Nathalie
Tinupad ni Aklan ang sinabi niya na sa probinsya kami magbabagong taon. Hindi ko sinabi kina Ezra dahil gusto ko din silang surpresahin.
Hapon na nang makarating kami sa tapat ng gate. Kitang-kita ko ang pagtataka sa mukha ng kambal na naglalaro sa labas ng bahay habang nakatingin sa kotse ni Aklan.
"Pamangkin mo?" nakangiting tanong ni Aklan.
"Oo," tugon ko. "Tara, baba na tayo," aya ko.
Bumaba ako ng sasakyan kaya bigla akong namukhaan ng kambal. Sabay silang tumakbo palapit sa akin na may tuwa sa mga mata nila.
"Tita Nat!" Parehong sigaw nila at yumakap sa bewang ko. Ang laki na nila. Parehong-pareho ang mukha nila.
"Kamusta kayong dalawa?" tanong ko habang parehong ginugulo ang buhok nila.
"Okay lang po, Tita!" si Ryko ang sumagot. Alam kong siya si Ryko dahil palangiti siya habang si Rylance ay seryoso lang.
"Nasaan Mama ni'yo?" nagtatakang tanong ko.
Lumayo sila sa pagkakayakap sa akin. "Umalis siya kasama si Tito Sean. Bibili ng handa," bungisngis na sambit ni Ryko.
Sean? Sino 'yon? Boyfriend ni Ezra? Saan niya nakilala? Sabi niya matagal na siyang tapos sa mga gano'n? Kaibigan?
Napalingon ako kay Rylance nang bigla siyang napasinghap sa gulat habang nakatingin sa likod ko. That's where Aklan's standing and waiting.
"Si Aklan nga pala. Boyfriend ko," pakilala ko sa kambal.
"Kilala kita! Ikaw si Navado!" gulat na sambit ni Rylance at nilapitan si Aklan. This is the first time I've seen him so excited. "Pwede mo bang pirmahan 'yong bola at sapatos ko?"
Tumaas ang kilay ko kay Aklan na tuwang-tuwa. Parang hindi pa siya nagulat na kilala siya ng pamangkin ko.
"Ako rin!" sigaw ni Ryko at lumapit kay Aklan.
My boyfriend crouched so they could see both of them eye-to-eye. He gave them both a full-blown smile.
"Kunin ni'yo na at mapirmahan ko," saad ni Aklan kaya nag-unahan ang kambal na tumakbo papasok ng bahay.
Saktong lumabas si Tita Mila. "Nathalie!" gulat na sambit niya nang makita ako. "Arthur! Si Nathalie nandito!" tawag niya kay Tito.
Sinalubong ko siya ng yakap.
"Kamusta, Tita," bulong ko. "Dito ako magbabagong taon kung okay lang. Sinama ko si Aklan, boyfriend ko," pakilala ko. Lumapit si Aklan sa amin at nakipaglamano kay Tita na nakatitig lang sa kaniya.
"Iba talaga ang ganda ng mga Teñeza. Mga gwapo ang naiuuwi!"
"Tita," saway ko.
Aklan laughed. "Hello po, Tita," bati niya. "Ang ganda ni'yo po. Alam ko na kung saan nagmana si Nat." Tita actually blushed.
"Galing mo mang uto ah," bulong ko kay Aklan.
"Uy, totoo 'yon," pagtatanggol niya kaya inirapan ko nalang.
Inaya kami ni Tita papasok sa bahay. Parang kailan lang galing ako dito. Walang pinagbago. Naabutan namin si Tito na nagluluto sa kusina. Niyakap ko siya na mukhang gulat nang makita ako. Pinakilala ko rin si Aklan.
"Ingatan mo 'yang pamangkin namin. Kapag sinaktan mo 'yan, kita mo 'tong kutsilyong hawak ko..." Hindi niya natuloy ang sinasabi niya nang hinampas siya ni Tita sa balikat. Si Aklan ay halata mong nagpipigil ng tawa sa tabi ko.
BINABASA MO ANG
OFFLINE (Suspire Series #4)
RomanceEven after a year has passed, Nathalie is still haunted by the memories of the night her best friend died. Consumed by grief and guilt, she tries to continue her life as usual. One night, after her 12-hour shift as a nurse, she goes to a club and me...