Kabanata 14

10 1 0
                                    


Nathalie

Dapat kasama ko si Aklan bumili ng regalo ni Sol dito sa mall kaso may symposium daw siyang kailangan puntahan kaya ako nalang mag-isa. Mamaya ay deretso ako sa condo niya at doon matutulog.

Sol already has everything she needs. Kaya nga ang binili ko nalang ay pabango na lagi niyang ginagamit. Good thing I haven't told her that Tank is a close friend of Aklan, so that would be our main gift for her. Super fan 'yon eh.

Kung si Lulliane ay galing sa pamilya ng mga abogado at prosecutor. Si Sol naman ay galing sa mga angkan ng mga entrepreneurs. Well, hindi ito kasing yaman ng mga Rivero o Costa na napapabilang sa Forbes, ngunit hindi maipagkakaila na mayaman pa rin sila.

Kaya nga sa Costa Tower gaganapin ang party niya. Tanging mayayaman lang ang nakaka-afford nun. May swimming pool at bar daw doon sa rooftop.

Nag-ikot-ikot muna ako sa loob ng mall. Naabutan ko nga din na may pinagkakaguluhan ang mga tao dito. May artista siguro.

Dumaan ako sa isang milkshake stall kaya nag-order ako bago nagtungo sa condo ni Aklan. Binati pa ako ng guard nang makapasok ako sa building. Kilala na niya ako dahil sa ilang beses na pagpunta ko dito.

Nang makapasok ako sa mismong unit ay nag-message ako kay Aklan.


@nathalieT: dito na ako sa condo. saan ka?

@Aklan: dito pa rin. ang boring ng presentor


Ang bilis niyang mag-reply ah.


@nathalieT: makinig ka na dyan. text ka kapag pauwi kana

@Aklan: Sige sige. Baka mamaya pa 'to matatapos. Nauurat na ako. Kumain kana. I love you.

@nathalieT: Okay. Eat your dinner too. I love you.


Naligo muna ako at nagpalit ng damit. Nagluto ako ng ulam bago kumain. Pagkatapos ay nagtungo ako sa living room para i-wrap 'yong regalo ko kay Sol.

Wala akong magawa kaya nanood muna ako. Alas syete na ngunit wala pa rin si Aklan kaya umidlip muna ako. Nagising ako nang marinig ko ang tunog ng phone ko.

Tiningnan ko kung sino ang tumatawag ngunit new number. Akala ko 'yong head nurse namin, tatanungin kung pwede bang ma-cut ang rest day ko dahil short staff na naman.

Nagdalawang isip muna ako kung sasagutin ko ngunit sa huli ay sinagot ko rin.

"Hello?" bungad ko.

"Hello! Kausap ko ba si Ms. Nathalie Teñeza?" Kumunot ang noo ko. Bakit niya alam ang buong pangalan ko? "Hindi pa tayo nagpapakilala ng pormal pero ako si Levi Montante. Abogado sa kaso ni Lulliane Calvache."

I sighed softly. I didn't even know I was holding my breath. " Oo, Attorney, kilala kita. Bakit kayo napatawag?"

"Gusto ko sanang mag-usap tayo kung hindi ka busy."

Bigla akong kinabahan sa sinabi niya. "Tungkol ba 'to sa kaso ni Lulliane?" Hindi siya napatawag kung hindi dahil doon, pero gusto ko pa din kumpirmahin.

"Oo. Uhm. Mas mabuti sana kung magkita tayo para maipaliwanag ko sa'yo," saad niya.

"Sige. I text mo nalang kung saan tayo magkikita," tugon ko bago umalis sa kama at naghanda.

Tiningnan ko ang litrato na sinend ni Atty. Montero sa akin bago muling tinitigan ang harap ng isang boutique.

Years with You.

OFFLINE (Suspire Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon