"Is everything okay?" sigaw ni Nat.
Tumatakbo na silang dalawa palapit sa pwesto ko. Hindi ko namalayan na ang layo na pala ng tinakbo nila. Kaming dalawa lang dapat ni Nat ang magjo-jogging pero dahil napabisita si Lexa sa condo ko ay sumama na rin siya.
"Wala-wala," saad ko. "Huwag na kayong bumalik, habol ako!"
Hindi ko na kailangang mag-isip ng malalim kung sino ang nag-message sa akin. Alam kong si Francine 'yon. Ang pinagtaka ko lang ay kung saan niya nakuha ang number ko. Wala mang pakialam si Nathalie sa mga sinabi ni Francine sa kaniya, at sa totoo lang ay parang wala pang epekto sa kaniya. Ngunit meron sa akin at hindi ko 'yon makakalimutan.
From: Aklan
Pagkatapos lahat ng sinabi mo. Wala nang dapat pag-usapan.
Reply ko bago blinock ang number niya.
Sinadya ni Nat na pinauna si Lexa at sumabay sa akin sa pagtakbo. "What's the problem?" tanong niya. "Para kang galit kanina habang nakatingin sa phone mo," dugtong niya.
Plano ko pa sanang mamaya nalang sabihin sa kaniya kapag nasa condo na kami pero gano'n din naman. Tapos nandiyan pa si Lexa. Kapag nalaman niya, mas magalit pa siya sa akin. Sinabi ko kay Nat ang tungkol sa natanggap kong mensahe ni Francine. Nang balikan kami ni Lexa ay sinabi ko na rin sa kaniya.
"She's one step to be a stalker," sambit ni Lexa.
"Palitan mo nalang sim card mo," suhestyon ni Nat.
Pagkatapos naming tumakbo ng ilang kilometro ay nagpahinga muna kami saglit sa isang park bago bumalik sa condo para maligo at magpalit ng damit. Nasa living room kami habang nanonood ng football sa TV. Laban ng Vietnam at Japan ngayon. Kung sino mananalo sa kanila ay makakalaban nila ang Pilipinas sa Finals.
Nasa tabi ko si Nat habang nasa sahig si Lexa. Pareho silang may hawak na beer habang ako ay soda lang. Alam ko namang hindi talaga nanonood si Nat dahil wala siyang interest sa laro. Gustong-gusto niya lang humiga at gawing unan ang dibdib ko habang hinahaplos ko ang buhok niya.
Naramdaman kong tumunog ang phone ko sa bulsa kaya bumangon si Nat para makuha ko ang phone. Kumunot ang noo ko dahil may notification ako sa IG.
Nag-DM si Francine ng mga litrato namin nung kami. At ilang mensahe na hindi ko nagustuhan.
francinecosta: TALK TO ME DAMMIT! I WILL KILL THAT BITCH!
"You're ex is a psycho." Hindi na ako nagulat nang magsalit si Lexa sa may uluhan ko.
Binasa ni Nathalie ang message na siyang kinainis niya. Siya na ang nag-block kay Francine sa account ko.
"I didn't know how you ended up with a girl like that," sabi ni Nat. "She has some serious issues, Aklan."
"Told you," parinig ni Lexa sa akin.
Gano'n din ang sinabi niya kay Francine noong una ko silang pinakilala. Hindi ko tuloy mapigilang tanungin ang sarili ko kung bakit hindi ko 'yon nakita noon. Two years na naging kami ni Francine pero ni isang beses ay hindi siya nagkwento tungkol sa pamilya niya. Tuwing binubuksan ko ang topic na 'yon ay nagagalit siya. Dalawang taon na selos at away ang naging pundasyon ng relasyon namin. Ibang-iba siya sa pagkakakilala ko na sweet at mabait. Parang lahat ng 'yon persona lang niya.
BINABASA MO ANG
OFFLINE (Suspire Series #4)
RomanceEven after a year has passed, Nathalie is still haunted by the memories of the night her best friend died. Consumed by grief and guilt, she tries to continue her life as usual. One night, after her 12-hour shift as a nurse, she goes to a club and me...