"Ate. . . ahh ka po." Masiglang saad sa akin ni Letlet habang nakaabang sa harap ko ang maliit na piraso ng pie na nakatusok sa tinidor. Ito 'yong niluto nila kanina. Nakakandung s'ya sa akin, 'yong kaliwang kamay ko ang ginagamit kong pang-suporta sa kaniyang likod para hindi ito mahulog.
Nginitian muna ito bago nagsalita. "Sige bunsoan. Ikaw na muna. Kain mo muna yan hah, maya na si Ate." saad ko dito. Hindi pa naman kasi ako gutom at tsaka hindi din naman ako mahilig sa mga pagkaing ganiyan. Mas gusto ko pang meryenda o almusal ay mga kakanin katulad ng suman, bibingka, biko, maja, buden, at iba pa. Mas masarap kasi itambal sa mainit na kape ang gan'ong mga pagkain.
"Sarap namang maging kapatid ng isang Dnyi. . .n. Jusmeo! Dy!" Tila naiinggit na saad ni Rimmy habang hawak-hawak nito ang isang platito na may lamang isang hati ng pie r'on. Nahihiwagaan talaga ako sa mga katulad ni Sir Floyd na maayos na nababanggit ang pangalan ko.
Nandito kami ngayon sa sala ng magarbong bahay na ito. Ang bango ng mga sofa, halatang bago pa lamang at araw-araw na nalilinisan. Maganda din ang kulay abohin tela na nagsisilbing panangga n'on sa dumi. Napakaliwanag din dito dahil nakapusod ang mga kurtina sa tig-kabilang gilid ng malaking salaming dingding. Kitang-kita ang nangingintab na tubig na nanggagaling sa maliit na pool sa labas.
"Kung ako kay Dy, pag naging kapatid kita papasakan ko lagi ng bato 'yang bibig mo." Sabat naman nitong si Alloyd na prente lang na nakasandal sa sofa. Magkatabi lang ang dalawa. Bali. . . katabi ko sa isang mahabang sofa sir Floyd na nasa kanan ko, si Ate Salli na nasa kaliwa ko na pinapakain ang kambal. Si Rimmy at Alloyd naman na katapat lang namin. Si Ate Salli naman na nakaupo lang sa isang single sofa at 'yong Klein naman na nakaupo din sa katulad ng inuupuan ni Ate Salli, nasa may gawi ito ni Sir Floyd.
"Tumigil ka nga Alloyd!" asik naman ni Rimmy dito. Mapapatawa ka na lang talaga sa parang aso't pusa nilang turingan sa isa't isa.
"Blehh blehhh blehhh. Ewan sayo!" Singhal naman nitong si Alloyd na para bang bata na painog-inog pa ang mata.
"You look like a lovers fighting, you know. Hahahahaha!" Natatawang saad ni Klein.
"Ewww. . . Sir Klein. Tuktok sa kahoy! Baka magkatotoo." Irap namang saad ni Rimmy. Dumecuatro pa ito bago isinubo sa kaniyang bibig ng buo ang pie.
Mukhang. . . nahuhuli na ata ako sa kanila. Ang lapit na nilang lahat sa isa't isa.
"Alam n'yo antatakaw n'yo. Hindi pa nga kumakain sila Sir Floyd at Sir Klein, tapos mauubos n'yo na 'yan! Jusmeo!" Naiiratang sabat naman ni Ate Lily.
"No, it's okay Ate. I'm already full na rin." Tugon naman ni Klein kay Ate Lily habang hinihimas-himas pa nito ang tiyan na parang nagsasabing busog na talaga ito.
Napabaling naman ang tingin ko kay Sir Floyd. Nakatingin ito kay Letlet na para bang tuwang-tuwa sa bata. 'Yong mga mata niya parang nangungulila ang mga 'yon. Nagtataka lang ako sa kaniya, nasa wasto na mana s'yang gulang, may maayos na trabaho, may ganito kagandang bahay o baka nga marami pa siyang mga ari-arian pero. . . wala pa s'yang pamilya. Di kaya ayaw n'ya lang talaga, baka naman may kasintahan na s'yang papakasalan, o baka may hinihintay s'ya. Nakakamangha ang mga ganitong lalaki, masasabi ko namang mabait s'ya at siguradong maraming nagkakagusto sa kaniyang mga babae. Sa tindig at kilos pa lang nito ay mabilis na mangingimbuyog ang puso ng isang babae lalo pa pag nginitian n'ya ito.
Pinagmasdan ko lang s'yang maiigi. Parang gusto n'ya atang buhatin si Letlet. Inilapit ko ang mukha ko sa taenga ni Letlet.
"Let. . . Gusto mo ba kay Daddy Floyd mo?" bulong ko dito.Tumango-tango naman ito at sumilay pa ang napakatamis niyang ngiti.
"Tingnan mo si Daddy Floyd mo. . . gusto ka din kargahin. Nangangalay na din si Ate eh, bigat kasi ng baduday mo!" Masaya kong bulong muli sa kaniya. Umirit pa ito at kinagat ang tinidor na hawak-hawak n'ya. Napatingin naman ako kay Sir Floyd na kanina pa pala takang-taka sa pinaggagawa naming dalawa ni Letlet.
BINABASA MO ANG
BLOODY LIFE OF MINE
RomanceWARNING: SLIGHT R-18 " She suffered a life that was most likely hell. But I'm the fallen angel that can pull her to that place and make her experience heaven." -Attorney/U.S. Lieutenant Colonel Floyd Silvious R...