Kabanata 17

10 0 0
                                    


Nathalie

Tinutulungan ko si Ezra na ayusin ang mga gamit namin dito sa hospital dahil bukas ay pwede na akong umuwi. Aklan went out to the cashier to settle my bills.

Nang matapos kami sa pag-aayos ay lumabas muna si Ezra para kunin 'yong take-out na order namin pang hapunan. Sinamahan siya ng isang guard habang 'yong isa ay nagpaalam na may tatawagan lang saglit.

Wala naman nang nakakabit sa akin na IV. Nakapagpalit na rin ako ng damit ko, at binalik sa nurse 'yong hospital clothes ko. Mabuti nga at wala na rin 'yong bandage sa ulo ko. Hindi ko na rin maramdaman 'yong sakit.

Though I couldn't still say that I'm fully healed, I still have memories to remember. I hope they come back soon.

Alam kong sinabi na ni Aklan lahat sa akin. Even his friends have visited me, and when I asked some questions about my relationship with Aklan, they told me that we were so in love.

Siguro dahil ang hirap paniwalaan kung wala kang maalala doon sa taong tinutukoy nila. But hearing it from Ezra, I'm starting to believe it and get used to Aklan being by my side.

Hindi rin naman ako tanga para hindi mapansin kung gaano ako alagaan ni Aklan. Kahit na alam kong napapansin niya na minsan ay nangangapa ako sa kaniya sa mga nakaraang araw dahil nga sa isip ko ay hindi ko siya kilala, ngunit naga-adjust siya para sa akin. My mind won't remember him, but my body does.

Every simple brush of our fingers. The way he tucked the lost strands of my hair behind my ear when I was eating. Every lingering eye.

I felt him in my heart. In my soul.

Naghilamos ako ng mukha sa banyo. Narinig ko ang pagbukas ng pintuan ng kwarto kaya mabilis akong lumabas.

I expected to find Ezra preparing our food, but it turns out I found a girl who is the same age as me. She gave me a bright smile that made me uneasy for some reason. If the guards outside let her in, then I must have known her. She might be harmless.

Nagulat din ako noong may gwardiya sa labas ng kwarto ko. Kapag lumalabas ako para maglakad-lakad sa labas ng ospital ay nakasunod sila. Noong una ay hindi ako komportable pero dahil nakatakas daw ng kulungan si Francine, ay kailangan ko daw ng proteksyon baka may gawin siya ulit.

"Do you remember me?" tanong niya. Hindi ako sumagot at tinitigan lang siya. Hindi ko gusto ang paraan ng ngiti niya. Para bang may sekreto siyang hindi ko alam. "Well, that's not important. I just came by to see how you're doing, and now that I'm here, I just realized that I should have shot you the first time I saw you at the elevator that day."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"Francine," saad ko.

She smiled wickedly. "So you do know me. I assumed they also told you about what I did?" She's taunting me. Trying to scare me. I should, because she's dangerous. But, surprisingly, I'm more angry than afraid.

Tumango ako. "They told me you're a murderer." She blinked. She didn't expect how firm and strong my voice was. Akala niya ba dahil wala akong maalala, matatakot ako?

Her smirk turned into a snarl. "You and your bitch friend made me like this! You took everything from me!" sigaw niya. Inaasahan ko na papasok 'yong dalawang guard sa labas ngunit hindi bumukas ang pinto. Doon ko lang naalala na sinamahan pala nung isa si Ezra, at may tinawagan naman 'yong isa. Francine suddenly chuckled. "Your guards are gone. It's just you and me."

"Are you here to finish the job?" Hindi ako nagpatinag kahit na baka may gawin ulit siya sa akin. Dahil sa totoo lang, ako ang nagpipigil na may gawin sa kaniya.

OFFLINE (Suspire Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon