Chapter 24

18 6 0
                                    

Buong akala ko ay hindi ako makakatulog kagabi ng maayos dahil katabi ko itong si Sir Floyd. Hindi kasi siya malikot matulog at hindi rin niya inalis ang pagkakatakip sa kanang tenga ko kagabi. Parang hindi naman siya masyadong tinamaan nang alak. Maaga akong nagising pero itong si Sir Floyd ay tulog pa rin hanggang ngayon. Inilagay ko na lang 'yong unan na nilagay niya sa tabi ko dito sa gitna naming dalawa. Nakayakap pa rin siya sa akin. Hindi ko naman inaalis ang mga braso niya dahil baka maggising pa ito ay nakakahiya naman.

Katabi ko siya buong magdamag pero imbis na matakot ako o mag-isip ng kung ano-ano ay kampante lamang ako. Pero kung siguro ay ibang tao ito ay baka doon na ako sa sahig natulog or kahit sa sala na lamang.

Hindi ko alam kung tama ba ito. Sa tingin ko naman ay walang masama dahil wala naman kami ginawang masama. Natulog lang naman kami. Ewan ko na lang doon sa . . . dalawang tao sa kabila ng kwartong ito na may ginawang milagro kagabi.

Buti na lamang talaga at kami ang katabi nila at malayo sila sa kwarto nang mga bata. Jusmeo! Sino ba kasi ang nag 'alam niyo na' kagabi?

Tila natuod ako nang marahang alisin ni Sir Floyd ang unan na pumapagitan sa aming dalawa. Isinuksok niya ang sarili sa aking likod. 'Yong mga bulate ko sa tiyan ay tila nakainom na naman ng bitamina. Umagang-umaga pero parang tanghaling tapat na ang nararamdaman ko ngayon. May aircon naman pero kasi . . . itong si Sir Floyd parang araw sa likuran ko.

Sobrang lakas ng presensiya niya.

Nakasuksok lang ang mukha niya sa may batok ko.

Naiihi na ako e. Pero hindi ako makaalis kung ganito ang posisyon namin. Para akong batang dinadantayan pa habang natutulog. Nakakulong ang maliit kong katawan sa malaki niyang braso.

Lalong nagising ang diwa ko nang magsaliuta s

" How's your sleep, Peanut?" tanong niya gamit ang napakalamyos ngunit malalim niyang boses. Ramdam ko ang bawat pagdampi ng mainit niyang hininga sa aking balat.

" A-Ayos naman," mahinang ani ko dito. Pinapakiramdaman ko lang siya sa aking likuran.

" I will talk to them because they bothered your sleep." Teka, ibig sabihin kilala niya 'yong nasa kabilang kwarto?

" Hindi naman kailangan. Nakatulog naman ako ng maayos kagabi." Hindi na mana niya kailangan pa'ng pagsabihan ang nagdulot ng tunog na 'yon kagabi.

Marahan niyang hinaplos ang aking braso na natatabunan ng makapal na kumot.

" I'm sorry, Peanut."

" Ha? Bakit ka nagsosorry?"

Bahagya kong nilingon s'ya kahit na hindi ko naman maihaba ang aking leeg para tuluyan siyang makita.

" Kasi . . . dito ako natulog. Hindi kasi ako makatulog kagabi," maamong pagpapaliwanag niya.

E bakit pa nga naman siya nagpapaliwanag e ayos lang naman sa akin. Wala naman siguro siyang intensyon na masama. Tsaka magaan din naman ang loob ko sa kaniya.

" Ayos lang."

Itinaas niya ng kaunti ang kumot hanggang sa matabunan na ang buong balikat ko. Para akong lumpia dahil sa ginawa niya. Kaya naman napakainit na e.

" Hindi ka ba naiilang?"

Pinagdaop ko ang aking mga palad sa ilalim nitong kumot na bumabalot sa akin bago sumagot sa tanong niyang 'yon.

" M-Medyo . . . pero ayos lang talaga." Nag-aalangan pa akong banggitin ang mga katagang 'yon dahil hindi ko naman ikakailang may kaunting parte sa aking kaloob-looban na naiilang rin. Kasi naman kakaiba ang pakikitungo niya sa akin tapos katabi ko pa siya ngayon.

BLOODY LIFE OF MINETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon