Chapter 20

40 8 0
                                        

        ' May isang inakay na ibon na mag-isang naiwan sa kaniyang pugad, ang kaniyang mga magulang ay masayang lumipad, di namalayang naiwanan yaring habag. Dumating ang unos at siya'y nalaglag, kawawang pispis nabali ang munting pakpak. Daluyong ng ulan siya'y tinangay sa malayong bayan ng kawalan at lumbay. O marikit na ugbon nakita ng dakilang agila, ito'y bumulusok pababa at tinangay s'ya. Inilapag sa malambot na kuna, yaring dakilang agila mag-isa na rin pala. Dumating ang tag-araw siya'y nakalipad na kasama ang dakilang agilang nakaagapay sa kaniya.'

                                                                                                                  -  MAYA

Sa buhay kung sino pa 'yong bago mo pa lang nakikilala ay s'ya mas nakakaintindi sayo. Mas kayang makinig ng mga hinaing mo sa buhay, mas kayang pagaanin ang puso mo sa mga maliliit na salitang kanilang binibitawan kahit na. . . hindi ka nila lubusang kilala. 'Yong akala mong hindi mo makakasundo ay s'ya palang sa huli ay makakaramay mo. 

Katulad na lang ng lalaking nasa harapan ko ngayon, na nakababad sa tubig habang masayang pasan-pasan ang aking kapatid. Kung hindi pa ito pinilit ni Letlet ay hindi ito magbabasa. Nakaka-inggit ang kaniyang kutis, mas angat ang kaputian n'ya kaysa kay Klein. Siguro ay dahil may mga lahi nga sila kaya ganiyan. 

Mukha silang mag-ama----nakakatuwa, nakakagaan ng pakiramdam lalo siguro kung araw-araw ko 'tong makikita. 

Napahawak naman ako sa aking dibdib ng may maradamang kung ano r'on na parang. . . parang sa tuwing tinitingnan ko s'ya ay bumibilis ang tibok n'on. Bawat pintig ay tila binabanggit nito ang bawat letra ng kaniyang pangalan. Bakit parang kakaiba na ata ang nararamdaman ko sa kaniya? 

Hindi, hindi 'to pwede. 

Tumingin muli ako sa kaniya bago muling ibinalik ang tingin ko sa mga paang nakababad sa tubig. 

Baka may kasintahan na s'ya  at lahat ng kaniyang ginagawa ay dahil naawa lang s'ya sa akin. Ayaw ko ng mangyari ang nangyari samin dati ni Jiro. A-ayaw kong maramdaman muli ang sakit na dulot nang bagay na 'yon. 

" LIIT! Di ka ba maliligo?!" Napatingin naman ako kay Alloyd ng sumigaw ito. Tinaas ko ang kanang kamay para ipakita ang benda nito. Hindi naman ako makakaligo ng ganito. Ayos na sa akin ang panoorin lang sila. 

Pinanood ko na lang ang aking mga paa na nasa ilalim ng tubig, ginagalaw-galaw ko 'yon. Malamig ang tubig dahil hindi ito naiinitan dahil may parang net na nagsisilbing pandong nitong hindi kalakihang swimming pool. Nakikita ko ang sariling repleksyon sa malinaw na tubig, 'yong sugat ko sa pisngi. Pihadong mag-iiwan ito ng peklat kabag nabahaw na. 

Maya-maya pa ay may dalawang pares ng brasong pinaggitnaan ako. Nasa magkabilang gilid ko ito, nakatuon sa gilid ng pool na pinagkakaupuan ko. Kita ko ang kaniyang paa sa ilalim ng tubig. 

Iniangat ko ang aking ulo, tinitigan ko lang ang mukha nito. Medyo nakatingala siya sa akin dahil malalim ang bahaging ito. Kung si Klein ay nakashorts lang at kitang-kita ang katawan, ito namang isa 'to suot pa rin n'ya ang white sando na suot n'ya kanina. Ang direksiyon ng kaniyang basang buhok ay papunta sa likod, ang  makapal nitong mga kilay ----nahihiya ang kilay kong sobrang nipis. 'Yong mahaba n'yang  mga pilik na may mga butil pa ng tubig na naiwan sa ilang hibla n'on. Ang kulay kahel n'yang mga mata, matangos na ilong, at mapulang basa n'yang labi. 

Bakit gan'on? Pag-ako ang nagbabad sa tubig ng ganito mukha akong naubusan ng dugo dahil sa putla, tapos 'yong mga labi ko nangingitim, 'yong balat ko parang ibinilad, tapos nagkikislig pa sa lamig ng tubig. Ba't ang unfair naman ata, ano 'yon may pinapanigan ang tubig ng swimming pool?

BLOODY LIFE OF MINETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon