Chapter 10

88 16 0
                                        

"Doc, kamusta po si Dy?"

"She lost consciousness because of acute gastroenteritis. May nakita rin kaming pamamaga sa kanyang sikmura at pasa sa kanyang tiyan, nabali rin ang buto niya sa balikat dahilan para mamaga ito. Hindi naman ganong kalaliman ang sugat sa pisngi niya. Pero . . . marami siyang pasa."

"Salamat po, Doc!"

"Mauna na muna ako, tumawag na lang kayo kapag may problema."

"Hayts, ano ba kasing nangyari diyan kay Liit."

"Buti na lang talaga . . ."

Nagising ako dahil sa pag-uusap nang mga tao sa paligid ko. Naramdaman ko ang malambot na kama sa aking likuran. Masakit pa rin ang katawan ko pero hindi na ako masyadong nahihilo. 

"Hmm . . ." Tanging ungol na lumabas sa bibig ko nang bahagya akong gumalaw. Medyo mabigat ang kanan kong braso at balikat na para bang may matigas na nakabalot dito. Nang tuluyan ko ng imulat ang mga mata ay napagtanto kong nasa ospital pala ako dahil sa suot kong hospital gown. Nakagasa din ang kanang braso ko kaya pala medyo mabigat ito. Sa kabilang banda naman ay may nakapasak na dextrose sa kaliwang kamay ko. 

Napatingin ako sa mga nakatayong tao sa gilid ko. Si Ate Lily at Rimmy na bakas sa mga mukha ang pag-aalala. 

"O, Liit. Anyare sayo?" Agad na lumapit sa akin si Rimmy at umupo sa gilid nang kama sabay marahang hinawakan ang kamay ko. Si Ate Lily naman ay umupo din sa ibaba nang kama. 

"S-si-sino po ang nagdala sa akin dito?" Hindi ko sinagot ang tanong niya. Gusto ko munang malaman kung sino ang nagdala sa akin dito. Nagtinginan pa sila ni Ate Lily bago sumagot.

"Yung guest sa room 1057." Gulat naman ako sa sinabi nito. Panong siya e wala naman siya dito. 

Sinuyod ko nang tingin ang buong kwarto pero wala namang ibang tao bukod sa aming tatlo. Ngayon ko lang napansin na ako lang pala ang pasyante na naririto. Nagaalala ako, hindi ko ito mababayaran. 

"Wala ka nang kasama dito pag punta namin. May tumawag lang samin na nakaconfine ka na daw.", dugtong ni Ate Lily napansin niya ata na may hinahanap ako. 

"Si Letlet, kailangan ko siyang puntahan." Nag-aalala ako sa kapatid ko, hindi ko siya pwedeng iwanan nang matagal. Baka malaman nang lalaking yun ang bahay namin. Pinilit kong umalis sa pagkakahiga pero agad namang hinawakan ni Rimmy ang balikat ko.

"Liit, kumalma ka! Magpahinga ka muna! " Pag-aalo nito sa akin. Naramdaman ko ang pagtulo nang mga luha sa aking pisngi. Napahawak naman ako sa sugat ko rito at mukhang bago na ang nakatapal na benda. 

"Rimmy, p-pakiusap bitawan mo ako! Ayaw ko rito!" Pagpupumiglas ko sa pagkakahawak niya sa akin. Ayaw ko dito! Isa pa wala akong pambayad. 

"Liit! Wag ka masyadong gumalaw! Baka makasama pa sayo!" Hindi ako pwedeng magtagal dito. Anong oras na ba? Alam na ba nila?

"Ano ba kasing nangyari sayong bata ka?" Nag-aalalang tanong ni Ate Lily na nakahawak na ngayon sa binti ko, pinapakalma niya ako. 

"Gu-gusto ko na pong umuwi!" Hagolgol na saad ko dito. Gusto ko nang makita ang kapatid ko. 

"S-si Letlet, wag niyong sasabihin na nandito ako! Pakiusap po!" Hindi niya pwedeng malaman na nandito ako. Mag-aalala yun sa akin, ayaw kong nag-aalala  siya. 

"Rim, tumawag ka nang nurse!" Utos ni Ate Lily kay Rimmy.  Tumingin pa ito sa akin at agad ko itong inilingan na parang sinasabing huwag siyang sumunod. Pero kahit anong iling at pagmamakaawa ko sa kanila ay hindi nila ako pinayagang tumayo o umalis sa kamang pinagkakahigaan ko. Umalis na si Rimmy, tanging nakahawak na lang sa akin si Ate Lily. 

"Pakiusap Ate !. . . Gusto ko na pong umuwi!" Hinawakan lang ako nito sa ulo at marahan niya iyong hinaplos. 

Maya-maya pa ay bumuks ang pinto at iniluwa non si Rimmy na may kasamang nurse na may hawak na siringilya. 

Agad naman akong hinawakan nang mahigpit ni Ate Salli, ang pagkakahawak niya ay marahan lamang sapat lang para hindi ako makagalaw. Lumapit na sa akin ang nurse at itinurok ang siringilyang naglalaman nang gamot sa aking kaliwang braso. 

Patuloy pa rin ang pag-iyak ko. "Pakiusap po. P-pa . . ." Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang paypayan na ako nang antok dahil sa gamot na itinurok sa akin na ngayon ay dumadaloy na sa aking buong katawan. 


                                     **********************************************

"Could you check the information of the person I emailed you last night? And check the CCTV footage of every street near the hotel. ". It was a nonsense idea tho.  Checking her information and mind who did that to her is none of my business, she's just a cleaner. My aunt only wanted to help her, give her money, or give her a large tip because she felt pity for her. I'm here in this country because of an important mission before I became a colonel. That was my dream. 

Besides that reason, the person who was on my last mission was still roaming the streets of this country. He kills people and sells their healthy organs to illegal sites. At hindi lang 'yon he was a gambler and a drug lord. Wondering why, he's still not going to jail. The high officers already contacted the Philippine Drug Enforcement Agency for this case. Hindi siya mahuli-huli sa Amerika dahil sa hindi marunong ang naassign noon but because now I'm the one assigned to this case I'll make sure that either he'll go to jail or his body became cold as ice.

Back to that girl. I thought she was just a random girl, but the first time I saw her eyes closely, something was wrong. 

She's soft and too kind, I felt a burning anger when I saw her unconscious body on the bathroom floor. 

This was the first time I felt that to someone.

 She's like a fragile glass that needs a careful hand that can protect her from breaking up into pieces. 

My thoughts were interrupted when the person in the other line replied. "[Yes, I can do that after I came back!]". When? Is he not in the Philippines right now? 

"Where the hell are you?!". Kung kailang kailangan tsaka naman siya wala. 

"[I'm spending my vacation, okay? I'll do what you asked immediately after I come back.]" His voice seems that he is inside a closed space room. His voice echoes every time he speaks.

I already ended up the call. Talking to him was a waste of time. Ako na lang ang gagawa kong hindi niya kaagad magagawa. If I want something, I'll have it immediately. It's only a snap of a finger. 

Bago ko pa lang ibababa ang phone nang mag ring ito. 

"Yes?" I tiredly picked it up. 

"She's awake, Sir." My eyes lit up when I heard those words. Maybe I can ask her myself. Bakit pa ba ako lalayo.

"Okay, thanks for the update. Bantayan niyo muna siya." I ended the call after I said those words. I'll visit her after I meet with the brigadier general tomorrow.



BLOODY LIFE OF MINETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon