Kabanata 4

12 0 0
                                    


Nathalie

'sex goddess.'

Natawa ako dahil sa nilagay niyang pangalan sa contact lists ko. Siguro minuto ang lumipas nakatitig pa rin ako sa pangalan niya. Akala ko hindi niya ibibigay.

Kung hindi sana, tatanungin ko si Alice. Kung ayaw ni Alice ibigay, edi dadaanin ko sa santong paspasan.

Kagabi ko lang hinatid si Nat pero gusto ko na siyang makita at makausap ulit. At dahil nasa akin na ang number niya, hindi na ako nagdalawang isip na i-message siya.


From: Aklan

may IG ka?

From: sex goddess

@nathalieT


Sinearch ko agad ang binigay niyang pangalan at nag-follow. Pagkatapos ay nag-DM ako.


@Aklan: ano yung T?

@nathalieT: ?

@nathalieT: I'm at work. wag kang istorbo


Hindi ko mapigilang mapangiti. Sungit. Pero sanay na ako diyan. May dalawa akong kaibigan na kaugali niya. Mas malala nga 'yong dalawa eh.

Hindi na ako nag-reply at humigop ng kape ko.

"What's with his face?"

"He has been like that since we dropped Nat at her house last night."

"Nandito lang ako," saway ko kay Magda at Alice na nasa harapan ko. Kung pag-usapan ako parang hangin lang ako dito ah.

Kasalukuyan kaming nagbre-breakfast sa hotel kung saan ginanap ang wedding reception nina Tita Aubry at Tito Eros. Kahapon pa natapos ang kasal nila pero 'yong reception ay magdamag. Dito kami dumiretso kagabi ni Alice noong sinundo ko siya sa hospital dahil overnight kami para mag-party.

Kaya nga kami lang ang tao dito sa restaurant ng hotel dahil tulog pa lahat ng naglasing kagabi. Lahat ng bisita knockout eh. Lalo na siguro si Ate Cane, at iyong pinsan ni Yunis na si Rod. Hindi nga kami makasabay dahil iyong alak nila akala mo tubig kung itungga nila eh.

Si Tank ay maagang umalis kanina dahil may rehearsals daw sila para sa tour ng banda. Si Lexa, ayon, tulog pa. Mamaya ay dadaan daw siya sa bahay nila.

"Do you like Nat?" deretsong tanong ni Magda.

"Do you?" dugtong ni Alice, at seryoso.

"Bawal ba?" tanong ko.

"Hmm," biglang napaisip si Alice. "She's nice."

Napakagat ako sa labi, nagpipigil ng ngiti. Minsan lang magsabi ng maganda 'to tungkol sa ibang tao. Kung sa tingin niyang mabuti si Nat, ibig sabihin, payag na 'to.

"Yeah, I agree. She's pretty din," sambit ni Magda. "What if we invite her to go hiking next month?"

"Sige," pagpayag ni Alice.

"Now that I think about it, how is she?" sambit ni Magda, napapaisip. Kumunot ang noo ko sa tanong. "She's friends with Lulliane Calvache. You didn't know?"

"Yeah, they're friends, along with Solana," dugtong ni Alice.

Kaibigan ni Nat 'yong Lulliane Calvache? Naging laman sa news ang nangyari sa kaniya ah. Masyadong malabo kung paano siya namatay. Pero alam ng lahat na hindi 'to dahil sa sakit. May nagsasabi na suicide daw. At meron namang nagsasabi na may mas malala pa pero sinadyang itago lahat ng 'yon para sa privacy ng pamilya.

OFFLINE (Suspire Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon