Napabuntong hininga na lamang ako dito sa jeep nang dumaan sa aking isip ang naging sagot sakin nang dalawa kanina. Wala talaga akong mapapalang matinong sagot sa dalawang yun. Sagot ba naman ay cannibal daw ang nakatira doon kaya si Ate Lily lang ang naglilinis at kaya ganoong oras palagi ang lalaking yun nagpapalinis, tapos biglang tawa nang dalawa na parang hindi nag-away may ilang minuto pa lang ang nakakalipas. Napagawi ag tingin ko sa hawak-hawak na plastik bag sa aking kanang kamay, laman nito ang paboritong siopao ni Letlet. Lagi akong dumadaan sa tindahan ng siopao na paboritong-paborito nito tuwing umuuwi ako. Magmamaktol kasi iyon kapag wala akong dala.
Nang makarating na sa bukana nang eskenita papasok kung saan makikita ang apartment na aming tinutuluyan ay agad na akong pumara tsaka bumaba. May mga ilang tambay pa ang gising kahit mag-uumaga na. May mga nag-iinuman pa na mga kalalakihan, mga nagkukwentuhan at ang ilan naman ay naglalaro pa nang mga online games sa kani-kanilang mga cellphone. Kahit ganito man ang laging eksena dito sa amin ay mababait naman ang mga tao.
Lumiko na ako sa kanan at tinahak ang makipot na daan papunta sa maliit na gate na bakal, halatang luma na ito dahil sa kalawang na sinakop na ang dating makinis na bakal. Nang buksan ko ito ay gumawa pa ito nang kaunting ingay dahil sa pagkaskas nang ibabang bahagi sa magaspang na semento. Binaybay ko na ang makipot na hagdan paitaas, ang ilan sa mga baitang nito ay may mga bitak na at ang liwanag na nanggagaling sa nag-iisang ilaw na nagpapaliwanag sa hallway ay halatang malapit nang mapundi, hindi na rin abot ang liwanag nito sa kadulo-duluhang kanto kung saan makikita ang tinutuluyan namin. Tanging ang magagaang hakbang at ang tunog nang plastik lang ang maririnig.
Inilipat ko muna sa kaliwang kamay ang plastik na dala-dala ko bago kumatok. Ilang minuto pa ang hinitay ko bago ito magbukas. Bumungad kaagad ang antok na mukha ni Ate Salli, humakay pa ito bago nagsalita.
"Oh, Dy. Mukhang inumaga ka atang masyado ngayon.", mahina at antok na saad nito. Pumasok na muna ako at hinubad ang sapatos at inilagay ito sa gilid malapit sa pinto.
"Ah, kasi Ate nadagdagan yung nilinisan kong kwarto. Hindi ko na sana tatanggapin kaso malaki naman magtip yung guest kaya tinaggap ko na rin.", saad ko dito.
"Ahh, ganun ba. Ipagtimpla ba kita nang kape?", tanong nito.
"Ah hindi na po Ate. Si Letlet po ba tulog na?", muli kong tanong habang inililigppit na ang aking mga gamit. Ipinatong ko na rin sa mesa ang plastik na may lamang siopao.
"Ayyy ayun, nasa kwarto, kakatulog lang yakap-yakap na naman yung damit mo. Kanina ka pa hinahanap.", saad ni Ate Salli na ngayon ay nakaupo na sa bangko sa gilid nang lamesa.
Tumango na lang ako bilang tugon sa sinabi niya. Ang bata talaga na yun, hindi makatulog kapag wala akong naiwang damit na kahuhubad ko pa lang. Mana talaga ang batang iyon sa akin.
Nang makapag-pahinga na nang kaunti ay lumapit ako kay Ate Salli at iniabot ang bayad ko para sa pag-babantay niya kay Letlet.
Kita ko sa mga mata niya na tatanggihan na naman niya ito. "Sige na po Ate Salli, medyo malaki-laki po ang maibibigay ko sa inyo ngayon.", nakangit kong saad habang inaabot sa kanya ang limang daang piso.
"Sige na ija wag na, sayo na iyan, itabi mo na lang. Para naman kayong iba sa akin.", nahihiyang saad nito habang bahagya pang inilalayo ang aking kamay na may hawak na pera.
"Sige na po Ate, tanggapin nyo na po. Para din po yan kila Tonton at Tintin.", ulit na saad ko dito. Hindi naman kasi nag-iisa sa buhay si Ate Salli may asawa ito at kambal na anak na ngayon ay nasa elementarya na. Katabing apartment lang namin sila nakatira kaya madalas siya ang napagbibilinan ko kay Letlet, minsan kapag walang pasok ang kambal ay dumadalaw sila para makipag-laro kay Letlet.
Nag-aalangan pa itong kunin peo dahil sa pamimilit ko ay kinuha na rin naman niya. Alam ko rin naman kasing kinakapos din sila lalo na ang asawa nito ay walang trabaho ngayon at puro inom lang. Nakailang pasalamat pa sa akin si Ate Salli bago napagpasyahan na nitong umuwi dahil mag-uumaga na rin naman at may pasok pa ang dalawang bata sa eskwelahan.
Dumako muna ako sa lamesa at kinuha ang siopao na naroon at itinabi na muna sa maliit na ref sa may gilid nang lamesa, para na rin hindi ito mapanis. Siguradong maghahanap si Letlet nang siopao paggising nito, iinitin ko na lang mamaya. Inilock ko na muna ang pinto bago pinatay ang ilaw at pumasok na sa kwarto. Nadatnan ko si Letlet na tulog na tulog habang yakap-yakap ang damit ko. Suot-suot pa rin nito ang spongebob na bonet at pares na medyas, kahit lanotnot na ang bunganga nang medyas ay sinusuot pa rin niya iyon.
Iniayos ko na ang hihigaan ko sa baba nang kama nito. Nilapitan ko si Letlet at inalis ang bonet sa ulo nito, nagsiiskadan naman ang kulot na kulot na buhok nito. Gumalaw ito at napaggawi ang pwesto paharap sa akin at sinandayan ako. Hindi naman kami kasya sa higaan kaya nang matagalan na at makatulog na ulit ito ay inalis ko na nang dahan-dahan ang kamay na nakayakap sa akin. Inayos ko na ang kumot na bumabalot sa katawan nito at hinalikan na ito sa noo. Umayos na ako nang higa sa baba nang kama, kahit mga isang oras lang na tulog ay ayos na ako. Maghahanda pa ako nang almusal at ihahatid siya sa eskwela. Siguro ay maglilinis na muna ako nang bahay at maglalaba. Hindi naman gaanong kaaga ang duty ko sa bar bukas.
Pinilit kong ipikit ang mga mata para makatulog na pero binabagabag pa rin ako nang mga isipin. Nais ko man siyang bilhan nang mamahaling mga damit, laruan at gamit sa eskwela ay hindi naman sapat ang kinikita ko. Gusto kong magpatuloy sa pag-aaral pero hindi ko maggawa, ang pangarap ko noong bata pa ako ay maging isang guro. Pero siguro hanggang pangarap na lang siguro ang bagay na yun. Uunahin ko muna ang kapatid ko, ayaw kong maranasan niya ang mga naranasan ko. Gusto kong magkaroon siya nang magandang buhay at gagawin ko ang lahat para magampanan ko ang pagiging mabuting kapatid sa kanya.
Naiisip ko pa rin ang resto, maiinit lang talaga ang dugo sa akin ni Ava tsaka ni Sir Benj. Sayang pa rin kasi talaga ang kinikita ko roon. Tsaka kahit naman nadagdagan ang trabaho ko sa hotel at kahit malaki magtip ang bagong guest ay hindi naman siguro magtataggal iyon na titira doon.
Hayyy! Buhay! Sarap na lang ibuntong hininga ang lahat. Kung nandito lang sana sila baka hindi ganito ang buhay namin ni Letlet ngayon. Siguro masaya kami, siguro maganda na ang bahay namin ngayon. Siguro kumpleto pa kami hanggang ngayon.

BINABASA MO ANG
BLOODY LIFE OF MINE
RomanceWARNING: SLIGHT R-18 " She suffered a life that was most likely hell. But I'm the fallen angel that can pull her to that place and make her experience heaven." -Attorney/U.S. Lieutenant Colonel Floyd Silvious R...